"Oo." Tumawa ako dahil sa nangyaring yoon noon.

"You you thought I was a shoplifter that time, binato mo pa nga sa akin yung nakadisplay na payong eh."

"Hindi ko naman kasi alam na ikaw yung anak nung may ari, bigla ka na lang kumuha ng pagkain tapos diretso pa labas."

"Alala mo pa ba yung sinabi mo sa akin noon? Ang sabi mo 'Masama yung ginagawa mo! Kung gutom na gutom ka na dapat sinabi mo sa akin, bibilhan na lang kita kesa magnakaw ka.' You were nagging so much at me that time without you even realizing that you stunned me." Tiningnan ko siya habang siya ay nakangiting nagkwekwento habang nakatingin sa ulap. "That was the longest time that I stare at a woman."

"Yoon din yung araw na montik na akong mawalan ng trabaho dahil sinigaw-sigawan ko yung anak ng may ari."

"Nah, I wouldn't let them fire the first woman to catch my attention." Tumingin siya sa aking mata, hindi ko alam ang dapat kong sabihin kahit na ngayon na tila nag-uusap ang aming mga mata. "I know that there's something wrong with you right now, but I won't force you to speak. Masaya ako ngayon sa kung anong meron tayo."

"Ano ba ang meron tayo?" Nagtataka ko na tanong sa kanya, wala akong alam sa ganito dahil bago ako sa ganito. Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam na kahit sa simpleng salita ng isang lalake ay ang laki na ng epekto sa akin.

"Ikaw ba? Ano ba meron sa atin?"

"Masaya?" Natawa siya dahil sa inosente kong sagot, ginulo niya ng bahagya ang buhok ko at nagkaroon kami ng maikling katahimikan.

"Pero, bakit hindi ka na pumapasok ng school?" Kita ko ang sinseridad at pagtataka niya, alam kong gusto niya lang malaman dahil concern siya pero hindi ko kasi talaga alam kung ano ang dapat ko na isagot. "Okay, you're not obligated to answer. But I want you to be a teacher, ipagpatuloy mo 'yon."

"Ipagpapatuloy ko 'yon, dapat ikaw din. Gusto mong mag Sundalo diba?" Tumango siya at natawa.

"Oo naman, pwede na siguro sa labanan yung ganitong muscle." Natawa ako nang ipakita niya pa sa akin ang kanyang braso, alam ko at aminado naman ako na maganda ang kanyang katawan dahil sa kanyang pag work out. "Proprotektahan ko yung mga tao habang ikaw naman magtuturo ka."

"Hindi ba baka mawalan ka na ng oras sa anak natin non?" Hindi ko alam kung bakit napasabay na lamang ako sa kanyang mga sinasabi ngunit kita ko ang gulat sa kanyang mata at ang kanyang pamumula. "Sorry, nagbibiro lang ako-"

"Hindi ako mawawalan ng oras sa mga anak ko at sa misis ko, pangako ko yan." Dumampi ang kanyang kamay sa aking baba at bahagya niya itong inangat. "I love it when we talk about future, like fuck, one day i'll be waking up beside this woman after a long fight for the country as a soldier."

Ngumiti ako sa kanya at ang aming mata ay tila nag-uusap habang magkatitigan sa ilalim ng malaking puno.

Hindi ko siya pinigilan, hinintay ko na dumampi ang kanyang labi sa akin at nang magtagpo ito ay tila ba dalawang bagay na sobrang tagal na nagkita. Ang mga galaw ng kanyang labi ay sinasabayan ko habang ang kanyang palad ay nasa aking pisnge, iba ang nararamdaman ko. Bakit parang hindi na lamang pagkagusto ang nararamdaman ko sayo, Dominique?

Ilang oras na ang lumipas na andito lamang kami at panay kwentuhan at kain.

Gusto ko ito, ngayon na katabi ko siya at wala akong ibang iniisip. Ngunit alam ko na dadating din ang araw na malalaman niya ang totoo, na may anak ako at ang anak kong ito ay dugong Soriano.

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon