II.Buckle-up for safety

25 1 0
                                    

"Safe driving sometimes won't work if you're in a hurry."

~Pfwtsshhhhshhhshhhsshhh!!!

Sipol ng takore ang siyang gumising sa'kin nitong umaga. Badtrip lang di ba?! Sarap pa sanang matulog kaso kailangan ko pang mabuhay. Mahuhuli na naman ako.

Alam mo ba ang pakiramdam na wala ka nang magiging dahilan sa araw-araw? Wala ka nang dahilang masasabi kung gaano ka kamalas na tao. Kung paano mo iexplain ang glue stick na tipo gusto niyang dumikit-dikit kay Kamalasan. (Oo capital letter talaga ang first letter para sabihin nating tao siya kahit hindi.)

"Kung minamalas ka nga naman sa araw-araw oh? Magpakamatay na kaya ako at nang matapos na 'tong paghihirap ko." Ang aga-aga yan ang nasambit ko. Ay di pala maaga kundi tanghali na. Noong nakaraan lang nakipag-break sa'kin ang babaeng matagal kong minahal at talagang literal na matagal dahil isang taon ko rin siyang sinuyo. Ang dahilan niya? Hindi na niya ako mahal. Napaka-walang kwentang dahilan 'di ba? Tapos ngayon...mukhang matatanggal pa ako sa trabaho dahil kahapon lang nakabasag ako ng isang crates ng mga plato sabayan mo pa ng sunod-sunod na pagkatanggap ng mga memo sa mga late ko. Parang wala nang kwenta ang buhay ko. Noong isang taon lang na-aksidente ang bus na sinasakyan ng mga magulang ko na pauwi na sana sila dito sa Maynila galing sa bakasyon mula sa Batangas. Ang babaeng nasa tabi ko noon ngayo'y wala na rin. Mag-isa na lang ako sa buhay, hindi pa pala, kasi kasama ko ang hindi nagsasalita na aso sa bahay. Ang isa pang masaklap na sinabi ng EX-girlfriend ko "Awa na lang ang nararamdaman ko sayo kaya please lang wag na nating pahirapan ang mga sarili natin." Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Isa dapat iyong masayang araw dahil anniversary namin ngunit humantong sa hiwalayan. Kahit humindi pa ako wala na akong magagawa.

Umuwi ako ng bahay na walang emosyon at itinulog na lang ang lahat. At kinabukasan ng araw na yun hindi ako pumasok at sinabi kong may sakit ako.

Wala rin akong ginawa buong maghapon maliban sa kamuntikan ko ng basagin ang pinakamamahal na antigong lamesa ni mama. Nagka-tantrums ako bigla ng maalala ang mga nangyari. Mabuti na lang at kinagat ni Sonic ang pants ko. (Pangalan yan ng aso ko.)

Ngayon kailangan ko na namang magmadali. Sumakay na ako ng taxi para sana wala nang abalang paghihintay na ginagawa ng mga jeep at bus. Hindi pa ako nakakalayo nasiraan ang taxing sinakyan ko, kaya naman hindi na ako pinabayad at lumipat na lamang sa ibang taxi. Nasa kalagitnaan na ng EDSA ang biyahe ko ng magkaroon ng bungguan ng dalawang bus.

"Tsk! Ang tanga-tanga kasi bakit kailangan pang mag-unahan. Walang bigayan." pagrereklamo ni manong drayber. Pero sa totoo lang naiinis na rin ako, at nainis na rin ako kay manong dahil pwede naman din siyang umandar pero pinili niyang makaalis ang mga nakaharang sa kalsada kaya nama'y nagbayad ako't sumakay na lang ng bus. Nakarating ako sa trabaho lagpas na ng labinlimang minuto sa oras ng duty ko. Hayun! Bulls eye! Sabon na naman abot ko sa manager namin. Sa isang warehouse ako nagta-trabaho. Warehouse ng isang Food service company. Isang Stock Keeper. Taga-ayos at taga-inventory ng mga stocks.

Naisip ko kung bakit dito ang napuntahan ko, dahil siguro sa mga panahong iyon wala akong choice. Wala akong mapasukang trabaho. Isang taon din akong natambay simula nang magtapos sa kolehiyo, Photography course kasi ang kinuha ko. Sino ba kasing tanga ako kung bakit yun pa ang kinuha kong kurso. Kakaunti na lang din ang mga nangangailan ng mga photographer sa mga makabagong teknolohiya ngayon. Kaya ng may nagrekomenda sa akin ng trabaho, umo-oo na lang ako at para di na matingga sa bahay namin at baka dumating ang araw tatawagin nila akong "dakilang batugan." Nakakahiya naman iyon.
All right reserved 2014

@airishujin

BucketlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon