Eris and Aeri Hall

5 0 0
                                    


" Heto at baunin mo sa byahe papunta ng Aeriland " ani ni Nanay Lina habang inaabot ang isang paper bag

" Salamat po " tangging sabi ko ng makuha ko ang inaabot nya

Nandidito kami ngayun sa sinasabi nila na Tunnel of Aeri, Maaga akong ginising ni Ate Jema para pumunta dito, At sinasabi ko sa inyo grabe ang haba ng byahe namin bago kami nakarating dito umalis kami ng 3am at nakarating kami ng 7am kaya ewan ko kung nasaang lupalop kami ng earth ngayun o kung nasa earth pa ba kami.

Buti talaga kamo at nag white hoodie, jeans with black sneaker ako kung hindi namatay na ako na nanginginig sa lamig ngayun, Nakasikat naman na ang araw pero dahil nasa ginta kami ng gubat ay wala ito talab dahil na din sa subrang tataas ng mga puno, Pambihirang Tunnel naman kasi ito sa gitna pa ng gubat pumuwesto pero kung titingin ka sa paligid di mo talaga aakalain na may isang tunnel dito kahit nga siguro sumakay ka sa helicopter at lumipad sa taas ng gubat na ito ay di mo talaga mapapansin na may tunnel pala sa lalaki ba naman ng mga puno eh.

Ang Tunnel of Aeri ay para lang isang abandoned tunnel na may putol na riles sa dulo, walang ticketing booth at tanging mga ilaw lang ang maayos, wala ding pwedeng upuan kaya ang daming naka tayo ngayun na kagaya ko ay naghihintay sa train.

" Mauuna na kami Maffy..." ani ni Ate Jema

" okey po...Mag iingat po kayo lagi " sabi ko habang yakap yakap silang dalawa, tinapik naman nila ang likod ko at sinabing " Oo naman, ikaw din mag iingat ka lagi " Ate Jema " wag kang mag papagutom Ihja " Nanay Lina

" Opo Nanay Lina, wag po kayong mag alala sa akin kakain po ako lagi, alam nyo naman po na matakaw ako " masiglang ani ko para di sila mag alala sa akin

" Aasahan ko yan Maffy Ihja "

" no problem po "

Pag ka tapos ulit nila akong paalalahanan ay umalis na nga sila. Ngayun puro mga ka edad ko na lang ang nandidito at kagaya ko ay naghihintay sa train na magdadala sa amin sa Aeriland, May ibang nasa flat form ng tunnel at doon naghihintay may mga kagaya ko naman na nandidito sa ilalim ng puno.

Ilang sandali pa nga ay nakarinig na kami ng busina ng train pero na gulat ako kung saan ito ng gagaling , Alam kung di lang ako ang napatingin sa itaas para tignan ang paparating na bagay na iyun or should I say train na syang maghahatid sa amin sa Aeriland, Lumipas pa nga ang ilan pang minuto bago ito nakalapag.

Napako ang tingin ko sa isang babae na lumabas galing sa loob ng train, Ewan ko kung ako lang ba ang nakakapansin pero may something sa babae na iyun

" First of all I want to say Good morning and sorry if we made you wait, something came up kasi pero okey naman na na ayus na namin, By the way I'm Theo, Part of the Supreme class and Magi Familia ako ang na atasan na mag guide para sa mga transfere ngayung school year, So without further due come on in and let's go cause we have many things to do "

Tumayo na nga ako at dinala ang mga gamit ko papunta sa train, Habang papasuk ay nakasalubong ko ng tingin si Theo na nginitian ako kaya nginitian ko din. Mukha syang mabait, ang amo din ng mukha nya pero kagaya nga ng sinabi ko may something sa kanya to be scpecific sa Aura nya. Nang makapasuk sa loob ay napahanga ako sa itsura nito embes kasi na mga upuan mga pinto ang nakita ko, may daan sa gitna at may mga pinto naman sa both side nito

" Sige pumasok lang kayo sa kahit anong pinto dyan, malalaman nyo naman kung may nag occupy na sa kwarto na iyun kung wala na syang ilaw sa taas ng pinto " Theo said, at ganon na nga ang ginawa namin, ang mag hanap ng pintuan na wala pang nag oocupy

Sa bandang dulo na ako nakahanap ng pinto na wala pang nag occupy at nang pumasuk ako sa loob nito ay di ko naman alam kung ano ang masasabi at magiging reaction ko, Saan ka makakakita ng isang train na pag pasuk mo palang embes na upuan ay pinto ang sasalubong sa iyo at higit sa lahat pag binuksan mo ito para kang nasa hotel room  pambihira train 'to!, may Sofa at mini sala may small refrigerator and singel bed din at higit sa lahat may CR!, ang angas Lang! para kang nasa loob ng hotel room and take note ang laki ng train na ito ay kagaya lang ng sa ordinaryong train kaya pano to nag kasya sa loob and to add more! mag kabilaan pa ang mga rooms! Pambihira!!

AERISWhere stories live. Discover now