11

22.7K 559 25
                                    

Her POV

"Akala niya naman ang perfect na niya!" at tinapon ko agad ang bato na binigay sa akin ni Lucian. Nandito kami kasi ngayon sa field at ilang minuto niya na rin akong sinasamahan dito. Nakikinig lang siya sa mga rant ko at nandito lang siya sa tabi ko. Ayaw ko pa kasing bumalik sa classroom kasi makikita ko lang dun si Jethro at baka mapagsalitaan na naman ako nun ng masama.

"Akala niya siya 'yong nagpakain sakin sa akin ng ilang taon!"

"Akala mo kong sino na!" sigaw ko pa ulit.

"Tsk! Arggh! I really hate him!" at tinapon ko ulit ang bato sa gitna ng field.

Nakita ko namang pangiti-ngiti lang si Lucian habang nakatingin sa akin.

"What are you looking at?" mabuti na lang at nandito siya para makinig sa mga rants ko. At mabuti na lang at siya 'yong nakabangga ko kanina. Pinatahan niya rin kasi ako sa pag-iyak. Kahit papano ay gumaan na 'yong nararamdaman ko dahil kay Lucian.

"Nothing. I just noticed that even if you're mad, you still look cute." at ngumisi ito.

I rolled my eyes. "Tsk. Not now, Lucian."

Tumawa naman siya.

"Sino ba kasi 'yong nagpa-iyak sayo?" tanong niya.

"It's Jethro."

"What?!''

"Yes, it was him. Masasabunutan ko na talaga 'yang Jethro na yan eh! Humanda talaga siya sakin. Sinasabi ko talaga!" at biglang kumulo naman ang dugo ko sa kanya.

"Why? What did he do to you?"

"Sinabihan ba naman ako na I don't belong there, and he even said that he doesn't like people who fails! Aba't alam kong hindi ako matalino katulad niya pero wala siyang karapatan na sabihan ako ng ganun ha!" sigaw ko pa.

"Sinabi niya ba ang lahat ng 'yon sayo?" at nakita kong nag-iba rin 'yong mukha ni Lucian ngayon.

I nodded. "Oo! Palibhasa wala kasi siyang puso. Kaya ganun na lang kadali sa kanya magbitaw ng masasakit na salita." sabi ko sa kanya.

Bigla naman itong tumayo. "Don't worry, kakausapin ko siya para sayo."

Pinigilan mo naman ito. "Nako, wag na baka mag-away lang kayo nun. Hayaan mo na lang siya, wala lang talagang modo 'yong lalaking 'yon eh."

"Mag-aaway talaga kami."

"Lucian, wag mo na lang siyang pansinin, hayaan mo na lang siya. Pag-inaway mo siya ay wala ka lang mapapala dun. Masisira lang 'yong pangalan mo." kasi hindi pa rin magbabago ugali niya.

Hinawakan naman ako nito s balikat. "Hindi pwede yung ginawa niya sayo, Vera. Sinaktan ka niya. He even made you cry and this time he really crossed the line." at nakita kong kinuom pa nito ang mga kamao niya.

Ayoko namang mag-away pa silang dalawa. Lalo na't alam kong hindi sila nagpapansinan. "Lucian, ako na ang bahala sa kanya. Amin na lang yun. Baka masabunutan ko pa nga yun eh!" sabi ko at nanggigil pa. Argh.

Agad naman siyang napatawa.

"Ikaw talaga." and he pinched my nose.

He sigh. "Pero you're right, he doesn't have the rights wala siyang karapatan para pagsalitaan ka ng ganun, besides he's also failure too, right?" and he smirk.

My forehead creased. "What do you mean?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Well as you can see, he's not in the first section anymore and he obviously failed it, because he didn't make it to the top last school year." paliwanag niya pa sa akin.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon