TBDV 9

6.3K 226 8
                                    

monrealcris thank you so much for the votes ^_^ Lavyaa

Shakia's POV

"Oh, sorry wrong room." Arkien Lozada flashed a boyish and apologetic smile.

Anong ginagawa niya dito?? He was the transfer student earlier.

Dahil sa biglaang pagpasok ni Arkien ay nabaling ang atensyon ni Mr.Han dito. Hindi ko pinalampas ang opurtunidad na bahagyang magalaw ang paa ko at buong lakas kong tinuhod ang lalaki. Napadaing si Mr.Han sa sakit at bumagsak ito sa sahig na sapo ang pinakaiingatang yaman sa pagitan ng mga hita niya.

Hindi ako nag aksaya ng panahon at agad kong tinakbo ang distansiya papunta sa labas ng kwarto. I bumped into Arkien but I didn't stop, nor did I turn to him. He may not have recognized me at all.

Nakaligtas ako! I'm fine!

Kien...Thank you...

Agad kong hinanap ang manager namin. Kailangan niyang malaman ang kahayupang ginawa ng intsik na 'yun sa'kin.

Halos magkandarapa na ako sa pagtakbo papunta sa dressing room, malayo na ako kay Mr.Han pero pakiramdam ko ay kahit anong oras maaabutan niya ako at tuluyan niyang maisasagawa ang binabalak niya kanina.

Nagtatakang mga tingin ang ipinukol ng mga babaeng nakasalubong ko sa aking dinadaanan.

"The fuck?! Hey watch it!" Mura ng isang babaeng mananayaw na nabangga ko habang nag lalagay ng make up sa mukha.

I didn't apologize. I don't have the time to do it.

"Scarlet??" Gulat na tanong ng manager namin ng marahas ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat. She was currently talking to one of the dancers in this club.

"A-ate..." Gumaralgal ang boses ko habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata.

"Diba dapat kasama ka ni Mr.Han? Anong nangyari?" Nagtataka niyang tanong.

"Ate..he..he tried to r-rape me. Isumbong natin siya sa pulis!" hysterical kong wika. I don't even have the capability to make sound decisions right now. All I know is that he should be punished! Hindi ako makapag-isip ng maayos! God!

Nabaling sa kabilang direksiyon ang mukha ko ng dumapo ang kanang kamay ng babae sakin.

The pain made me stop crying abruptly.

I looked at her in disbelief,"B-bakit?"

Malamig niya akong tiningnan, " Nagbibiro ka ba? Malapit na kaibigan ni Mr.Tsuyu si Mr.Han. At hindi ba trabaho mo namang serbisyoan ang mga kustomer natin?"

"I am just a fucking dancer! Hindi ko binebenta ang katawan ko!! I quit!" Galit kong bulyaw.

Naligalig ako ng muli niya akong sampalin, at sa pagkakataong ito bumagsak ako sa sahig dahil sa lakas ng pagdapo ng kamay niya.

Ramdam ko ang sakit sa binti ko na tumama sa semento. I looked up at her, wide eyed.

The woman looked down on me and said coldly, "Sino ang nilapitan mo no'ng kailangan mo ng pera pampaopera sa kapatid mo? Diba si Mr.Tsuyu? Utang mo sa kanya ang buhay ng kapatid mo, tandaan mo 'yan."

Nakaramdam ako ng pait dahil sa tinuran niya. A year ago naconfine si Annie at kailangang maoperahan.

Pero hindi siya ooperahan ng mga doktor hangga't wala akong pambayad. Ng panahon ding iyon nilapitan ako ni Mr.Tsuyu at nag-alok ng pera na mababayaran ko lamang kung magtatrabaho ako sa club.

I was so desperate that I was willing to do everything just to save my sister.

"Kaya kong bayaran ang utang ko kahit hindi ako dito nagtatrabaho!" sagot ko ng mahimasmasan.

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now