Chapter 40

54 7 0
                                    

Cindy Pov

"You did what " pasigaw na tanong sa akin ni zach " Cindy naman nakita mo na pala si Xavier bakit di mo man lang nilapitan o kinausap man lang " may bakas ng panghihinayang sa tono niya

Sa totoo lang hindi ko rin alam ang isasagot ko sa kanya dahil ako din mismo ay hindi ko alam kung bakit hindi ko siya kinausap o nilapitan man lang noong nakita ko siya

Kaya nga ako andito at sumama sa kanila ay para makita man lang siya at makausap pero hindi ko alam bakit parang napako ako sa kinatatayuan ko kanina

Hindi ko rin alam kung bakit sobrang bilis na lang nag pagtibok ng puso ko noong makita ko siya siguro ay dahil hindi pa ako handang harapin siya

"Anyway meron naman tayong contact number niya pwede naman natin siyang matawagan anytime " singit naman ni inigo sa usapan

Ayan na naman ang puso kong hindi makalma at walang tigil sa mabilis na pagtibok

"Isa pa malapit na rin naman ang kaarawan niya kaya dapat makausap na natin siya agad " napahinto ako sa narinig kong iyon malapit na pala ang kaarawan niya

" So Cindy what do you think gusto mo na ba siyang makausap ngayon din" muling tanong sa akin ni inigo

Hindi ko alam ang isasagot ko hindi ko pa nga alam sa sarili ko kung handa na ba akong harapin siya ulet eh tapos hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman ano nga ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya

Ang dami kong tanong sa utak ko na gusto kong masagot at alam kong lahat ng iyon ay masasagot lamang kapag nakausap ko na Si Xavier

Mabilis kong kinalma ang sarili ko at tumingin ako kay inigo bumuntong hininga muna ako

"Oo handa na akong harapin siya" tugon ko sa kanya well it's now or never kailangan ko na lamang tatagan ang loob ko

Maya-maya ay nakita kong may kausap na si inigo sa telepono nito si Xavier na ata iyon ilang saglit pa ay binaba na nito ang cellphone at tumingin sa akin ng seryoso bigla tuloy akong kinabahan

"Xavier will be here any minute now you have to be ready Cindy " sabi sa akin ni inigo

And as if on que meron kotseng bumusina sa tapat ng apartment na tinitirahan namin bakit parang ang bilis naman .

Bumaba kami at nagulat sa aming nakita dahil ang driver lang ni Xavier ang nandoon

"Where is Xavier ?" Kunot noong tanong ni inigo doon sa driver ni Xavier

"Gusto daw po niyang makausap si Miss Cindy ng pribado kaya pinapasundo po siya sa akin" sagot noong driver

Tameme ako sa narinig ko ano daw in private bakit wala sa usapan ito hindi ako ready hindi ready ang puso ko .

Pero wala naman akong magagawa hindi ba kung yun ang gusto niya ay dapat wala na akong pagaalinlangan pa para matapos na ito

Kaya wala na akong nagawa sumunod na lang ako sa kanya at sumakay sa sasakyan

"Call us anytime Cindy para masundo ka namin " pahabol na sigaw ni Zach sa akin

Kumaway na lang ako sa kanila habang papalayo ang sasakyan naging tahimik lang ang buong biyahe

Ilang saglit pa ay huminto kami malapit sa may tulay hindi lang basta tulay ito dahil napakaganda ng mga tulay dito sa paris .

Biglang bumaba iyong driver at pinagbuksan ako ng pintuan at inalalayan ako pababa magtatanong sana ako kung nasaan kami pero agad din siyang bumalik sa loob ng kotse at pinahaharot iyon paalis naiwan akong tulala .

THE FALLEN FLOWER (SharDon)Where stories live. Discover now