"Madaming tao sa boulevard."

"Edi doon sa k'onti lang ang tao tayo bumili." Bakit parang mas mukhang magkapatid sina Yoyo at Van? Pareho silang maarte!

"Alright. Stop pouting, baka mabangga tayo."

Taka ko siyang tinignan. 'Di ko mahabol ang takbo ng utak nito. Agad niya namang binigyang linaw ang naguguluhan kong utak na pilit tinatagpi kung ano ang koneksyon ng pagnguso ko at pagda-drive niya. He glanced at me and said, "I can't keep my eyes off you if you look like that. So have mercy on us."

Bigla akong naubo. Mabilis kong itinuon ang atensyon sa labas ng bintana para itago ang pamumula ng mukha ko.

Maya-maya ay itinigil na niya ang kotse. Malakas na hangin ang sumalubong sa amin pagkababa namin. Ito 'yung tipo ng hangin na kapag payat ka, goodbye ka.

Napangiti na din ako nang mapagmasdan ang maalon na dagat at mga batang nagsitakbuhan. The place is packed. Maraming nagbebenta ng street foods at madami ding mga turista.

"Whoa! Ice cream!" Namilog ang mga mata ko nang mahagip ang manong na tulak tulak ang ice cream cart.

"Saka na tayo bumili 'pag tapos na tayong kumain."

"Bumili nalang tayo ngayon. Tapos bumili ulit tayo pagkatapos nating kumain. Please?" I looked at him eagerly.

Binuka niya ang bibig niya, sinarado at umiling-iling. "Alright."

Napakagat-labi ako at nauna sa paglalakad.

Ang gwapo niya, tae.

Ngiting ngiti akong lumapit sa nagtitinda. "Manong, Tatlo pong tig sampu. Dalawa po niyang ube." Dalawa akin, isa kay Van hihi. Nilingon ko siya na nakatayo ngayon sa tabi ko. "Hm, anong gusto mo?"

"Ikaw."

Tumigil yata saglit ang paghinga ko. Gulat akong napatitig kay Van. I swear literal na parang kumikinang ang mga mata niya. Bakit pabigla-bigla 'to?  Huwag kang ganyan tae ka. Ngumisi siya bago hinarap ang natatawa na ding tindero. "Vanilla."

Napalitan ang gulat at dagundong sa dibdib ko nang iabot na ng tindero sa amin ang ice cream. I happily accepted mine. Doon ko napagtanto na isang malaking pagkakamali ang desisyon kong hayaang nakalugay ang mahaba kong buhok at maling mali din na left and right ang hawak kong pagkain. Nakakaiyak na pangyayari. Wala pa naman akong dalang pangtali. Imbis na ice cream ay buhok ko na tinatangay ng hangin ang nakakain ko.

I stamped my heels in frustration. Gustong gusto ko ng kumain. Taeng buhok naman 'to oh. Nag-expect pa ako ng isang romantic walk while eating ice cream on the boulevard pero malayong malayo 'to sa gusto kong mangyari.

I looked miserably at the ice creams  that's starting to melt in their cones. Nakatingin pa din ako doon nang maramdaman ko ang kamay ni Van sa batok ko. Napapitlag ako dahil sa gulat bago ko siya nilingon.

"What are you doing?" I asked with wide eyes when I felt his hands grazing the back of my neck.

"Helping you."

Napakurap-kurap ako nang likumin niya ang buhok ko gamit ang dalawa niyang kamay.

"W-Where's your ice cream?" Nauutal kong tanong.

"Binigay ko sa bata kanina," aniya na ngayon ay kinukuha na ang ilang hibla ng buhok na naliligaw sa mukha ko.

Napaigtad ako nang iakbay niya ang kanang braso sa akin. Alam kong ginawa niya lang iyon para hindi siya mangalay habang hinahawakan ang buhok ko. Tulong, 'yung puso ko inaatake!

"I'll hold your hair while you eat."

Napatango nalang ako at hinarap na ang ice cream sa dalawa kong kamay na nagsisimula ng matunaw. Dinilaan ko 'yung gilid para hindi ito tumulo sa kamay ko. Hmm. Sarap!

I was licking the top when I saw Van looking at me. Sarap na sarap ako dito habang wala man lang kinakain 'tong kasama ko, jusmiyo.

"Gusto mo?" I offered him the one I haven't eaten yet.

Imbis na sumagot ay umusog lang siya sa tabi ko, bahagya siyang yumuko at nagulat nalang ako nang dilaan niya 'yung ice cream na kinakain ko.

"H-Hoy!" Kinakabahan kong saway dito.

"Masarap," aniya at muling umayos ng upo.

Napalunok ako nang mapagmasdan kung paano guluhin ng hangin ang buhok niya, bahagyang tumaas ang isa niyang kilay habang tinitignan ako. He looked amused. And he looks like a freaking hot anime with all his dark features. I looked away and nervously bit my ice cream. Muntik na akong maiyak dahil sa lamig na nanunuot sa ngipin ko. Kahit ganoon ay wala sa sariling nagpatuloy pa rin ako sa pagkain.

Puso! Kumalma ka, please lang! Pipi kong pakiusap.

"Ang kalat mo kumain."

Pakiramdam ko'y nabangga ako ng ten wheeler dahil sa sinabi ni Van.

Nakakahiya ka, Kia! Gusto kong batukan ang sarili ko. Talagang nagpapakadugyot ka sa harap ng lalaking gusto mo eh 'no?

Itinaas ko ang kamay ko para punasan ang bibig ko nang pigilin ito ni Van. Tinapunan ko siya ng nagtatakang tingin.

"Let me," he muttered in a low voice. Nanlaki ang mga mata ko nang sakupin ng mga labi niya ang bahagyang nakaawang kong labi. Pakiramdam ko ay isinasayaw ako sa ikapitong kalangitan sa musika ng mga anghel habang naglilikot ang dila niya sa bibig ko. I  still feel disoriented after what he did and I found myself gaping at him as he backed up.

He ran his left hand through his wind-blown hair and smirked. "There, all clean."

Nasapo ko ang dibdib ko. Mukhang dideretso talaga ako sa Emergency Room sa lagay na 'to.







That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now