TBDV 33

4.6K 173 16
                                    

Evankhell's POV

"Aaron, I need you here," walang paligoy-ligoy kong usal nang sagutin nito ang tawag ko. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone, may pagtitimpi sa boses. Isang tapik lang, pakiramdam ko'y sasabog na ang ulo ko.

"The fck? Van may-"

"Now." Saka ko pinatay ang tawag. Agad kong hinagis sa katabing sofa ang hawak na telepono.

I repeatedly paced the living room. Naroong mapaupo at mapabalik na naman ako ng tayo habang panay ang sulyap sa wristwatch ko. Where the fck is Aaron?

Nagsalubong ang mga kilay ko nang mapansin ang pink na tsinelas sa ilalim ng kaharap kong sofa.

That...

Kung aalis lang din naman siya bakit niya pa iniwan ang tsinelas niya? I don't want to see any trace of her anywhere in this room.

But the more I try to push thoughts of her away, the more my mind keeps running back to her.

Muling naglaro sa balintataw ko ang mukha nito at ang mga sinabi nito. I can't understand why I feel so torn. I was so used to being right that it's disgusting for me to even consider that I may be... shit.

That woman is making me a mess. I've been a mess since I first laid my eyes on her under those neon lights.

Sinubukan kong pigilan pero bakit ako pinagtataksilan ng sarili kong katawan?

It was the beer. I knew the beer was to be blamed. Hindi sapat ang kalasingan ko para makalimutan ang mga nangyari kagabi. I remembered every fcking detail vividly.

At kahit labag sa loob kong aminin ay alam kong kung hindi lang tinalo ng kalasingan ang katawan ko kagabi'y baka kung saan pa humantong ang tagpong iyon.

Malutong akong napamura nang maramdaman ang pag-iinit ng magkabila kong tenga nang muli na namang maalala ang pagdidikit ng mga katawan namin.

The alcohol didn't just loosen my resolve, it also loosened my tongue. Gusto kong iuntog ang ulo ko kapag naaalala ko ang mga binitawan kong salita kagabi. Nag-iinit ang ulo ko. Nabubwisit.

'Yun ang dahilan kung bakit hindi ako halos matapos-tapos sa pagligo kanina. The cold shower successfully chilled my head but she just have to go and ignite my temper once again.

I ran a hand over my hair in frustration. Bago ko pa man mapigilan ang sarili ko ay natawid ko na ang kabilang sofa at nadampot ang pink na tsinelas. Gigil ko itong binato.

Saktong pagbukas naman ng pinto at pagpasok ni Aaron. Sapul siya sa binti na agad niyang ikinadaing.

"Potangina naman, Van. Did you invited me over just so you can throw shit at me?"

"I want you to find me a good private investigator." Inignora ko ang sinabi nito habang pinapalo-palo sa isang palad ang isa pang tsinelas na hawak-hawak ko. "I want you to make it quick and I want results today."

"Sinong papaimbistigahan mo?" Busangot itong naupo sa kaharap kong sofa. Hinihimas pa din ang binting tinamaan.

"The owner of this slipper." Tinaas ko ang hawak na tsinelas.

Blangko akong tinignan ng pinsan ko. "Malay ko ba kung kanino 'yan."

"Alam mo kung kanino 'to, Aaron," nagtitimpi kong sabi.

Umiling siya. Prenteng nagdekwatro. "No idea."

"Kay S-Sh.." Lumalim ang gatla sa noo ko. I hate mentioning her name. "Shakia, tangina."

"Did you kick her out or did she kick herself out?"

"Just find me an investigator, hire as many as you need." Or I might end up kicking you out. Dagdag ko sa utak ko.

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now