Kakailanganin ko na namang ayusin itong buhok ko mamaya! Kung bakit ba naman kasi trip na trip niyang guluhin.

"Ang kapal naman." Sabay kaming tumawa dahil sa sinabi ko.

"But you should really enjoy. I guess, we'll just text and call each other then?" Tumigil kami sa harap ng room ko.

"And you should focus on your studies. Malapit na ang end ng first sem." Paalala ko rin sa kaniya. May idadagdag pa sana ako ngunit naunahan niya na ako.

"And you shouldn't call me if you're busy." He even imitated the usual tone of my voice!

"That's my line!" He laughed and just shrugged.

"I'll go now, see you later. Let's eat lunch together if it's alright with you." I think about our schedule and nodded at him.

"Okay! Then, where?"

"The usual, the fast food chain where there's a fat bee whose colors were red and yellow." Hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya.

Bakit hindi na lang niya sabihin 'yung mismong pangalan ng kainan na 'yon? Pinapahaba niya pa talaga.

"Silly! That's Jollibee!" I slightly slapped his shoulder.

"Jollibee, red and yellow bee, they're the same." Giit niya pa.

Hinintay ko na lang siyang makaalis bago ako tumuloy sa loob ng silid-aralan namin. Natatanaw ko na agad si Zierra na may mapanuksong tingin. Pagkaupong-pagkaupo ko ay inayos ko ang nagulo kong buhok.

Pangisi-ngisi lang sa gilid si Zie. "Mapagkakamalan kang baliw kapag hindi ka pa tumigil." Tinapunan niya ako nang masamang tingin dahil sa sinabi ko sa kaniya.

"Kakain kami mamayang break, sumama ka." Pag-aaya ko dahil naalala kong busy pa rin ang boyfriend niya kaya't wala siyang kasamang maglunch.

"Sige! Third wheel muna ako! Saan tayo kakain?" She looks excited, huh. I wonder what's going on inside her mind.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata ngunit tinaasan niya lang ako ng isang kilay kaya naman umiling na lang ako.

"Jollibee lang." Tugon ko.

"Favorite mo talaga 'yung bubuyog na 'yon, ano?" Parang tamad na tamad siyang humalumbaba sa desk niya.

Mas gusto ko kasing kumain sa mga fast food chains kaysa sa mga mamahaling restaurant. Biruin mo 'yung isang dish, kakarampot lang pero grabe na 'yung presyo! Saka gusto ko ring makatipid para may maipon.

"Yup and I really love their chicken joy! Ah! So yummy!" Napalunok ako dahil nakaramdam ako ng pagkagutom.

"Hay, nako! Puro ka talaga manok, bukas makalawa, may pakpak ka na." Ang overreacting talaga nitong babaeng 'to.

"Libre mo ako, ha?"

"Oo na lang." Sumang-ayon na lang ako at naglabas ng isang yellow pad, notebook at ballpen.

"For the first time in forever! Sinapian ka ba? Bago 'yan, a'!" Hinipo niya pa ang leeg ko at sinuri ang buong mukha ko.

Bigla niya akong niyugyog. "Kung sino man ang nasa loob ng katawan ng babaeng ito, parang awa mo na, h'wag kang lalabas!" Bumulaslas siya ng tawa at binitiwan ako.

"Para kang baliw, Zierra. Tumigil ka nga." Suway ko.

Noong magbreak time ay sabay kaming lumabas ni Zierra. Naghihintay na si Skyllen doon, nakapamulsa siya habang pinagmamasdan akong papalapit sa pwesto niya.

"Sasama siya sa atin," tumingin ako kay Zie.

"Hi! Third wheel muna ako, a'! Ayos lang?" Pilyang sabi ng kaibigan ko. Napahimas ako ng sentido. I just gave Sky an apologetic look. He lightly smiled, a sign that it was okay for him.

Is There a Lifetime? (Oliveros Series #1) Where stories live. Discover now