[12]

66 11 20
                                    

"Sigurado ka? Ayaw mo talagang sumabay sa akin?" Tanong ni Zie habang nakahawak sa pinto ng kotse niya.

Hinihintay niya kung magbabago pa ang isipan ko. Nandito kasi kami sa parking lot ng ASU dahil uwian na.

Kanina pa sinasabi sa akin ng kaibigan ko na sumabay na lamang ako sa kaniya pauwi ngunit tumanggi naman ako dahil alam ko namang pagod siya kaya ayaw kong maging pabigat pa sa kaniya.

Umiling ako sa kaniya at tumawa nang marahan. "Hindi nga ako sasabay, sige na, umuwi ka na. Bye!" Wala na siyang nagawa kung hindi mapabuntong-hininga na lamang.

Tumango siya at saka nagpaalam bago pumasok sa loob ng kotse niya at pinaharurot ito paalis. Ako naman ay nagsimula nang maglakad papalabas ng Unibersidad.

Ilang minuto na akong nakatayo rito sa gilid ng kalsada at kanina pa naghihintay ng masasakyang bus. Nagtiyaga ako ng ilan pang mga minuto ngunit wala pa rin talagang dumaraan kaya napagpasiyahan ko na lamang na magtungo sa sakayan ng jeep. Medyo malayo-layo pa ito.

Habang naglalakad ay napatingala ako, unti-unti nang lumulubog ang araw kaya kailangan ko na talagang makauwi sa lalong madaling panahon.

Madilim sa kalyeng dinaraanan ko dahil mangilan-ngilan lang ang posteng gumagana ang ilaw. Ang iba ay sira at patay-sindi lamang.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng pangamba. Bukod sa walang masiyadong tao ang nandito ay malamig pa ang simoy ng hangin na nakakapagdagdag sa kabang nararamdaman ko. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at nagpatuloy muli sa paglalakad.

Hindi ko akalaing may madaraanan akong isang madilim na eskinita kung saan may dalawang may edad ng mga lalaki ang naroon at nag-iinuman. Mukhang malakas na ang tama nila.

"Psst, ganda!" Rinig kong tawag ng isa ngunit hindi ko sila binalingan ng tingin. Narinig ko pa ang pagsipol ng isa pa kaya't binilisan ko lalo ang paglalakad ko.

"Dito ka muna, oh." Nakarinig ako ng mga yabag na sumusunod sa akin. Nagsimula na akong tumakbo at naramdaman ko rin ang paghabol nila. Naririnig ko pa ang mala-demonyong halakhak nila.

Animo'y lalabas na ang puso ko mula sa dibdib ko. Naramdaman ko ang marahas na paghila ng dalawang lalaki sa magkabila kong braso.

"Bitiwan niyo 'ko!" Sigaw ko sa kanila at pilit nagpupumiglas ngunit lalo pa nilang hinigpitan ang pagkakapit dito.

Ngumisi ang isa bago magsalita. "Tinatawag ka lang naman namin, Miss. Ayaw mo bang sumali at magsaya kasama kami?"

"Ayoko! Mga punyeta! Sabing bitiwan niyo ako!" Sigaw ko pa uli. Sumama ang timpla ng mukha ng dalawang lalaking ito. Tila hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Aba, sinong minumura mo, ha?!" Binitiwan ako ng isa at inangat ang kamay niya. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi. Ramdam ko ang sakit na nagmumula sa mga pinaggagagawa nila sa akin.

Nag-iinit na rin ang magkabilang sulok ng mga mata ko, tila nawawalan na ng pag-asang makakatakas pa sa mga kamay ng mga demonyong 'to.

Kinagat ko ang kamay ng lalaking nakahawak sa pisngi ko dahilan na mapabitaw siya sa akin kasabay noon ay ang pag-ikot ko upang tadyakan ang hinaharap ng isa pang lalaki. Namilipit siya sa sakit. Akala ko ay makakatakas na ako ngunit mabilis akong nahabol ng lalaking kinagat ko.

"Akala mo makakatakas ka ng gano'n-gano'n lang, ha?!" Pinanlisikan niya ako ng mga mata kaya't lalo lamang lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Nakita ko ring unti-unting tumayo ang lalaking sinipa ko at dahan-dahang naglakad palapit sa kinaroroonan ko.

Is There a Lifetime? (Oliveros Series #1) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum