Chapter 24-Forgotten

979 26 1
                                    

Janine's POV

**3 months later**

Tatlong buwan nang nakaComa si Brace. Tatlong buwan na akong nahihirapan. Tatlong buwan na akong nasasaktan. Tatlong buwan na akong nauulila sa pagmamahal niya. Miss ko na siya. Tanda ko pa bago siya maaksidente hinatid niya ako sa bahay. Kakabati lang rin namin nun galing sa break up namin.

"Ate.." Tawag ni Grae sa akin.

"Ate,magigising rin si Brace.." Sabi pa niya.

Hindi na lang ako umimik. Sana naman magising na siya. Miss na miss ko na siya. Yung pagiging sweet niya sa akin. Yung hug. Yung kiss. Lahat! Lahat na tungkol kay Brace miss ko na.

Mag gagabi na rin pala. Kakagaling lang ng barkada galing sa school. Nag absent kasi ako ngayong araw dahil walang magbabantay kay Brace kaya nagpresenta na lang ako.

"Haaay! Grabe yung pinapagawa ni sir sa atin na research! Sabog utak ko!" Reklamo ni John.

"Ang sabihin mo di ka nakikinig kaya ka nahihirapan!" Sabi naman ni Joaquin.

"Nagsalita ang magaling!" Sabi naman ni John.

Nakikinig lang ako sa asaran nila. Siguro mas masaya kung nakikiasar rin si Brace sa kanila.

Hinawakan ko na lang ang kamay ni Brace.

"Hoy Brace Arquiza! Miss na kita. Tatlong buwan ka nang tulog.. Kailan ka ba magigising huh? Miss na kita! Miss na miss na kita.." Sabi ko. Naramdaman ko naman na may tumulong luha galing sa mata ko.

"Sana magising ka na.." Pinunasan ko yung luha ko gamit yung isa kong kamay.
Tatayo na sana ako pero naramdaman kong gumalaw ang kamay ni Brace. Tinawag ko agad ang barkada.

"Guys! Gumalaw ang kamay ni Brace!" Lumapit naman sila agad.

"Tingnan niyo nagmumulat siya! Tumawag kayo ng doctor bilis!" Sigaw ni Joaquin.

Nakita ko namang nagmumulat siya. Magigising na siya! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Nakita ko namang inaadjust niya pa ang paningin niya.

"S-sino k-kayo?" Nagulat ako sa tanong niya. May..may amnesia ba siya?

"Bro,masama magbiro ng ganyan." Sabi ni Paul sa kanya.

"S-sino ka? S-sino kayo? H-hindi ko kayo kilala.." Nauutal niyang sabi. Anong nangyayari? Naupo ako sa couch. Sumasakit ulo ko sa mga nangyayari. Pumasok ang doctor at chineck up si Brace.

"Sorry to hear but may amnesia po ang pasyente sir Joaquin." Sabi ng doctor kay Joaquin. Nagpasalamat na lang si Joaquin sa doctor.

"AAAAAAAAHHHHHHH!" Biglang sigaw ni Brace. Nakahawak siya sa ulo niya. Ano bang nangyayari?! Naiiyak na ako. Hindi niya na nga kami maalala ganito pa ang nangyayari ngayon.

"I-iwan niyo a-ako mag-isa.." Sabi niya.

Nilapitan ko siya at niyakap. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"S-sino ka? Bakit mo a-ako niyayakap?" Nauutal niyang tanong.

"Ako to Brace..si Janine.." Naiiyak ko pa ring sabi.

"Hindi k-kita kilala. L-lumayo ka.." Ang sakit marinig ang mga salitang yan galing sa taong mahal na mahal mo. <\\3 pakiramdam ko,ano mang oras guguho na ang mundo ko. Akala ko kapag magigising na siya magiging ok na ang lahat pero mukhang nagkamali ako. Barkada nga niya nakalimutan niya. Ako pa kaya?

----------------------------/////////////////////////////

Aking PrinsesaWhere stories live. Discover now