VIII. Brothers

19 1 0
                                    

"Destiny will walk toward us in an unexpected way."

-sujin

Ayoko sanang makipag-inuman ngayon pero yung magaling kong kaibigan ay sa wakas nagparamdam sa'kin sa hinaba-haba ng taong di nagpakita sa'kin, nag-asawa na lahat-lahat na hindi man lang ako in-invite. Heto kami ngayon sa rooftop ng bahay niya, sa dating gawi kapag nag-iinuman kaming dalawa.

"Uy Shaw.." tawag niya sakin habang umiinom ng alak. "uhmm." tanging sagot ko habang umiinom din.

"Balita ko wala na kayo ni Chaya?" tawag niya sa ex-girlfriend ko.

Ilang saglit pa akong nanahimik, ayoko siyang imikin. Tumingala lang ako sa langit at muling nagbukas ng isa pang bote ng beer.

"Alam mo nakakatuwa yung nakasakay ko sa roller coaster kanina." pag-iiba ko na lang ng usapan dahil ayoko talagang pag-usapan si Charlotte.

"So..totoo ngang wala na kayo? P're ano ba ang nangyari?" pangungulit niyang muli.

"Ibang klase talaga siya... Ang bait-bait. Kahit hindi kami magkakilala hinawakan niya kamay ko tapos sabi pa niya sa akin magtiwala lang ako't wag matakot. Parang ibon lang daw na sumasabay sa hangin. Kilala mo naman ako pre mayroon akong fear of heights." sabi ko at hindi ako nakatingin sa kanya, iniisip ko yung mukha nung babaeng humawak sakin sa roller coaster pero hindi ko na maaninag sa isip ko.

"Hoy! Baliw... Tinatanong kita pre."

"Aray pre ah?!" batukan ba raw ako. "Tama lang sayo kung anu-ano kasi pinagsasabi mo. Sagutin mo kaya iyong tinatanong ko at nang hindi ka nababatukan." panenermon niya at sabay abot ng bagong bukas ng beer. "Ano ba gusto mong malaman? Eh kung uulitin ko pa sayo, for sure alam mo na." Nga pala hindi ko nasabi, bago ko maging kaibigan si Charlotte, si Joshann ang una kong naging close sa lahat ng mga naging kalaro ko noong mga bata pa kami. Para ko na siyang kuya dahil mas ahead siya sa akin ng dalawang taon. Magpinsan sila ni Charlotte kaya naman nagkakilala kami dahil sa kanya. "Eh ano ba ang maaari kong gawin para maibalik niyo yung dati?"

"Wala na. Wala nang dati pre. Siya na nga ang sumuko di ba? Ayoko na rin namang maghabol, masaya na siya eh, masaya na siya sa kung anong pinili niya ngayon. Kahit magpinsan pa kayo wala ka rin namang magagawa dahil choices niya yun. Hayaan na lang natin."

"Kung sa bagay. Pangarap niya talaga kasi yun, ano magagawa natin. Pero sayang eh. Sayang yung pagiging mag-bestfriend niyo mauuwi lang sa ganito."

Napabuntong hininga na lamang ako sa kabila ng katotohanan na sobra kong minahal ang taong tinatawag kong bestfriend pero sa huli ako lang ang talunan. Ibinuhos ko ang lahat ng pagmamahal ko sa kanya iyong tipong hindi na ako nagtira para sa sarili ko. Sayang wala siyang pagpapahalaga. Ayoko na ring umasa pang bumalik siya, para saan? Para masaktang muli? Para kunwari babawi siya? Hindi na. Tama na yung dati.

"Uhmm. Ngayon, ano na plano mo?" nagsalitang muli si Joshann at ako nama'y nag-iisip ng sasabihin. Ano nga naman ba ang plano ko ngayon? Ilang saglit pa bago ako magsalita nang akmang magtatanong ulit siya, lasing na rin ata to.

"Sa ngayon kailangan ko lang ng trabaho. Magpapahinga muna ako sa lecheng pag-ibig na yan. Haha!" mahinang tawa ko pa habang inuubos na lang namin ang nahuhiling bote na may laman ng beer.

"Alam mo pre naalala mo dati crush na crush ko ate mo? Haha.. Medyo lasing na siya, iba na tawa niya eh. Remember noong elementary pa lang tayo nililigawan ko na siya? Tapos... Nagre-reminisce na siya kaya for sure lasing na to."

