CHAPTER 24

8.5K 326 117
                                    



Pinanuod ko kung paano na buksan ni Primo ang envelope na sigurado ako na may mga larawan namin ni Dominique. Sa sitwasyon ngayon maaring magkaroon ng dalawang panig Primo, kung maniniwala ka ba sa kwento na tinagpi sa litrato o maniniwala ka sa katotohanan na sasabihin ko.

"The youngest Altamayor." Wika ni Hades na tila pinapakilala niya si Dominique. "The only son, they own almost every convenience store in town, they are also dominating other cities and province with their business."

Ang litrato ay kuha nung magkasama kami ni Dominique na pumasok sa condo niya, maging mga litrato nang maghalikaan kami noon.

"Those were taken after Dominique broke up with Kaye for Sanya. It's her friends who took those photo, to show how low Sanya is, she would immediately strip herself off for any guy."

"Walang nangyari sa amin."

"Pero bakit hindi mo sinabi? Hindi mo sinabi na may ibang lalaki bago si Siwon?" Mataray na tanong ni Samira. "Dahil takot ka na pagdudahan yung anak mo? How sad na sa akin lagi yung duda niyo, while your favorite slept and maybe still sleeping with the Altamayor."

"Sa isang litrato nakuha mo na gumawa ng iba't ibang klaseng kwento?" Sagot ko sa kaniya.

"Kwento ng kalandian mo?"

"That's enough." Wika ni Don Hacinto, agad ay tumayo siya. "Malapit na kayo na manganak na dalawa kaya umiwas kayo sa mga stress. Huwag kayo mag-alala, oras na manganak kayo na dalawa malalaman natin yung totoo."

"So we're just going to invalidate this red flag? Bakit ang dali sa inyo na pagdudahan ako, pero kay Sanya hindi? Is it because of my family?"

"Yup." Nakangising sagot ni Psalm.

"Oras na manganak kayo na dalawa ay aalamin agad natin kung sino ang Soriano sa dinadala ninyo." Wika ni Don Hacinto na may diin. "Sa oras na 'yon, alalahanin n'yo na ang napagkasunduan noon, tuloy pa rin hangang ngayon."

"Aalis sa San Soriano?" Tanong ni Hades.

"Oo."

"These doesn't change a thing." Napatingin kami nang magsalita si Primo, lumapit siya kay Samira at nilapag sa lamesa ang mga litrato. "I know that there was another guy before me. You don't need to use Dominique as a way for us to doubt Anya. Because what you did right now, you only showed who's the real impostor here."

"Your love for Anya is eating you, Siwon." Hindi ako makapagsalita, ngayon na tila ba natatauhan ako sa mga sinasabi ni Primo. "Sanya will be your biggest downfall."

"Yeah that's possible, because she's the one who brought me on top."

"And the one to push you, 'til you reach the rock bottom." Galit na umalis si Samira, sumunod naman sa kaniya si Kaye.

"You shouldn't have talked." Sabmit ni Don Hacinto. "Samira is also pregnant just like Sanya, they're both in need of help right now. You're stressing the both sides, Siwon."

"Papa, that was a desperate move from her."

"Why don't we listen to the other side too? Sanya?" Gumawi ang tingin nila sa akin.

Huminga ako nang malalim, bago nakaipon ng sapat na lakas o tapang para magsalita. Para sabihin ko na ang totoo, dahil sa totoo lang ang bigat na lang lagi sa tuwing may tinatago ka.

"Nung araw na 'yan aaminin ko na may nararamdaman ako para kay Dominique." Panimula ko, ayoko na magtago pa ng kahit na ano sa kanila. Naging mabuti sa akin ang mga Soriano, ayoko na suklian sila ng kasinungalingan. "Nung araw na 'yan ay nangyari matapos nung nangyari sa amin ni Primo, nang mawala siya sa sarili niya dahil sa pinainom sa kaniya. Gustong-gusto ko humingi ng tulong dahil pakiramdam ko kalahati ng pagkatao ko yung nilunok ko para mapagamot ko yung Lola ko."

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon