Chapter 46-Teardrops on my Guitar

903 23 3
                                    

Janine's POV

Nagising ako dahil naramdaman kong nakayakap sa akin. Ang sakit ng ulo ko. Tiningnan ko kung sino yung nakayakap sa akin.

Brace...

Pinagmasdan ko lang siya at hindi ako gumalaw. Sana hindi na matapos ang mga oras na ito.

Medyo may bangs na yung style ng buhok niya. Pero lalo siyang gumwapo dahil dito. Hawak niya yung cellphone niya. Kinuha ko ito at binuksan. Dati.. Picture namin yung wallpaper niya ngayon siya na lang mag-isa. Pumunta ako sa gallery niya. Wala na ang mga pictures namin dati.. Siguro nga galit talaga siya sa akin. Sinauli ko na lang ito.

"Brace.. Sana bumalik na tayo sa dati.. Gagawa tayo ng bagong memories.. Memories na gagawin natin ng magkasama.." Sabi ko. Tumulo nanaman ang luha ko. Hinawakan ko yung pisngi niya. Ang puti niya pa rin talaga.

Naramdaman kong gumalaw siya at nagmulat na rin siya. Tinanggal niya yung pagkakayakap niya sa akin.

"Ah sorry.." Sabi niya.

"Ayos ka na ba? Bakit ka umiiyak?" Sabi niya at pinunasan yung luha ko. Nakahawak pa rin sya sa pisngi ko. Hinawakan ko yung kamay niya.

"Brace.. Please.. Bumalik ka na sa akin.." Sabi ko. Binawi niya yung kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

"Hindi lahat ng bagay nadadaan sa sorry Janine." Sabi niya. Nakita ko ang sakit na nararamdaman niya mula sa kanyang mata.

Kinuha niya ang cellphone niya at parang may tinext. Tapos ibinulsa niya na.

"I gotta go now. Tinext ko na si Grae para papuntahin sina Rochelle dito. Ingat ka na lang." Sabi niya at tumayo na at naglakad papunta sa pintuan. At tuluyan na siyang lumabas.

Ganoon pala kalaki ang ginawa kong kasalanan? Bakit hindi niya ako mapatawad man lang? Miss ko na siya.. Sobra..

*********
Brace's POV

Pagkagaling ko dun sa clinic umuwi na ako sa bahay. Nasa may swimming pool ako ngayon. Mag gigitara na lang ako.

Nagstrum ako at tumugtog.

"I love the way it feels when you touch my hand. Dont wanna let you go.."

Tumingin ako sa may pool area. Naalala ko nung nagswimming kami muntik ko ng mahalikan si Janine.

Miss ko na siya oo.. Pero wala namang mababago kung hindi ko siya papatawarin diba?

Naramdaman kong tumulo yung luha ko. Ayan may luha na tuloy yung gitara ko.

"Bukas.. Papatawarin ko na siya.. Mahal na mahal kita Janine.." Sabi ko at bigla na lang akong may naramdaman na matigas na bagay mula sa likod ko at nawalan na ako ng malay.

----------------------
Ano kayang nangyari kay Brace? Kay Janine? Hmmm. Abangan!

Aking PrinsesaWhere stories live. Discover now