Chapter 45-Madami nang nagbago pero feelings ko?! Hindi!

883 23 2
                                    

Brace's POV

1 month na ang nakalipas simula nung sinabihan kong layuan na ako ni Janine.

Itinuon ko ang atensyon ko sa pag-aaral. Madami ding nagbago sa akin. Hindi na ako yung dating Brace. Nakikijoin na ako sa iba. Masayahin. Ibang iba sa dati.

"Hoy!" Biglang may nagtakip ng ng mata ko.

"Joaquin, tigilan mo ako! Uupakan kita." Binitawan niya rin naman ako.

"Langya bro." Sabi niya. Alam ko na kasi na siya yan. Lagi akong ginaganyan eh. Parang bakla.

"Babe! Maupo ka nga dito." Tawag niya kay Cathlynne.

Biglang nagvibrate yung phone ko. Si Edward. Ano na naman kailangan nito?

From: Edward

Hi bro. Im home.

Whaaaaat?! Nasa Pilipinas na siya?!

**********
Janine's POV

1 month. 1 month niya na akong nilalayuan. Kasalanan ko naman eh. Naging tanga ako at iniwan ko siya.

"Sis,ayos ka lang?" Tanong ni Laysa sa akin.

"Ah oo."

"Kumusta na kaya ang mga boys? Miss ko na silang kasama!" Sabi ni Justine.

"Oo nga eh! 1 month na nila tayong nilalayuan." Malungkot na sabi ni Rochelle.

"Babalik rin ang lahat sa dati tiwala lang kayo." Lumingon kami sa likuran. Nakita kong nakatayo si Grae na medyo malayo sa amin. Miss ko na rin yang kapatid ko. Sa condo na kasi ako nakatira kaya wala akong oras makipag-usap sa kanila at nilalayuan rin kasi nila kami.

"Sige paalam." Sabi niya at umalis na.

"Sana nga.." Bulong nila. Kasalanan ko to eh!

******
Brace's POV

Naglalakad ako sa hallway at nakaearphone. Ang boring. Haay nako.

Dumiretso ako sa cafeteria. Asan kaya sina Joaquin?

Pumunta na lang ako sa counter at nagorder. Pagkatapos ko makuha ang order ko ay naupo ako sa malapit na table. Table for 2. Loner~ HAHAHA.

Tinanggal ko ang earphone ko at nagsimula nang kagatin yung red velvet cake na inorder ko. Wala rin kasing masyadong students kasi may class. Baka umattend sina Joaquin at ang barkada ng class. Wala ako sa mood.

"Brace? Can we talk?" May lumapit sa akin. Tumingin ako sa kanya at... Si Janine. Tiningnan ko siya with my famous cold stare.

"What do you want?" Cold kong sabi sa kanya.

"Wag niyo naman iwasan yung barkada." Sabi niya.

"Why should'nt we? We're not friends since that thing happen." Sabi ko sa kanya.

Maglalagay na sana ulit ako ng earphone pero hinawakan niya ang kamay ko. Same. Nandun pa rin yung kuryente twing hinahawakan niya ako. But this cant be.

Binawi ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya sakin.

"Please Brace.." Pagmamakaawa niya.

"This conversation sucks. You're just wasting my time Janine. I gotta go now." Sabi ko at tumayo pero bago pa ako makalakad niyakap niya na ako. Napatigil ako dahil nagulat ako sa ginawa niya.

Naramdaman kong basa na yung parte ng balikat ko. Umiiyak ba siya?

"Brace... Bumalik ka na sa akin.." Gustuhin ko man Janine pero masakit yung ginawa mo..

"Mahal na mahal kita.." Sabi niya. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal pero hindi ko magawa yun..

Nanatili kami sa ganung pwesto at ilang minuto pa ang lumipas. Bigla siyang bumagsak. Mabuti na lang at nasalo ko siya.

"Shit!" Sigaw ko. Nahimatay siya! Agad aad ko siyang binuhat at dinala sa clinic. Bakit siya nahimatay!?

Pagdating sa clinic. Pinacheck ko sa Nurse ang kalagayan ni Janine.

"Dala lang po ng stress Young master. Pero magiging maayos rin po ang kalagayan niya. Sige po,maiwan ko na po kayo." Sabi ng nurse. Nagpasalamat na lang ako sa kanya bago sya lumabas.

Umupo ako sa tabi niya.

"Sana Janine madali makalimot. Mahal kita pero kailangan ko muna ng space.." Sabi ko at hinalikan ang noo niya.

Pinagmasdan ko lang siya at di ko namalayang nakatulog ako na nakayakap sa kanya..

-------------------------------
Hiii. ^______^

Aking PrinsesaWhere stories live. Discover now