Hinigpitan ko ang hawak sa bag niya, "Ako na ang magbubuhat."

Umismid siya, "Magaan lang naman, kaya ko nang buhatin."

"May sugat ka," sabi ko at umiwas ng tingin. Hindi talaga ako makatingin nang diretso. "Uhm, sasabay ka ba?"

"Mhm," sagot niya at nauna nang maglakad. Nagpaalam na kami kina Lerdon at sa bruhang si Leila na iba na naman kung makatingin. Malisyosa talaga.

Sumunod na ako sa likuran ni Daezen. Medyo lumalayo muna ako nang kaunti dahil tinatantya ko pa ang mood niya kung okay na bang kausapin ko siya.

Nang nasa sasakyan na kami ay pasulyap-sulyap ako sa kanya. Hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi ni Leila kanina.

"Real talk nga. May gusto ka ba kay Daezen?"

"Siguro may gusto ka talaga sa kanya, pinapanindigan mo lang talaga 'yang pagiging bakla mo."

"Kung gano'n nga, sabihin mo kung bakit ka palaging nagseselos, tapos nakatitig pa palagi sa kanya habang namumula at nangingiti."

"I think hindi ka naman ata totoong bakla, ginagawa mo lang 'yan para sa mama mo."

Argh! Shet ka talaga, Leila! 'Yon tuloy ang paulit-ulit na nagpe-play sa isipan ko habang nasa tabi ko si Daezen!

Iniling-iling ko ang ulo ko at tinapik-tapik ang pisngi ko. Pumikit pa ako nang mariin at kinurot ang sarili para magising na ako mula sa mga kabalbalan ng bruha kong kaibigan.

Nang sumulyap ulit ako kay Daezen ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Nakakunot ang noo niya at tinignan ako na para akong isang weirdo.

Umubo ako at umupo nang maayos. Para siguro akong sira sa paningin niya.

Umiwas ako ng tingin, "Uhm, kumusta 'yang sugat mo?"

"Okay na. Tumigil na rin sa pagdurugo," maikli niyang sagot.

"Matatapos mo ba ngayon 'yung props na pinapagawa sa 'tin?"

"Magpapatulong na lang siguro ako kay mommy."

"Excuse ka naman siguro dahil sa nangyari diyan sa kamay mo."

"Maybe," sabi niya at nagkibit balikat.

Napapangiwi ako sa matitipid at cold niyang mga sagot sa 'kin. Gusto ko pa sana siyang kausapin konti kaso wala na akong maisip na topic.

"Alam niyo, ang weird niyo ngayon. May nangyari ba?" nakangisi at pataas-taas kilay na tanong ni Kuya Jason. Hindi ko na naisip na nandito rin siya dahil masyado akong preoccupied.

"Wala," sagot ko. Hindi rin sumagot si Daezen kaya napasimangot na lang siya sa 'min. May pagkatsismoso rin kasi itong taong 'to eh, baka itsismis pa kami kina mama.

**********

Nang bumaba na si Daezen ay bumaba rin ako. Bago pa siya makapasok sa gate nila ay hinila ko ang walang sugat niyang kamay.

"Hoy!" palag niya pero hindi ko siya binitawan.

"Sa'n kayo pupunta, Albie?!" sigaw ni Kuya Jason mula sa loob ng kotse.

Beauty and the BekiUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum