Chapter 29:Meet Drew Lasiri

Magsimula sa umpisa
                                    

"E di pali—WHAT!?" Gulat naman akong tumingin sa kanya.Nakangisi sya habang nakatingin sakin."Sira ka naba?"

"Whatever, let's go" sabi nya at hinawakan ang kamay ko at hinila nya ako palayo sa SE.

"Uyyyyyyyyyy!"

"Witwit!"

"Concern talaga sya"

"Clint lang malakas"

Sinamaan ko naman ng tingin yung SE na agad tumahimik.

Pilit kong inaagaw ang kamay ko kay Clint pero ayaw nyang bitawan.Problema nito?

---*
PARKING LOT

"Cris,ikaw nalang magdrive"

"Oo nga,naiiwan kaluluwa ko kapag si Princess ang nagdadrive e"

"Ayoko pang mamatay dahil gusto ko pang magka pamilya"

Sari sari ang mga kumento nila.Gusto ko sana na ako ang magdadrive kaso iiyak daw sila kapag ako ang nagdrive. Kaya sa huli si Cris yung nagdrive.

---*
MALL

Anong ginagawa namin sa mall?Agad kong tinignan ang SE at lahat sila ay nakangiti sa akin.Anong meron sa ngiti nila,may kakaiba.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.

"Baka mamimili tayo ng gulay" agad ko naman na sinamaan ng tingin si Clint.Nginisian naman sya ako.

"Ano nga?" Nakanguso kong sabi."Wag nyong sabihin na maghahabulan nanaman tayo?Ayoko ng masampal "sabi ko.

"Wag kang mag-alala,princess. Hindi kana nila masasaktan"sagot ni Eyan.

" So,ano ngang gagawin natin dito?"

"Secret!" Sabay sabay na sabi nila.Nangunot naman ang noo ko.

"Let's go" sabi ni Clint sabay hawak nanaman sa kamay ko at hinila nanaman ako.

"Ayiieeeeeeeeeee!" Pang-aasar nila.

"Hoy! Bitawan mo nga ko.Kanina kapa nakahawak ah" sabi ko habang binabawi ang kamay ko.Lalo naman nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay.

"Kaya kita ayaw bitawan dahil baka mawala ka nanaman" seryosong sabi nya.

"Kelan ba ko nawala?Sa pagkakatanda ko hindi naman ako nawala ah!"

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon