Chapter 18

2.2K 121 18
                                    

Nagising ako sa isang kubo. Nakagapos ang mga kamay at paa. May busal din ang aking mga labi.

I tried thinking kung may ginawa ba akong masama.  Kung may naagrabyado ba akong tao.  Kung may tinapakan ba ako.  Pero wala.  Wala akong maisip.

Si Clarisse? As far as I know,  wala akong maling ginawa sa kaniya.  Wala akong kasalanan sa kaniya.

Dahil una pa lang,  siya na ang may kasalanan saming dalawa.

I tried sitting between my feet.  Masiyadong mahigpit ang pagkakatali. Kita ko ang pantal sa aking kamay.

Bakit? Bakit ako pa? Bakit ako pa na wala namang ginawang mali. Ako na ang sinaktan at niloko.  Pero bakit ako pa?  Bakit ako pa ang makakaranas ng ganito?

"Oh!  Gising ka na pala,  bakla!" sigaw ng lalaki sa'kin ng makapasok siya sa halatang napaglumaan ng kubo.

May mga pasa sa iba't bahagi ng katawan ko.  Pero hindi 'yon ang kinatatakot ko.  Natatakot ako para sa bata na nasa sinapupunan ko.

Kahit siya lang.  Kahit siya na lang ang mabuhay. Kahit bigyan na lang nila ako ng ilang buwan, maisilang lang ang bata ay handa akong gawin.

I look at the guy and he's looking at me intently.

"Maganda ka sana eh,  kaso bakla ka! Pasalamat ka hindi ka na pinapagalaw ni Boss..." saad niya at lumabas na muli.

Do I deserve this?  F*cking no! T*ngina! Hindi ako bakla!  At hindi kasalanan ang pagiging bakla.

Sila!  Sila ang masama!  Sila ang demonyo!  Sila!

Pero bakit ako yung nandito?  Bakit ako yung pinahihirapan. Bakit?!




Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog. Pag gising ko ay madilim pa din ang paligid.

Namamanhid na ang katawan ko.  Natatakot ako!  Sobra!

Hindi ko alam kung paano ako makakatakas.  Ni hindi ko man lang magawang magsalita. Ni wala akong magawa.

Tanging pagluha lang ang nagagawa ko...

Ang sakit.  Ang sakit-sakit na!

'Ma! Pa! Kuya!  Lola!' sigaw ko sa isipan ko na para bang maririnig nila ako.

Ang lola... Ang lola ko...

"Ang maganda kong, apo... Wag kang mag-alala, talikuran ka man ng lahat nandito lang ako..."

"Wag kang magsalit ng ganiyan... Blessing ka at Blessing ang dinadala mo... Iwanan ka man ng mundo,  nandito lang ang lola..."

"Umalis ka na! Umalis ka na apo! Iligtas mo ang bata at ang sarili mo!"

"Sige na apo... Umalis ka na... Mahal kita.. Apo...  Mahal ka ng lola... Sige na..."

Ang lola ko! Pinatay nila ang lola ko!  Ang lola ko na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. 

Para bang nagkaroon ng liwanag ang lahat ng makakita ako ng bagay na makakatulong sa akin.

Kahit masakit at mahirap ay pinilit kong abutin ang bagay na 'yon. Mahirap pero kakayanin.

Kailangan kong mabuhay! Kailangan kong tuparin ang pinangako ko sa nanay. Ang mabuhay at mapalaki ang anak ko.

'Ariel!  Move!  Move!" saad ko sa sarili.

Dahil makapal ang lubid na nakagapos sa aking kamay ay nahihirapan ako. Puno na ng kalyo at sugat ang kamay ko pero ayaw pang tumigil ng utak ko.

Maya-maya lang ay pumasok ang babaeng may kagagawan ng lahat.  Ang babaeng pumatay sa Nanay. Ang babaeng nag-utos na gawin ang bagay na 'to.

The Heiress (Transgender-Series)Where stories live. Discover now