Chapter 37

90 5 1
                                    

Cindy POV

"You did what" halos pasigaw kong tanong kay Pau hindi kasi ako makapaniwala sa nalaman ko mula sa kanya maaga kasi ako pumasok ngayon dahil gusto ko sana siyang komprontahin dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag ko sa kanya

Pero nagulat ako sa mga nalaman ko ng mag kwento siya alam ko naman na malungkot siya sa nangyari sa kanila ni cholo pero hindi iyon dahilan para maghiganti siya

"Bakit sa dinami - dami ng pwede mong hingan ng tulong bakit si Zachary pa ang naisip mo " singhal ko sa kanya

"Ayaw ko lang naman na dumagdag sa problema mo Cindy kaya hindi na ikaw yung nilapitan ko " sagot naman niya sa akin

Napaisip naman ako sa sinabi niya ang totoo niyan medyo malilim din ang iniisip ko ngayong mga nakaraang araw dahil nga sa pagpunta ng mama ni Xavier sa amin at ang pakiusap niya sa akin na layuan ko ang anak niya

Hindi ako sigurado kung ano ang nararamdaman ko kay Xavier pero isipin pa lang na mahiwalay ako sa kanya parang pinipiga ang aking puso nahuhulog na kaya ang loob ko sa kanya .

Iwinaksi ko ang isipan na iyon sa aking sarili at tinignan ng mataman si Pauline mata sa mata

"Tell me Pau are you inlove with Zachary? " diretsahan kong tanong sa kanya halata naman na nagulat siya sa tanong ko dahil umiwas siya ng tingin sa akin

Pagkatapos ay tumango siya .nasapo ko naman ang noo ko sinasabi ko na nga ba eh napakabilis basahin ng isang ito . Pero problema ito napakalaking problema

Hindi ko lubos maisip kung bakit si Zachary pa ang nagustuhan niya . Pero aaminin ko gwapo si Zachary habulin siya ng mga babae pero hindi maganda ang reputasyon niya kilala siyang notorious pagdating sa mga babae ayukong maging biktima ang kaibigan ko .

"Ayaw lang kitang masaktan Pau" sabi ko sa kanya na napabuntong hininga " kilala mo kung anong klaseng lalaki si Zach hindi siya ang nararapat sa'yo" tahasan kong sabi sa kanya

Pero nagsisi naman ako na nasabi ko yun dahil dumaan ang lungkot at sakit sa mga mata nito wala siyang sinabi sa akin agad siyang tumayo at iniwan ako .

Napabuntong hininga na lang ako habang inaalala ko ang mga alaala sa aking isipan tama ba na nakilala pa namin sila ? Tama ba na nakilala pa namin ang bawat miyembro ng fallen flower na walang ibinigay kundi sakit sa amin !!

Nasa malilim akong pag-iisip habang naglalakad sa corridor ng eskuwelahan hindi pa rin mawala sa isip ko si pau at ang aksyon nito kanina !!

"Wazzup Cindy" halos mapatalon ako sa gulat sa boses na iyon nilingon ko siya at pinanglakihan ng mga mata sabay hatak sa braso niya papunta sa likod ng skul

Sakto naman na walang tao kinalma ko ang sarili ko bago sumigaw sa kanya "WHAT DID YOU DO ZACHARY ALAM MO BA KUNG ANO ANG GINAWA MO ?" Singhal ko sa kanya nagulat naman ito pero wala akong paki alam sa kanya

"What did i do ?" Patay malisya niyang tanong nakakainis ang isang ito gusto kong sapakin sa mukha ang isang ito

"Pau is falling in love with you alam mo ba iyon" taas kilay kong sabi sa kanya

Nakita ko naman ang gulat sa mga mukha niya halatang hindi niya rin expected ang mga sinabi ko sa kanya

"That's impossible Cindy winarningan ko na si Pau na hindi pwedeng mahulog ang loob niya sa akin "

THE FALLEN FLOWER (SharDon)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz