X. Aya

21 1 0
                                    

Paglisan
Alyanna Yna Avioa's POV

Ginawa ko naman ang lahat para ipaintindi sa kanya pero parang kulang ang mga salitang binibitiwan ko. Naging mapagbigay ako sa kanya samantalang siya nama'y parang binabalewala na 'teka lang sobra na dapat ako ang gumagawa ng ganito ganyan', na parang iniisip niyang ayos lang sa'kin ang mga pinaggagawa niya, hindi niya ba alam na sobra na akong nasasaktan na para bang hindi ko ramdam na babae rin ako? Na tila ako pa ang umaaktong lalake? Na sa tuwing magkakaaway kami ako ang pupunta sa kanila o ako ang unang magsasalita para magbati kami? Nasaan mga sinabing babawi siya? Tangna! Nakakapagod pala.

Busy na kami sa kanya kanyang mga trabaho samantalang siya parang easy going pa rin. Kapag hindi niya gusto ang trabaho, kung ano man trato sa kanila ng magiging manager niya sinusukuan na niya at para nga namang easy go lucky lang talaga.

Isa sa mga dahilan kung bakit ako aalis gusto ko munang lumayo sa lahat ng sakit ng pagiging malamig at manhid niya sa mga salita ko. Hindi man lang niya maintindihan ang nais kong iparating sa kanya. At dahil diyan ipagpapatuloy ko muna sa England ang masteral course ko, at sinabi ko kaagad itong plano ko sa kanila mommy't daddy. Ngunit hindi ko aakalain na magiging mabilis ang proseso ng pag-alis ko at hindi man lang ako nakapagpaalam agad sa bandang iiwanan ko. Nahihiya ako para kay Ava na siyang bumuo ng grupong matagal naming pinagplanuhan.

"Ava sorry kung hindi na talaga ako makakasama sa mini town tour natin. Flight na namin bukas sa England dahil doon na ako magtutuloy ng masteral. Dude, sorry talaga kung hindi ko agad nasabi sayo."  Nakahalukipkip lang siyang nakikinig ngunit ramdam ko ang galit niya at inis. Wala akong magawa kundi umalis. Ayoko nang masaktan ng paulit-ulit, ngunit sa pagiging makasarili ko nasasaktan ko si Ava. Ang bestfriend ko na siyang nagtayo ng mga pondasyon upang tumibay ang aming pagkakaibagan.

Bakit ba kasi ang manhid-manhid mo? Ikaw. Oo ikaw na siyang mas minahal ko kaysa kaibigan ko. Iiwanan ko rin siya alang-alang sa pagtupad na lang ng iba ko pang pangarap. Ako na lang bubuo ng lahat ng mga plano mo na sana ikaw ang kasama ko. Na sana sa lahat ng paglalakbay ikaw ang nasa tabi ko. Ang gusto ko lang naman kapag nagkakapagtampuhan tayo iyong tipong hindi lang sa telepono o sa mga chat, messenger o ano mang multimedia messages tayo nagkakabati. Gusto ko na kahit minsan bigla mo akong susurpresahing puntahan kung saang lupalop man ako ng mga sulok ng mundo naroon. Subalit ikaw pa itong mas lalong nagmamatigas at mas nagagalit. Hiyang-hiya naman ako sayo. Ako ang babae at ikaw ang lalake di ba? Sana alam mo ang kaibahan nun. Ano yun gusto mo lahat ng bagay makukuha mo na lang agad-agad na hindi pinaghihirapan? Sana naman naintindihan mo? Hindi dapat isinusubo sayo ang mga bagay para malaman ang dapat mong gawin.

Puro ka salita, puro ka pangako. Nasaan na? Wala na ba sa gawa? Ano na, nganga na lang tayo? Nasaan na yung future kung ganito na lang lagi? Wala nga bang pagtitiyaga at pagkilos. Ang gusto ko lang naman yung kinabukasan na puro pinako mo lang sa mga salita at kulang sa gawa. Ano ba? Seryoso naman ako. Kaya ako ganito dahil hindi ko maramdaman na may gusto kang mangyari sa relasyong meron tayo. Natuwa na sana ako kasi akala ko makakapag-simula na tayo sa unang yugto, tapos ano? Ganun? Paulit-ulit na lang ba tayo? Away, bati... maglalambing ka, hihingi ng tawad, tapos sa text lang, at sa tawag lang? Nakakainggit na yung iba eh. Gusto ko rin naman maramdaman minsan ang pagiging babae ko. Noong una lang ba ang mga effort at sweet thoughts? Kailangan ko pa bang ipaliwanag kung bakit ako naiinis sayo? Ipapaliwanag ko pa ba sayo kung anu-ano iyong mga dapat gawin mo para paamuhin ako? Kung paano ang dapat gawin para lalo kang maging malambing? Kung paano ang dapat pangsusuyo? Masama ba ito? O sobra na ba ako? Lagi na lang ba ako magsasabi na "okay" ako kahit hindi na.

Sa aking paglisan nawa'y wala nang naiwang sakit. Kaya ko munang palipasin ang pagkakaibigan namin ni Ava upang makalimutan ang mga sakit na nadarama ko.

"Dear let's go." mom said. I pretend that I didn't hear her so she tap me on my shoulder. "Aya, let's go."

Hindi ko napansing may tumutulong luha sa aking mga mata nang tapikin ako ni mommy. Hindi ko nagawang lingunin siya pagkat tuloy-tuloy ang pagdaloy ng mga likido na sitang lalong nagpabigat sa nararamdaman ko.

"Aya, makakalimutan mo rin ang mga sakit na nadarama mo. Anak nandito lang kami ng daddy mo. Tama na yan. Wag mo nang dagdagan pa ang sugat mo na patuloy mong dinidikdikan ng asin. Matatauhan din siya at sa pagbalik mo siguradong puno siya ng pagsisisi. Kung kayo talaga para sa isa't isa pagtatagpuin kayo ng panahon. Makakabawi rin siya sayo, kung tuloyan nga siyang magbabago. Tandaan mo yan." tagos sa kabuto-butohan ko ang mga sinabi ni mommy, nagkaroon ako ng konting kaginhawaan, at sumandal na lang sa kanya.

Lilipad na ang eroplano iiwan na kita, iiwanan ko na muna ang mga sakit at pagtatampo, ang inis at ang iba't ibang imahe, at emosyon na meron dito. Sana sa pagbalik ko ibang ako na ang makikita niyo. Paalam Ava. Paalam Ellie.

---------##

#hugotmats

#TheWritersMind

#PerksOfRelationship #ProblemsAndFights

BucketlistOnde as histórias ganham vida. Descobre agora