Chapter 1

6.2K 267 28
                                    

Isang taon na simula ng nagtungo ako sa Bacolod sa Negros Occidental.

Ibang-iba ang naging buhay ko sa bayan na 'to sa loob ng mga taon na pananatili ko dito. Noong una ay nanibago ako ngunit unti-unti ay nasanay ako sa buhay dito sa Bacolod.

Ibang-iba ang Bacolod sa Maynila.  Mas gusto ko ang Bacolod, walang mga mata ang nakabantay sa'kin saan man ako magpunta.  Walang nagdidikta ng buhay ko. Walang nagsasabi na laging mali ang mga ginagawa ko.  Nabubuhay ako bilang isang simpleng transgender na kumakayod para mabuhay.

Nawala man ang komunikasyon ko sa pamilya ko ngunit alam kong nasa maayos silang kalagayan. Halos araw-araw pa ding nasa Diyaryo ang pamilya ko,  mula sa mga magulang at kapatid ko.

Isang sikat na aktor ang panganay na kapatid ko at sa paglipas ng taon ay madami ng mga sikat na pelikula at palabas ang kaniyang pinagbidahan. Bata pa lang kami ay hindi na niya hilig ang negosyo ng pamilya at mas gusto niyang maging isang aktor at modelo.

Alam kong miss na din nila ako pero mas gusto ko pa ang buhay na mero'n ako ngayon. Ngunit alam ko na kailangan kong bumalik. Sa loob ng isang taon ay naging bali-balita ang pagkawala ko ngunit gaya ng inaasahan ay nawala din ang usap-usapan.

Nag-iwan ako ng sulat para sa pamilya ko na kailangan ko munang umalis ngunit alam ko na sinubukan pa din nilang alamin kung nasaan ako.

Sa loob ng isang taon ay nanirahan ako sa isang maliit na bahay na pagmamayari ni Nanay Beng, naging lola ko na din siya dahil sa loob ng isang taon ay tinuring na niya akong pamilya.

Noong una ay naghahanap ako ng mauupahan hanggang sa mahanap ko ang tirahan ni Nanay Beng.

Mag isa lang siya dahil namatay na ang kaniyang asawa limang taon na ang nakakaraan sa edad na  animnapu ay hindi mababakas sa kaniya ang katandaan dahil sa sigla at liksi ng pangagatawan ni Nanay Beng.

Alam ni Nanay Beng na umalis lamang ako sa Maynila para magtago sa pamilya ko.

Inalagaan at trinato na pamilya niya naman ako sa loob ng isang taon.

Nagtatrabaho ako sa isa sa sikat na kainan sa Bacolod bilang isang waitress.

Nagagawa ko din ang pagpipinta na gusto kong gawin noon pa man.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga taga-Barangay namin ang pagiging mayaman ko,  ang alam nila ay apo ako ni Nanay Beng na nagmula sa Maynila.

Masaya naman ang pakikitungo at pakikisalamuha sa akin ng mga tao kahit na isa akong transgender.

Naranasan ko ang buhay na hindi ko pa naranasan noon.

Exciting ang araw araw na buhay ko. Ang kumayod para may makain ay naging sanhi ng mga ngiti sa labi ko.

Funny isn't? But that's how I really wanted to live my life now.  

Walang nakakakilala sa'kin na isa akong Heiress ng Jewelry Empire.  Ang tingin ng lahat sa'kin dito ay isang transgender na naninirahan kasama ng kaniyang lola.

Iniwan ko ang lahat ng bank accounts ko para hindi nila ako matungo. 

I only have cash. Pero dahil sa pagbili ko ng mga gamit sa pagpinta at pangastos na din sa araw-araw ay naubos 'to.

Kaya kinailangan kong mag trabaho.

"Ariel, thank you talaga ah. Kailangan ko kasing umuwi ng bahay ngayon lalo na't may sakit si mamang.  Ikaw na talaga Beks! Wag ka mag kakamali ahh nandiyan si Baklitang B." saad ni Alice, isang babaeng tunay.

Sabay turo kay sir Ben na nakamasid sa buong restaurant na pagmamay-ari ng pamilya nila.

Mainit talaga ang dugo sa'min ni Ben ng dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ngunit sa mga lalaking tauhan dito sa restaurant ay maayos naman 'to.

The Heiress (Transgender-Series)Where stories live. Discover now