Chapter 19:Obey

Magsimula sa umpisa
                                    

Hintayin nyo ako boys. Magsosorry pa kayo sa akin hehehe.

Nilagyan ko ng tracking device ang likod ng tenga ni James nung pumunta kami ng mall kaya alam ko kung nasaan sila ngayon.Mabuti nalang ay nailagay ko iyon sa kanya kung hindi baka naligaw na ako.Hindi ko kasi alam kung saan yung pinagcampingan nila.Hindi naman kasi ako palalabas ng bahay.

Sinusundan ko lang ang pulang ilaw hanggang sa nawala iyon.Napatigil ako sa pagmamaneho.

Hala!Nawala!Pano nayan?!

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Panay puno ang makikita mo dito,walang bahay kahit isa.Liblib ang lugar nato.

Huhuhu!Pano nako neto ngayon?Mukhang naliligaw na ako.Wahhhh!Humanda ka talaga sakin James pagnakita kita.

Kahit hindi ko alam kung saan na ako papunta ay pinagpatuloy ko lang ang pagdadrive ko.Nakakapagtaka nga e.Diretso lang ang daan,walang likuan.

***🌙
JINJIN'S POV

Tahimik kami ngayon dito sa kampo namin.Walang gumagawa ng ingay.

Ewan koba pero ngayon lang nangyari sa amin ang ganito,ang maging tahimik.

Nakaupo kami ngayon sa pinutol na troso habang pinalilibutan namin ang bounfire na ginawa namin.Halos ilang oras rin ang sinayang namin para makapaggawa ng apoy.Hindi kasi kami sanay sa gawain na ganito.

Napatingin ako kay James ng may makita ako sa peripheral vision ko na kulay pula sa likod ng tenga nya.Agad akong humarap sa kanya at tinanggal iyon.

Napatingin naman sya sa akin habang nakakunot ang noo.Sigurado ako badtrip parin to sa nangyari kahapon na away.

Hindi parin kami nagkakaayos nila Kyle simula kahapon.

Agad kong ipinakita sa kanya yung tinanggal ko sa tenga nya.Kunot noo naman nya iyong tinignan at hindi na pinansin.

Pinagmasdan ko naman iyon.Hindi ko maiwasang mamangha dahil ang ganda nito.Umiilaw sya sa dilim.

Maliit lamang ako.Mga kasing laki ng taling.Agad naman din akong nagtaka dahil wala namang pangdikit yung nakuha ko kay James pero dumidikit iyon.

Inilagay ko sa hintuturo ko yung parang mamahaling bato at hinipan.Hindi man kang iyon nilipad na ikinakunot ng noo ko.

Dapat lumipad iyong bato nato.Dahil magaan lamang sya.

Inihipan ko uli yung bato pero hindi talaga iyon nililipad.Hanggang sa inihip-ihinpan kopa pero ayaw talaga.Kunot noo naman akong tinignan ng mga kasama ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Cris na nakakunot ang noo.

"Wala,hehe" sabi ko sabay kamot ng batok. Idinikit ko nalang sa palad ko yung kulay kulay pulang bato,baka kasi pagpinakita ko sa kanila at magustuhan nila at hingiin nila.

Gabi na at hindi parin kami nakakakain dahil walang may dalang kaldero sa amin.May rekado nga wala namang dalang kaldero.Aanhin namin yung rekados?Kakainin?.

Malapit narin mamatay yung apoy namin pero wala kaming ginagawa kundi titigan iyon.

Nagugutom na talaga ako!

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon