Chapter 27-Subic

951 28 0
                                    

Janine's POV

Nasa terrace pa ako ngayon. Dinadamdam ko lang ang bawat hampas ng hangin sa katawan ko. Tumingin ako sa langit. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Sabi niya mahal niya ako. Pero,hindi ko nararamdaman eh. Siguro naawa lang siya sa akin dahil nakalimutan niya ako.

"Bes.."

"Shane.." Tawag ko sa kanya.

"Bes,magiging ok din ang lahat. Alam mo bes,nagkaamnesia rin si Matty noon nung nasa america kami. Pero bumalik naman ang alaala niya."

"Pero bes,aalis na kami sa lunes. Alam mo naman diba.."

"Oo bes,pero tiwala ka lang. Magiging ok rin ang lahat."

"Salamat bes." Sabi ko. Nag goodnight na siya sa akin. Pumasok siya dito kasi kanina pa daw akong mukhang problemado.

"Sana nga..." Bulong ko sa hangin..

Brace's POV

Hindi ko alam kung ano ang pinaggagawa ko kanina. Hinalikan ko si Janine pero hindi siya umimik sa akin nung nakabalik kami sa beach house haay.

Nasa tabing-dagat lang ako. Tumingin ako sa bintana ni Janine. Nakabukas ang ilaw. Gising pa siguro siya.

"Bro!"

"Oy Joaquin.."

"Bro,bakit mo hinalikan si Janine kanina?! Nakakaalala ka na?!"

"Ha? Ah..hindi pa.." Sabi ko.

"Ay? Bakit mo siya hinalikan?"

"Hindi ko alam eh,peram nga niyang gitara." Sabi ko. Inabot niya ang gitara niya sa akin.

"Mahal kita labis,susubukan ko kahit wala akong palasyo na abot hanggang langit. At sa bawat araw na tayo'y magkasama dala ko ay ligaya..oh AKING PRINSESA.."

Tumingin ako kay Joaquin. Pansin ko kasi kanina niya pa ako tiningnan.

"Bakit?"

"Alam mo Brace,yan din yung kinanta mo sa kanya nung sinorpresa mo siya dati. Ang sweet mo kaya kay Janine!" Sabi niya. Pumikit ako. Nagbabakasaling makaalala ako. Pumikit ako ng ilang minuto.

"AAAAAAAAAH!" Sigaw ko. Biglang sumakit ang ulo ko at parang may natatandaan ako.

"AHHHH! ANG SAKIT!" Sigaw ko. Natataranta naman si Joaquin.

Minulat ko ang mata ko nang hindi na sumakit ulo ko.

"May natandaan ako.."

Nakita ko namang surprise si Joaquin sa sinabi ko.

"Ano??"

"Re..Rejection.." Sabi ko.

Nakita ko na mukhang gulat pa rin si Joaquin. Rejection. Oo. Yung niligawan ko siya pero nireject niya ako. Kung nireject niya ako ibig sabihin nun hindi ko siya girlfriend? Ang gulo..

----------//////////////---------------

Aking PrinsesaWhere stories live. Discover now