40

14.3K 318 19
                                    

Her POV

"Hoy! Bumaba ka na diyan!" sigaw ni Eula sa akin. Nandito na pala kami sa eskwelahan at hindi ko man lang iyon na napansin. Masyado siguro akong natulala.

Napabalik naman ako sa realidad. "Eto na." at bumaba na sa tricycle.

"Bakit ka ba kasi natutulala ka diyan ha." sabi nya habang naglalakad na kami papasok sa gate.

"Wala...wala naman." sabi ko.

I heard her sighed. "Dahil ba 'to kay Jethro?" napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

Bakit ba sa tuwing nababanggit yung pangalan niya ay parang nag-iiba ang nararamdaman ko. Parang kumakabog ang puso ko. Why is that.

"W-what are you talking about?! Of course not!" I sound so defensive.

She rolled her eyes on me. ''Ewan ko na lang talaga sayo Vera kung hanggang kailan ka ba magbubulag-bulagan." sabi niya at nagpatuloy ito sa paglalakad kaya sinundan ko naman siya.

"What do you mean?" At napakunot naman yung noo ko sa sinabi niya sa akin.

"You know what I mean, Vera." and she smirked.

I really don't know.

"Guys!" bigla na lang may sumulpot sa likuran namin and it's Kiel. He's in a good mood.

"Hey!" at tudo ngiti ito ngayon na nakatingin kay Eula. Ganyan ba talaga pag in love?

Ngayon ko lang din napansin na iba talaga ang tingin niya pagdating kay Eula.

"Good morning, Kiel!" bati ng pinsan ko at kinilig na naman ang loko.

Bakit kasi hindi pa umaamin eh baka kung siya maunahan pa siya ng iba diyan. Ewan ko na lang.

"Morning! Nag almusal na ba kayong dalawa?" tanong niya pero kay Eula pa rin eto nakatingin.

"Ako, Oo. Pero si Eula wala pa yata eh." sabi ko. Push ko talaga 'to.

Kumunot naman ang noo niya. "Ano? Naka almusa-" pinutol ko na siya kaagad at nagsalita na.

"Uy Kiel! Librehin mo nga si Eula sa cafeteria gutom na kasi yan for sure!"

"Sure!" sagot naman ni Kiel.

"Sige ha! Mauna na ako sa classroom." ayan ha! Binibigyan ko na kayo ng time. Ayusin mo 'yan Kiel.

Tudo ngiti naman ito ngayon. "Sige, Vera." sabi ni Kiel at kinindatan pa ako.

"Sige na Eula! Sumana kana kay Kiel!" tinulak ko naman siya papunta kay Kiel. At umalis na nga silang dalawa. Libre naman ni Kiel kaya hindi na iyon aangal.

Kaya naglakad na lang akong mag-isa papuntang room.

Habang papalapit na ako sa classroom namin ay nakita ko na naman si Charlotte. Siguro nanggaling siya sa classroom namin.

Tinignan niya ako ng masama at tinarayan niya lang ako. I was about to approach her pero nilampasan niya lang ako. Seryoso ba siya?

Himala ata na hindi siya nagbunganga sa akin ah. Pero mas okay na 'to kesa mag away na naman kaming dalawa.

Pagpasok ko sa classroom ay nandun na sina Jethro at ang mga kaibigan niya. Masamang nakatingin sa akin si Lanny ngayon. Sa unahang pinto kasi ako pumasok at tamang-tama na pagpasok ko ay umangat din ang tingin ni Jethro sakin.

I'm expecting that he would smile for me pero tinignan niya lang ako ng napakalamig. Hindi ko mapigilang masaktan sa inasta niya sa akin.

Nagulat naman ako ng bigla itong tumayo at dinala niya yung bag niya.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon