Missing You ...

138 11 26
                                    

Ang storyang ito ay magulo, sobrang gulo. Nabuo ito dahil magulo ang utak ko kaya pakiintindi nalang. Sobrang medyo nahirapan akong isulat ito kase ang daming pumapasok sa utak ko. Hahaha! Naghalo ang flashback at present dito kaya ko nasabing magulo. Basta ayun lang. Enjoy :D ~Krungy

~~

 "Good morning."

Napangiti ako sa sinabi mo. Sinuklian ko iyon ng isang masiglang bati rin kahit na inaantok pa ako. "Good morning Tina."

"Ang creepy ng ngiti mo Mind."

Kahit na pang-iinis lang lagi mong sinasabi sakin mahal na mahal pa rin kita. Ikaw si Tina Bread e. Ang pinakamamahal ko.

"Lagi nalang yan ang sinasabi mo sa ngiti ko. Pero okay lang, sayo lang lumalabas ang ganitong ngiti."

" Sabi ko nga po Mr. Mind Weis e." Nakangiti mong saad sakin. Ang ganda mo talaga pag ngumingiti. Parang anghel na pinababa para mahalin at alagaan ako. "Bumangon ka na jan. May pasok ka pa a."

Umupo na ako sa kama at ininat ang katawan. Nakakapagod ang pakiramdam kapag bagong gising. Imbis na madagdagan ang lakas mo, prang lalong nabawasan. Parang ayaw ko pang bumangon. Nakakatamad.

Dahil kailangan kong umalis, napagpasyahan ko nang bumangon sa higaan. Kailangan pala naming magkita ngayon. Tinignan ko sa gilid ng kama ko kung anong oras na ba. Nakita ko ang isang sticky note na nakadikit sa alarm clock ko. Kinuha ko iyon. Sigurado akong siya nanaman ang naglagay nito. Hilig niya talaga ang sticky note kaya lagi ko siyang nireregaluhan nito para naman hindi siya kapusin sa supply.

"Gising na po Mr. Weis. :)"

"Gising na po ako Ms. Bread." Nakangiti kong saad habang nakahawak sa sulat mo.

Dumiretso na ako sa kusina para makakain. Kailangan kong agahan ngayon dahil madami pa akong gagawin para ngayong araw. Bubuksan ko na ang refrigerator ng makita ko nanaman ang sticky note mo. Napangiti nanaman ako. Alam na alam mo kung saan ang punta ko tuwing babangon ako. Hindi din nawawala ang mga paalala mo sakin.

"Eat your breakfast well Mr.Weis."

Nakakatuwa naman itong mga sinasabi mo. Paulit-ulit nalang. Feeling ko ang bata bata ko pa dahil lagi mo nalang ako pina-aalalahanan. Nakakatampo na nakakakilig. Binuksan ko na ang ref at kukuha na ng itlog para lutuin ng makita ko nanaman ang sticky note mo.

"Eating egg every morning can kill you. Try to cook another food. A healthy one. :)"

Dinaig mo pa ang nanay ko Tina. Hahaha! Nakakatuwa ka talaga. Hindi ko na tinuloy ang pagluto ng itlog. Kumuha nalang ako ng hotdog at iyon ang niluto. Wala akong stock ng maaaring kainin. Tsaka umaga pa naman kaya kailangan ko ng pagkaing madaling lutuin.

Natapos na ako sa pagkain at hugasan ang kinainan ko. Tinungo ko na ang kwarto ko para simulang maligo. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng CR ko sa kwarto, nakita ko nanaman ang sticky note mo.

"Take a bath with warm water Mr. Weis."

Lagi naman ako naliligo ng may mainit na tubig. Alam ko naman na magagalit ka sakin pag hindi maaligamgam ang tubig na papaliguin ko. Minsan talaga naiinis na ako sa inaakto mo sakin. Para mo akong anak kung payuhan sa mga bagay bagay. Napapangiti nalang ako ng wala sa oras. Kung may tao dito, sasabihin nun na nababaliw na talaga ako.

Dumiretso na ako sa loob ng CR habang hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Nakakakilig na nakakainis. Hindi ko mawari sa sarili ko. Nababaliw na talaga siguro ako.

Missing You ... (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon