VII. UpAndDown

17 0 0
                                    

Dahil gusto kong mag-unwind hindi dapat alak ang tinitira ko para makalimutan ang mga sakit na nararamdaman ko ngayon, dapat muriatic acid. Hahaha! Biro lang. Yung totoo, nasa isa akong amusement park, hindi para mag-isip bata ulit kundi alalahanin ang mga masasayang araw na kasama ko pamilya ko noong mga bata pa kami ni Ate Shane. Dati-rati takot akong sumakay sa mga extreme rides dito, tanging sa mga maliliit na train o mga pambatang rides lang talaga ako sumasakay. Sabi pa ni ate paano raw ako magkakaroon ng masayang alaala bilang bata kung hindi ko susubukan ang mga ganoong activities. Ang sabi ko naman sa kanya na wag siyang mag-alaala dahil paglaki ko susubukan ko ang mga activities na iyon. Ngunit dahil may fear of heights ako hanggang ngayon hindi ko pa rin nasusubukan.

Wala ako sa sariling bumili ng ticket at pumila ako sa isang...sinasabi nilang pinakamasayang rides sa lahat. Ang roller coaster. Nang makaupo ako sa unahang pwesto tila noong una pursigido na akong subukan talaga ito.  Paunti-unti itong umandar at nagpaikot-ikot hanggang sa umakyat ito't nahulog sa kawalan ang kaluluwa ko. May malambot at malamig na kamay ang humawak sa akin. Napadilat ako ng mga mata tumingin sa aking kaliwa. Nasa langit na ata ako. Oh Lord makikita ko na ba sila mommy, daddy at ate?

"Hawak ka lang at magtiwala sumabay ka lang sa hangin na parang ibon." Malambing na sabi nito sa akin at ngumiti pa siya na nasinagan pa ng araw kaya't napapikit siya ng kaunti. Parang nakakabuhay ang mga sinabi niya sa akin kaya naman humawak ako at nag-enjoy sa rides.

"Itaas mo ang mga kamay mo sa hangin k-kapag bumaba n-na itong roll-ler coaster." Pasigaw na sabi niya. Oo mahirap mag-usap sa roller coaster dahil sa hampas ng malakas na hangin sa mukha mo. Sabay kaming nagtaas ng kamay nang bumaba ng napakabilis ang sinasakyan namin. Magkahawak pa rin ang aming mga kamay. Naging kampante ako.

Pero tulad nga ng mga awitin magtatapos din ito sa huli.

Nakababa na kami at isang kuway ng malakandila niyang daliri sa kamay  at salamat ang naibigay niya sakin. Ayos lang din naman sakin yun at least natutunan kong i-enjoy na dati ayokong-ayoko'ng subukan.

Ang buhay ay parang roller coaster minsan tama lang ang andar minsan nama'y tumataas, umiikot ikot lamang at bumabagsak. Nasa tao kung paano niya ito sasabayan at i-enjoy.

BucketlistWhere stories live. Discover now