Noong mga bata pa kami bago niya ipakilala sakin si Charlotte mga bagong lipat lamang noon sila Joshann sa subdivision. Hindi ako iyong tipo ng bata na palakaibigan kaya isang araw naglalaro si ate sa garden namin noon, siya ang prinsesa at ako ang kanyang dakilang utosan,at dahil masunuring bata ako sinusunod ko lang si ate. Nagsawa sa'kin si ate sa kakautos kaya't nanahimik ako sa coffee table at pinanood na lang siya maglaro, may isang batang lalake sa kabilang bakod na sumisitsit sitsit.
"Pst... Uyy bata. Pst... Pst.. "sabi ng bata na halos kaedaran ko lang kung titingnan.
"Ako ba tinatawag mo?" sabi ko sa kanya na nagtataka pa.
"Sino pa ba? Ikaw nga."pilosopong sagot niya sakin.
"Malay ko kung yung ate ko tinatawag mo nuh?" kusot mukhang sagot kong muli sa kanya. Hindi ko na namalayang umakyat siya sa fence namin. Paano niya nagawa yun? Ang lakas naman niya.
"Pumasok na ako ha? Ang tagal mo naman magpapasok ng bisita. Ako pala si Joshann, Josh na lang for short, ikaw ano pangalan mo?" tuwid siyang magsalita at mukhang nasa walo na taon na siya noon, umupo na siya sa tapat ko na nahaharangan na niya si ate sa paningin ko. "Ako si Shawn."
"Ahh Shark."
"Shawn hindi Shark. Ang layo kaya, hindi sila magkatunog."paglilinaw ko sa pangalan ko.
"Ahh Shark. " ulit niyang muli at tumawa lang siya't ngumiti. "Ewan ko sayo." bagot kong sagot sa kanya. Kinuwentuhan niya ako, at sinabing bago lamang sila sa kabilang bahay, mula noon wala na akong pakeng makinig ng mga kwento maliban na lang kapag si mommy na ang nagkukwento. Maya-maya pa't nang sandaling iyon lumapit si ate nang mapansing may ibang tao sa lugar na yun. Siguro kanina pa salita ng salita si ate at nang napagtanto niyang walang sumasagot nilapitan niya ako, at dahil daldal ng daldal si Joshann hindi ko siya marinig na may inuutos siya sa akin.
"Hoy! Shawn kanina pa kita tinatawag ah.." galit at nakasimangot lumapit sa amin si Ate. Ito namang si Joshann nang lingunin niya si ate para siyang nakakita ng artista sa pagkamangha. "Ang cute naman niya kahit medyo madungis na siya at nagsusungit. (*___*)" sabi niya. " Sino naman tong kasama mo? Hi!" tanong ni ate at bumati pa siya sa bagong kakilala ko na kapitbahay namin. "Hi binibini! Ako pala si Joshann ang inyong 'poging' bagong kapitbahay." pormal nitong pagpapakilala, pormal pagkat tumayo pa ito't nakipagkamay kay Ate Shane. At mukha namang na-weirduhan si ate at umupo na sila pareho. Maya-maya pa lumabas si mama na may dalang juice at bagong bake na cookies.
"Oh nagkakilala na pala kayo ng bago nating kapitbahay. 'Lika muna kayo't kumain, bagong luto ko lang yang cookies kaya't mainit-init pa. Ikaw pala si Joshan iho? Buti nama't napadaan ka rito sa amin." pagbabaling ni mama ng tingin sa bago naming kapitbahay habang nilalapag ang mga dala. "Opo ako nga po. Magandang araw po tita. Mukha pong masarap ang binake niyo, pwede pong humingi?" mabait na pagbati ng bata. "Nakilala ko ang mommy't daddy mo kahapon, pakisabing muli sa kanila Joseph at Shanina na maraming salamat sa binigay nilang maja blanca sobrang sarap..." sabi ni mama. "Sila po pala nagbigay nun? Grabe naubos ko yun sa kakatikim. Hehe!" singit pa ni ate habang puno ng cookies ang bibig. Ang hilig talaga sa sweets ni ate kaya't di nagdentista yan kasi takot magpabunot ng ngipin. Haha.

BucketlistWhere stories live. Discover now