Kung alam ko lang sana na sa hospital ko lang pala makikita ang atensiyon na hinahanap ko, sana noon pa nagpa-hospital na ako. Kidding.

Kinuha ko na lang muna 'yong phone ko at tinawagan si Daddy para kamustahin. Isang ring pa lang sinagot na niya.

"How's my sweetie doing?" bungad niya kaya napangiti ko.

"I'm doing good, Dad," pagsisinungaling ako, ayoko siyang mag-alala. " How bout' you?"

"I'm also doing good, sweetie. Sorry nga pala at hindi nakapagpaalam si Daddy. Biglaan kasi."

"It's okay, Dad, I understand. By the way kailan ka uuwi?"

"I don't know, sweetie."

Napanguso ako. Mami-miss ko siya ng matagal kung gano'n." I understand, Dad," ani ko na lang.

"I have to go na. Bye. Love you. Take care," dire-diretsong aniya.

Naintindihan ko rin. Wala siya sa Pilipinas, mahal bayd kapag nakipag-usap ka ng matagal ng mga nasa Pilipinas.

"You too, Dad. Bye."

Hindi ako sanay na magkalayo kami ni Dad.  Isang beses pa lang kami nagkalayo ni Dad at noon 'yong naghiwalay sila ni Mommy at sinundan niya ito sa France para makipagbalikan pero no'ng umuwi siya hindi naman niya kasama si Mommy.

Last year lang 'yon kaya hindi talaga ako sanay.

"Umuwi na sila?"

"Ay palaka!"

"Tsh."

"Ba't ka ba nanggugulat, Sir?" gulat pa ring tanong ko.

"You're busy thinking of something to the point that you didn't notice na narito na ako," striktong aniya. Sungit.

Tumahimik na lang ako at kinuha ang cellphone ko at nag-facebook.

"Hey!" saway niya. "Stop using cellphones you're not okay yet."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako.
Kahit wala namang ganap masyado sa facebook ko maliban sa pag-add sa 'kin ni Jared ay nagpatuloy ako. Scroll up and down.

Isc-scroll down ko na sana when someone grabs it.

"I told you to stop, didn't I?

Napatingin ko sa kaniya ng gulat at hindu makapaniwala. Sir can really do this these things to me easily.

"Sir, ano ba!  Pati ba naman sa pagc-cellphone?" inis na tanong ko.

Nauubos na ang pasensiya ko sa teacher na  'to. Malapit na akong sumabog. Lahat na lang kasi.

"It's for your own good, Shaira. I won't do this if this isn't necessary."

"Sir, wala naman kasing connect ang cellphone sa sakit ng ulo ko," giit ko.

"Learn when to use this and not"," walang pakialam na aniya.

"Bahala ka nga po." Nguso ko.

"Matulog ka muna."

"Talaga," pagsusungit ko at tumalikod sa kaniya bago pumikit at natulog.






Nagising ako ng may marinig akong kumakanta.

"Ang ganda pala ng boses mo, Sir," puri ko kay Sir.

Halatang nabigla siya sa pagsabat ko kasi nabitawan niya pa ang cellphone niya.

"Y-You're awake."

"Oh, bakit parang nauutal ka, Sir?" Tawa ko. " 'Wag kang mahiya ang ganda nga ng boses mo, e."

"Let's eat," pag-iiba niya ng usapan at dinala sa kama ko ang mga pagkain.

"Taray niyo naman Sir, ready kayo ngayon, ah?" pang-aasar ko.

"Kanina ko pa binili kaya lang ang tagal mong gumising." Ngiwi niya.

Natawa ako. Kasalanan ko nga, sabi ko.  Umiling lang siya at binigay sa 'kin ang pagkain ko at kumuha rin siya ng sa kaniya.

Nagsimula na kaming kumain nang may naisip ako.

"Sir?"

"Hm?" sagot niya bago sumubo.

"Sino po ang iniisip niyo habang kumakanta kayo kanina?"

Hindi ko masabi ang title kasi 'di ko naman alam ang title no'n. Bago siya sa pandinig ko pero ang ganda. Lalo na at si Sir ang kumanta.

Bigla na lang siyang nabilaukan sa tanong ko kaya dali-dali akong kumuha ng tubig para ipainom sa kaniya.

"Are you trying to kill me?" asik niya no'ng maayos na siya.

"Nagtatanong lang naman po ako, e."

"You know what, I'm done. "

"Ano? Kakasimula pa lang nating kumain, ah?" gulat na tanong ko, napipikon na naman 'to panigurado.

"You have a lot of questions. Can't you focus on eating?" asik niya.

Ay hala. Galit na ata siya. Hindi lang pikon.

"I'll focus on eating na po. Kain ka na po." Ngiti ko.

Gaya ng sabi kumain na lang ako ng tahimik kasi kumain na ulit siya. Hirap niya asarin, napupunta lagi sa away.

Wedded To A StrangerWhere stories live. Discover now