Chapter 23

86 8 0
                                    

Cindy's POV

Pagkapasok ko pa Lang sa university ay nakarinig na ako ng mga sigawan at hiyawan ng mga estudyante . Mula iyon sa court ng school ngayong araw na kasi ang paligsahan sa basketball. Kung Saan sina Inigo at Xavier ang maglalaro

Kaya hindi magkanda ugaga ang mga estudyante. Agad akong nagtungo sa basketball court. Napakadami ng estudyante ang andito nag -aantay kina Inigo at Xavier

Ilang minuto pa ay dumating na ang kanina pa nila inaantay kaya ngayon ay nagsisigawan na naman ang lahat. Tumingin tingin ako sa paligid upang maghanap ng mauupuan .

Ng makahanap na ako ay itinutok ko ang atensyon ko sa gitna naka pwesto na doon sina Inigo at Xavier kasama nila si ate Maris .

Hinanap ng mga mata ko si Zach at Nakita ko siya na naglalakad papalapit sa akin .salubong ang kanyang kilay na tumabi sa akin

"Are you happy?" Biglang tanong sa akin ni Zach nabaling ang tingin ko sa kanya "Ikaw ang dahilan kung bakit hindi magkasundo ang dalawang iyon " sabi niya sabay turo kina Inigo at Xavier

Nagulat ako sa sinabi niya hindi ko inaasahan na ganun ang itatanong niya alam ko namang galit siya sa akin dahil sa nangyari pero hindi ako sanay na ganito siya sa akin

Bumuntong hininga siya tumingin siya sa akin "I'm sorry Cindy hindi ko sinasadyang sabihin iyon hindi Lang ako sanay na hindi sila magkasundo paghingi niya ng paumanhin sa akin "sila na ang kasama ko simula pagkabata pa Lang sana naintindihan mo ako

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango tsaka ko binaling ulit ang tingin ko sa harapan . Nakita kong nakaposisyon na sina Inigo at Xavier. Hinagis paitaas ni ate maris ang bola unang nakuha ni Inigo iyon

Nag dribble siya at nakaharang naman si Xavier sa kanya patuloy sa Pag dribble si Inigo pero mabilis ang kilos ni Xavier kaya naagaw niya agad ang bola mula kay Inigo

Tumakbo siya papunta sa 2 points shoot at Walang kahirap hirap na naipasok iyon ni Xavier una siya nakapuntos. Naghiyawan ang mga estudyante habang ako naman ay Hindi mapakali.

Napunta kay Inigo ang bola humarang ulit si Xavier sa kanya . Ngumisi si Inigo nag semi fake dribbling siya kaya nakalusot siya sa nakaharang na si Xavier .at nilagpasan niya ito tumakbo siya papuntang 2 point shoot at ganun din ang nangyari naipasok niya ng walang kahirap hirap ang bola sa ring .

Hiyawan na naman ang mga estudyante ilang minuto pa ay nag break muna sila .Pareho silang hinihingal ngayon at punong puno ng pawis .Nakita kong pareho silang napasulyap sa gawi ko kaya iniba ko ang direksyon ng tingin ko

"Mukhang walang gustong magpatalo sa kanila ano " sabi ni Zach nakaturo ang dalari niya sa May score board tinitigan ko ito at Nakita kong hindi nagkakalayo ang puntos nila lamang nga lang si Xavier 6-4 ang score " parang pag dating sa'yo Wala ring gustong magpatalo" sabi pa niya

Napanganga nAman ako hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin .nakarinig ako ng pagpito hudyat na magsisimula na naman silang maglaro .

Nagpatuloy ang paglalaro ng si Xavier ang lumalamang 22-16  nagpapanic na ako mukhang hindi sa Amin kampi ngayon ang tadhana .

Mabilis natapos ang laro idineklarang panalo si Xavier. Nanlumo naman ako dahil hindi ko inaasahan na siya ang mananalo bihasa na siguro siya sa paglalaro . Nakita kong napasulyap siya sa akin agad ko namang iniiwas ang tingin ko

Lumapit ako kay Inigo na ngayon ay hingal na hingal at habol niya ang kanyang hininga lumapit ako sa kanya at ibinigay ang hawak kong tubig sa kanya nakangiti niya itong tinanggap .

THE FALLEN FLOWER (SharDon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon