Chapter 4

30 4 1
                                    

Saniyah's pov

Tahimik kami nang dumating ng sabay si nathan at si sir. De castro P.E teacher namin.

Madali naman palang kausap ang mga bitchmates ko ih, Napag usapan na namin ang deal, akong bahala sa lunch silang bahala sa aking future hihi! Masisira kasi ang future ko sa barbara nayan! Hshshshs

"Okay, class dahil malapit na ang second grading natin,Gusto ko sanang magpa activity sainyo for this week.."tumigil siya saglit para kuhain ang papel na nasa lamesa "...Magkakaroon tayo ng camping sa saturday"

WOAH!! SERYOSO??????

NOT JOKING JOKING! LAYK, U KNOW! WAHH BASTAA! TRUE BA?? YIEEE!!

Hiyawan ng mga bitchmates ko ang tanging naririnig ko. Syempre ako pa ba?? Hindi ako papahuli! Habang nag iingay sila pumatong ako sa upuan ko saka inayos ang sarili.

"SERRR!" malakas na tawag ko

Gulat na mukha ang bumalatay sakanya nang makita ang posisyon ko "Anak ng! Bumaba ka riyan cole! Mamaya kung ano pang mangyari sayo! Baba dyan! Hay nako kang bata ka!"

"Aishhh, may itatanong lang po ako" pangangatwiran ko

Kusa silang natigil sa hiyawan at tinutok saakin ang atensyon.

"Oh e ano iyon? Bilisan mong mag tanong kay baka kako mahulog ka riyan"

Hehehehe

"Pwede po ba akong magpalaro???"

"Naks! Basta may premyo!"

"Oo nga cole,Dapat may premyo ka"

Dinig kong suhestyon ng mga bitchmates ko. "Naman!" mayabang na sagot ko

"Oo na sige na! Nakong bata ka, bumaba kana riyan!"

Sinunod ko si serr, Palihim kong sinulyapan si nathan. Nakatingin rin siya sakin, iling iling siyang umiwas ng tingin. Hihihi nagustuhan niya yata ang idea kooo!! I know right baby nathan!

"Isasama ko na ang palaro ni cole, then bago yon may activities tayong gagawin, It will be announce pag nandon na tayo, Hindi naman siya ganon kahirap dahil by partner ang act, So class be ready and i hope na lahat kayo ay makakasama sa saturday"

"Yessss serrr!!" sagot namin.

Nang matapos ang pangumagang klase, Dating gawi, Sundan si nathan hehe, Hindi ko parati naisasabay si ellie dahil lagi siyang sinasama ng mayaman nyang jowa sa mall. Palagi rin nila akong gustong isama kaso tinatamad ako kaya puro next time nalang ang sagot ko.

Isa pa, hindi ko pwedeng iwanan si nathan dito no! Pano pala kung end of the world na pala ng mga oras na iyon? Edi hindi ko nakasama ang nathan ko? No waaayyy!!

"Ate, anong inorder niya today?"
Alam na ng tinderang ito ang araw araw na ginawa ko. Kung anong kakainin ni nathan sinasabi nila sakin! Hihihi

"Spag then some bread lang tapos drinks niya water lang rin"

Hmmm nakakapagtaka naman,dati kasi hindi naman siya ganyan katipid kung kumain. Ano kayang nangyari?

"S-Sige po, ayon din sakin hehe"

Pagtapos kong kuhain ang order ko ay agad akong pumwesto sa bandang likod ni nathan. Nagseselpon lang siya, Dahil sa napaka chismosa kong cute na babae, bahagya kong inangat ang sarili ko para makita kung anong sinisilip niya sa phone niya.

Kusa akong napaupo nang matapos kong gawin iyon. Hindi ko inaasahan ang nakita ko.

I-Isang babae, kasama si nathan..sa picture. They look happy together.

Girlfriend nya kaya iyon?

Parang nawalan ako ng gana sa sarili kong naiisip. Wala sa sariling nilisan ko ang canteen at dumiretso sa comfort room.

Pinagmasdan ko ng mabuti ang sarili ko sa salamin.

Maganda ang babae, kitang kita ng dalawang mata ko.

Masaya si nathan, yung ngiti niya--ayon ang ngiti na kahit kailan hindi ko pa nakita sakanya.

Pero bakit hindi niya manlang nakakasama ang girlfriend niya? Hindi ko kilala ang babae,sa tatlong taon kong pagiging stalker ni nathan wala akong nalamang may girlfriend na pala siya.

So sino yung babae??

VOTE AND COMMENT!!!!😾

Owned by Mr. Manhid (ON GOING) Onde histórias criam vida. Descubra agora