CHAPTER 26

9K 298 191
                                    




Binaba ko ang aking sarili, bahagya ako na lumuhod upang makuha ang brown envelope. Sa pagtayo ko naman ay ang paglabas ko ng papel sa loob nito, nakasaad dito ang pangalan nina Soraya at Cordelia, kasama na rin ang pangalan ni Primo.

Sa tindig pa lang ni Samira at sa kaniyang ayos ngayon ay tila ba may isa siyang bagay na kinakaligaya, na tila ba nagwagi siya sa isang patimpalak. Agad ko na nabasa ang naging resulta ng lab test.

"They made a mistake." Agad na wika ni Primo nang makita niya ang papel na hawak ko. "Yes, there may be a possibility that Samira's child is mine, pero kay Sanya? Sigurado ako na anak ko si Pristine Soraya."

"That's why I ordered them to conduct multiple tests." Napatingin kami nang tumayo si Don Hacinto, inabot niya naman ang dalawang brown envelope. "Inside that two envelopes, are another three results, each from the children. The results are the same, Siwon."

"Imposible." Wika ko sa aking sarili habang nakatulala.

"Posible, 'yon yung lumabas eh." Wika naman ni Samira habang nakatayo pa rin siya sa harap namin. "Napakagaling mo na umarte, humahanga na kaming lahat sa'yo ngayon."

"Soriano si Soraya." Madiin na wika ko habang kaharap siya. "Hindi ko alam kung anong mahika o kalokohan tulad ng ginagawa niyo sa San Soriano ng pamilya niyo ang ginawa niyo para maging ganito ang resulta."

"Sanya, you're accusing the Ardiente for something that you can't prove." Wika naman ni Don Hacinto na mukhang gulat sa aking sinabi.

"Hindi ko po talaga mapapatunayan, dahil makapangyarihan ang mga taong 'to kumpara sa akin. Pero itong tatandaan niyo, hindi mababago ng yaman niyo yung katotohanan na Soriano si Soraya."

"Soriano? O baka naman Altamayor? Pwede mo naman sa kanila sabihin ang tungkol sa anak mo, tutal mayaman din naman sila. Yoon lang naman habol mo 'di ba?" Si Maria Avriana naman ang tumayo matapos niya na sabihin 'yon.

"No one will talk shits about Anya in front of me." Hinawakan ni Primo ang braso ko at pinwesto ako sa kaniyang likod. "Soriano si Soraya, sigurado ako roon, papa."

"Siwon, hindi yoon ang lumalabas sa mga lab results. Hangang ngayon pa rin ba bubulagin mo pa rin yung sarili mo dahil sa nararamdaman mo kay Sanya? Primo, anak mo na yung pinag-uusapan dito." Wika naman ni Don Hacinto.

"Dad is right, Siwon. Mga bata na ang nakasalalay dito, hahayaan niyo na lang ba talaga na lumaki sa mga kaniya-kaniya niyo na kasinungalingan yung mga bata?" Kahit sabihin ni Hades na nilalahat niya ang mga anak namin, alam ko na para sa akin ang sinasabi niya, para sa amin ni Soraya.

"Hindi ko magagawa na magsinungaling sa inyo, Soriano si Soraya." Bumigat ang aking dibdib at dulot ng aking pagiging paos ay tuluyan na naging barag ang aking boses. "Soriano ang anak ko."

"Bigyan mo pa kami ng isang rason para paniwalaan ka, Sanya." Wika naman ni Alejandro o ang ama ni Samira. "Hindi sapat na magpa-awa ka muli."

"Isang rason? Kahit kailan hindi ko magagawa na magsinungaling sa mga tao na pinapahalagahan ko, lalo na sa mga Soriano-"

"You just did." Wika ni Samira, pinag krus niya ang kaniyang bisig. "Gagawin at gagawin mo 'yon dahil namana mo 'yon sa lola mo tama? Pinapahalagahan ka niya pero bakit siya nagsinungaling sa kaniya?"

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon