"NEW NORMAL: NCov-19"

28 3 0
                                        

"New normal" malimit mo ba itong marinig ngayon? Lalo na sa mga iba't-ibang communities and commentaries na maaaring napanood mo na sa TV, nabasa sa newspaper or internet, specifically sa social media? Well, kung gayun nga ay sasabihin ko sa iyo, di ka nag-iisa. This is the term we often hear nowadays dahil sa pandemya na nangyari sa taong ito ng 2020.

Today is the 13th of November, 2020, araw ng biyernes (Friday the 13th kung tawagin ng iba hehehe) exactly 8:17 PM nang simulan ko mag type ukol dito. It's almost a year na, nang magsimula si Covid-19 mabalita sa publiko, at hanggang ngayon ay marami pa ring tao ang apektado nito. Yet, we can say by this point na sanay na tayo kay Covid, in facing the fact na nandito siya, isang deadly, but much more communicative or rather I say, contagious disease unseen by the naked eye. Isang invisible enemy na walang pinipili; doesn't acknowledge or respect a specific race, ideology, religion, and personality in general.

Nang magsimula si Covid ay tinawag itong NCov-19 or 'Novel Corona Virus 2019'. Ano ba ibig sabihin ng "novel" di yan yung nakikita mo karaniwan dito sa wattpad hehehe. Pag sinabing "novel" when it comes to viruses, ito yung uri ng virus that has not yet previously been recorded o something that is new. Paano ba nabibigyan ng pangalan ang iba't-ibang uri ng viruses? Well, depende yan actually sa kanilang genetic structure. WOW nosebleed hahaha.

Ano ba ang genetic structure? Ito yung genetical form ng virus kapag tinignan mo siya sa pamamagitan ng tinatawag na "Electron Microscope" na siya naming ibang-iba sa karaniwang "Micrscope" na alam natin at marahil nagamit ng iba sa atin sa school during our science or laboratory subjects. Bakit kailangan ay "electron microscope" pa ang gamitin para sa viruses? Sapagka't sa batay sa pag-aaral ng mga microbiologists (ito po yung mga nag-aaral ng maliliit na organism na di kayang makita sa pamamagitan ng mata lamang) ang mga virus ay hamak na mas maliit sa sizes kumpara sa alin mang bacteria (isa pang uri ng microorganism na maaaring mag cause ng diseases) kung kaya't ito ay nangangailangan gamitan ng electron microscope na mas high definition at mas malakas ang magnifying properties kumpara sa karaniwang light microscope na alam natin.

Siguro by this point nagsisisi ka na bakit mo binabasa itong article na ito? Hahahaha! Well, gusto ko lang kasi isulat itong mabuti para mas magkaroon ng isang honest understanding ang marami sa mga nangyayari sa ating panahon kaya't di maiwasan na maging boring ito para sa iba, lalo na mga tinatamad magbasa ng mga educational materials hahaha.

Hindi po ako desperate sa reads o kaya sa maraming followers/readers dito sa book or articles na isusulat ko, but I am hopeful na sana may mga tao na maging interested basahin ito in the purpose of knowledge, wisdom and awareness; also in the purpose of sharing not only vital information but also intellectual opinions about certain issues. Ngayon pinag-uusapan natin is about the difference between Bacteria at Virus. Simple lang, para mas madaling maintindihan hahaha. Bacteria and Virus ay parehas na microorganisms o maliliit na living things hahahaha na siyang dahilan sa mga diseases. Ang pagkakaiba naman nila, si Bacteria ay hamak na mas malaki kaysa kay Virus kaya't standard na microscope lang, eh pwede mo na siyang makita. Samantalang si Virus naman, mas kakailanganin mo ay yung tinatawag na electron microscope na may cutting edge technology na mag produce ng mga mas malinaw na imagery at mas malakas ang magnifying properties kumpara sa karaniwang microscope. Isa pang pagkakaiba nila ng dalawang ito, hindi lahat ng Bacteria ay masama sa tao, nguni't lahat ng known viruses ay considered na masama para sa tao. Magkaiba din ang nag aaral ukol sa dalawang microorganism na ito, Bacteriologist ang tawag sa nag-aaral ng iba't-ibang Bacteria habang Virologist naman ang nag-aaral ng iba't-ibang uri ng Viruses.

Mahalaga kasi na maintindihan muna natin ito para maintindihan din nating mabuti si Covid-19 at mga restrictions na ipinatutupad ngayon sa atin. Pero bago natin simulan talakayin si NCov-19 at ang New Normal, eh pumikit ka muna sandal hahaha pahinga lang konti mga 15 minutes hehehe siguro ay sobrang bored na ang iba at ang iba naman ay medyo sumasakit na ulo sa kanilang mga nababasa ngayon hahaha. Bakit ko nasabi? Kasi ako mismo medyo masakit na ulo ko sa pagta-type nito hehehe minsan may English pa hahahaha.

Ito ang naging dahilan kung bakit medyo nahirapan tayo na bumuo ng vaccine para sa Covid-19; una, this is considered as "novel", ibig sabihin bago lang at wala pang recoded data ukol sa sakit na ito. Maaaring may ilang mga strands ng virus na medyo nahahawig dito dahil sa isa itong respiratory disease, maihahalintulad sa mga influenza strands pero may iba't-ibang characteristics ito na medyo bago at hirap maintindihan sa panahon natin.

Pangalawa, this is a virus, mas maliit ito higit na hamak sa ibang mga pathogens or microorganisms kung kaya't napakahirap nitong pag-aralan.

Ang pag-aaral kasi ng iba't-ibang mga sakit ay di lang humangga sa pagsusuri sa mga microorganism na nag-cause nito. In our current situation, maraming tao ang mas concerned sa paghanap ng cure para sa Covid-19, na yun na nga halos ang lagi nating maririnig sa mga balita sa TV, Radyo or internet. Well, of course! Siguro sasabihin niyo, pero kung lalaliman nating mabuti ang ating pang-unawa, kung pag-aaralan natin, hindi lang yung cure, kundi lahat ng tungkol dun sa microorganism na nag-cause nitong Covid-19 pandemic; kung paano ba ito nakakapag-transmit from different living things, di lang tao kundi sa mga hayop din, kung paano ba ito nagpaparami or propagation ng nasabing virus or any microorganism at idagdag pa ang iba't-ibang environmental factors. Ang tawag dito ay "Epidemiology" siyentipikong pag-aaral ng properties, frequency, attributes, determinants o yung nag caused dito para kumalat at maging deadly. Kailangan pa ba natin malaman yun? Of course naman! Bakit? Alam niyo ba yung kasabihang "Prevention is better than cure"? Oo! Mahalaga na malaman natin yung gamot o cure para sa Covid-19, pero di ba mas maganda na malaman din natin paano ito nabubuo, paano kumikilos, anong characteristics kung bakit contagious ito at malaman din muna natin paano ito ma contain? Kapag naintindihan na natin lahat ng bagay na ito, mas madali nang matatalo ang virus o strand na nabanggit. One of the earliest institution na naging ganito ang paraan or approach sa paglutas ng mga sakit ay ang "Epidemiological Society of London" na naitatag noon pang 1850s sa bansang United Kingdom. Ang isa sa mga founding Fathers nito ay si John Snow na mostly distinguished in his contribution laban sa sakit na Cholera.

Sa susunod na kabanata ay tatalakayin natin kung sino ba si John Snow; ano-ano ba ang mga naiambag niya sa medical science at maging ang iba pang sakit na nahahawig sa Covid-19. Atin na din tatalakayin sa mga susunod na kabanata ang ukol sa mga restrictions na ipinatutupad sa iba't-ibang bansa maging dito sa ating bansa; maging kung gaano ba ito ka-epektibo sa paglaban sa virus. Hope that on the next chapter, we will have great feedback according to these article and I now encourage my readers to leave their suggestions, opinions or comments; maging sa ano naman ang gusto niyo na talakayin natin sa mga future chapters nitong ating article collections.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Complexity Of The Human Mind-Collection of Intellectual ArticlesWhere stories live. Discover now