[18]

62 8 20
                                    

Ganoon nga ang nangyari noong dumaan ang Sabado. Sumama kami ni Alice kay Mama sa pagtingin ng sasakyan dahil pareho naman kaming walang pasok noong araw na iyon.

Nakita ko roon ang sasakyang matagal ko ng gusto. Sinuri namin 'yon at nakitang maganda nga talaga ito. Agad nagpasiya si Mama na bilhin iyon ngunit aabutin pa iyon ng ilang linggo bago madeliver. Matagal kasi ang proseso kapag bibili ka ng sasakyan.

Kaya naman ang kotse pa rin ni Papa ang gamit ko hanggang ngayon. Si Mama naman ay inaasikaso na ang kaniyang lisensiya.

Kakapasok ko lang ngayon sa aming Unibersidad.

I parked beside Zierra's car. She went out so did I. I didn't see Sky's car, siguro ay nagparada sa ibang pwesto.

She ran towards me and shook my shoulders. "Kierre!" My brows furrowed with her sudden action.

I removed her hands from my shoulder 'cause if she will continue doing that, I might get dizzy.

"Ano na namang nangyari sa'yo?" Inirapan ko siya at namaywang.

Hindi ko alam kung ano ba ang pinakain sa kaniya ng nanay niya kaya nagkakaganito siya minsan.

"Wala lang, minsan na lang tayo magkasabay papasok at pauwi kaya namimiss na kita." She apologetically smiled and lifted up her left hand and formed her fingers into a peace sign.

"Magkasama naman tayo sa room pero palagi ka nga pa lang nagmamadali tuwing uwian." Umiling-iling ako na parang dismayado ngunit binibiro ko lang naman talaga siya dahil alam ko naman ang kaniyang dahilan.

"Babawi ako sa'yo! Pasensiya ka na, mahal naman kita!" Ikinawit niya ang braso niya sa akin at inihilig ang ulo sa balikat ko habang nagsisimula na kaming maglakad patungo sa aming silid-aralan.

"Okay lang, alam ko namang busy ka kay ano." Tumawa ako at inasar siya. Namumula na ang magkabilang tenga niya ngayon dahil sa kilig at hiya.

"Tama na, Kierre! Basta, babawi talaga ako saka malapit naman na ang tour natin kaya magkadikit na uli tayo." Nasisiyahang sabi niya.

Oo nga pala, sa Biyernes na kami aalis para sa tour namin sa Cebu. Kakabayad lang namin noong nakaraang linggo. Kasama na sa binayaran namin ang accommodation, food, lahat-lahat na. Allowance na lang ang kailangan namin.

"Yeah, yeah. Nakakatamad naman, maagang gigising." Napabusangot ako.
Tumigil siya sa paglalakad kaya naman ginaya ko siya.

Nakahinto kami ngayon sa gitna ng corridor. Hinila ko ang kaibigan ko sa gilid, sa may bandang railings, dahil maraming mga estudyante ang nagpaparit-parito.

Umakto siyang nag-iisip. Napapitik pa siya bago ibuka ang bibig upang magwika. "Alam mo ba?"

Akala ko pa naman kung ano na.

Umiling ako at seryosong sumagot. "Hindi," sinamaan niya ako ng tingin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

Nagtanong siya kaya sinagot ko lang dahil malay ko ba kung ano ang tinutukoy niya.

"Ah, whatever, Kierre." She crossed her arms in front of her chest.

"Why? I just answered you." I chuckled but she just threw dangerous look on me so I asked her what really it is.

"Sa Thursday, wala uli ang mga magulang ko kaya maiiwan na naman akong mag-isa. Pumunta ka na lang. Doon ka na matulog para kinabukasan sabay tayo at para hindi ka malate." Suhestiyon niya at itinaas-taas pa ang mga kilay upang kumbinsihin ako.

Ayos naman ang gusto niyang mangyari. Siguro magpapaalam na lang ako mamaya kay Mama at tiyak namang papayagan niya ako dahil kilalang-kilala naman niya ang kaibigan ko.

Is There a Lifetime? (Oliveros Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon