Chapter 32

131 7 0
                                    

Cindy Pov

Nakatulala akong pumasok sa trabaho halos hindi ko matanggal sa isipan ko ang nangyari nitong nakaraang araw ni hindi ko nga matignan sa mga mata si Pau matapos ang gabing iyon ni hindi ko din alam kung

Paano ko siya kakausapin ng parang walang nangyari kasalanan ito ng Xavier na iyon ano ba naman kasi ang pumasok sa isip niya at nagawa niyang suntukin si cholo ng hindi man lang sinasabi sa akin ang dahilan niya

Sumulyap ako sa gawi ni Pau at nakita ko na malilim ang iniisip niya at nakapalumbaba pa at dahil break time naman ngayon ay dali-dali ko siyang nilapitan upang aluin lumapit ako sa kanya at umupo sa may tapat niya

"Pau " bigla kong sabi sa kanya napatingin siya sa akin "May problema ka ba ?" Tanong ko sa kanya

Bumuntong hininga siya bago sumagot
"Si cholo kasi kanina ko pa siya tinatawagan pero kahit isa man lang hindi siya sumagot sa mga tawag ko" malungkot niyang sabi

Napaisip naman ako sa sinabi niya mukhang tama ang hinila ko baka kasalanan ito ng Xavier na iyon kung bakit ba naman kasi sinama ko pa iyong damuhong iyon eh tuloy naging malungkot pa ang dapat na masaya nilang date ni cholo

Ako naman ngayon ang napabuntong hininga
"Pasensya ka na Pau " bigla kong sabi sa kanya napatingin naman siya sa akin " kasalanan ko kung hindi ko sana dinala doon si Xavier hindi sana magkakaroon ng gulo at wala sana kayong problema ngayon ni cholo " sabi ko sa kanya

"Hindi mo kasalanan " sabi naman niya sa akin "hindi naman natin alam ang tunay na dahilan kung bakit iyon ginawa ni Xavier kay cholo naniniwala ako na baka may dahilan kaya niya iyon nagawa " paliwanag niya sa akin

Hindi ako nakapagsalita sa mga narinig ko sa kanya tama ba ang naririnig ko kinakampihan pa niya ang lalaking iyon eh alam ko naman kung anong ugali ng lalaking iyon kaysa sa kanya mas matagal kong nakasama ang damuhong iyon kaysa sa kanya .

Hindi ko na lamang iyon pinansin at nakaisip ako ng paraan para naman makalimutan ni Pau ang lungkot na nararamdaman niya kahit saglit lang tutal ay may naipon naman ako naisip kong ipasyal siya sa mall upang mag shopping

"Pau tutal wala naman na tayong gagawin ngayon " bigla kong sabi sa kanya "Medyo maaga pa naman gusto mo mag shopping tayo "tanong ko sa kanya

Hindi ko na hinintay ang sagot niya bagkus ay kinaladkad ko siya palabas sa shop dahil alam kong tatanggi siya sa akin kaya wala akong choice kundi isama siya ng pilitan

Ng makababa kami sa mall ay agad kaming lumibot ipinamili ko siya ng mga damit tulad ng dati . Ganito kasi kami pag may pera kami

Pag siya ang may pera ako naman ang pinag shopping niya ngayon ako naman ang may pera ako naman ang taya ngayon .

Halos magkapatid na kami nitong si Pau simula noong nakapasok ako sa Quarantea ay kapatid na ang turing ko sa kanya halos wala kaming tinatago sa isa't isa alam din niya na ayaw ko talaga si cholo para sa kanya pero wala akong magagawa ganoon siguro talaga pag nagmahal ka kahit ayaw ko para sa kanya si cholo wala akong magagawa dahil mahal siya ng kaibigan ko .

Pauwi na kami ng parehas kaming napatigil dahil sa aming nakita at halos lumuwa ang aking mga mata ng makita namin si cholo na may kasamang babae at naka-akbay pa sa kanya yung babae halatang nag lalampungan yung dalawa

Aatras na sana si Pau pero mabilis kong hinawakan ang palapulsuhan niya at hinatak ko siya papalapit kila cholo

"CHOLO" sigaw ko kahit hindi pa kami masyado nakakalapit sa kanila at dahil sa lakas ng sigaw ko ay dumagundong iyon sa buong paligid kaya napatingin sila sa amin

THE FALLEN FLOWER (SharDon)Where stories live. Discover now