Chapter 4

17 6 12
                                    

    Abala siyang nakasandal sa headboard ng kama habang nagbabasa. Marami pa siyang dapat gawin dahil tinambakan sila ng teacher nila ng babasahin at pinapagawa pa ng buod ng Noli Me Tangere na may vocabulary na English, Tagalog at Ilocano, nasa Pangasinan kasi sila na siyang pangunahing lengguwahe ng mga taga-rito.

     “Sir, may naghahanap po sa inyo.” Katok mula sa pinto na siyang ikinakunot-noo niya. Wala siyang kakilala sa mga taga-rito kaya imposibleng may maghanap sa kaniya sa ganitong oras.

     “Sir—”

     “Yes, Manang Fee, bababa na po ako. Sandali lang po,” putol niya sa sasabihin pa ng ginang.

     “Sir, bababa na po kayo?” paniniguradong anito na siyang ikinakamot niya sa ulo. Nagsisimula na naman ang kakulitan nito.

     “Yes po, bababa na po ako,” paniguradong sagot niya.

      “Okay, Sir,” wika nito saka lang narinig ang papalayong yabag.

      Agad na siyang tumayo at nagpalit ng t-shirt na may kuwelyo, pinalitan ang itim na sando ang gamit bago tuluyang bumaba. Gayon din, habang pababa ng hagdan nakita niya agad ang bulto ng nakatalikod na babae sa loob ng kusina. 

      “Sino naman kaya ang babaeng iyon?” naisa-tinig niya habang patuloy sa pagbaba ng hagdan.

      “Manang Fee, pasensiya na po kayo kung ngayong lang ako nakadalaw. Kumusta na po kayo? Kumusta po pa sina Madam at Sir?” rinig niyang tinig ng babaeng may mahinhin na boses.

      May suot itong Off-shoulder na dilaw na bulaklaking damit habang bagsak na bagsak ang blondeng buhok.

     “Mukhang gumaganda kayo, Manang Fee, ah,” puna naman ng may pagka-bruskong babae. 

     Nakatalikod din ito sa kaniya habang naka-tshirt ng itim. Nakapusod ang buhok nito pataas; mukhang nagmadali lang nitong ipinusod ang buhok, base sa gulong-gulo at may naiwan pang hindi naitali.

      “Buti nakapasyal ka, Clarisse,” ani Manang Fee bakas ang ngiti nito habang nakatayo sa harap ng dalawang babae.

     “Mapilit kasi si Ate, Ninang,” sagot naman ng bruskong babae bago napasandal sa sandalan ng upuan.

     “Naku, Manang Fee, kung ’di pa pipilitin, e, ayaw pa sanang pumunta. Laging nakakulong sa bahay, parang may balak magmonghe,” natatawang anang blondeng babae.

      “Naku, Clarisse—oh, nandito na pala si Sir Heirry,” pukaw ni Manang Fee nang makita siyang nakatayo sa gilid.

       Agad naman lumingon sa kaniya ang dalawa ngunit natulala siya sa babaeng naka-itim.

      “Hierry, Welco—”anang babaeng blonde na ‘di natuloy.

     Nagulat na lang ang lahat nang bumanghalit siya ng tawa. Walang naka-imik maging si Manang Fee na nabigla rin sa reaksyon niya.

      “Wow! Mukhang alam ko na ang tinatawanan nito. So, ikaw pala si Hierry na Boys School—na laging pinagtri-tripan ng grupo ni Drench. Well, ang masasabi ko, bagay lang sa ’yong pagtripan, lalaitero!” hesterikal na anang babae na siyang ikinatigil niya sa pagtawa.

     “Anya Clarisse!” banta ng babaeng blonde.

     “So, Anya Clarisse pala ang pangalan nito,” naisa-tinig niya sa sarili.

      Nakatitig na itong nakahalukipkip sa kaniya. Mukhang napa-init niya ang ulo nito dahil sa reaksyon niya.

      “Akala mo kung sinong makapanlait. Akala mo kung sinong guwapo!” hesterikal nitong sabi na siyang ikinagitla niya.

      “Anya Clarisse! Watch your words!” napataas na boses ng babaeng blonde.

      “Mga Iha, Sir, huminahon kayo. Pakiusap, baka biglang dumating sina Madam at Sir,” nakikiusap na ani Manang Fee.

     “Ahem,” pukaw niya sa umiinit na kaganapan. “Sorry, Manang Fee—and, Miss, I’m sorry, hindi ko sinasadyang matawa sa—”

     “Okay Lang, Heirry. Pasensiya ka na. By the way, baka hindi muna ’ko natatandaan, I’m Anie Carla Santebanez, kababata ako ng Kuya Adreen mo,” wika nitong mabilisan bago hinatak ang kasama.

     “Ano ba, Ate Anie, bitiwan mo ako! Bakit ka nagso-sorry sa kaniya? Kasalanan naman niya, e. Bakit tayo aalis, siya naman ang nanlalait, e. Ang kapal ng mukha ng lalaking iyan, akala mo kung sinong guwapong-guwapo sa sarili,” hindi papaawat ng nakapusod habang pilit pinipigil ang kapatid sa pag-alis.

    “Bumalik na lang tayo sa susunod. Nakakahiya, baka dumating na sina Mada’m at Sir, maabutan pa kayong nagtatalo ni Hierry.” Hatak ng blondeng babae sa kapatid.

    “E, ’di mas maganda, Ate Anie. Makikita nila ang ugali ng anak nilang masama ang ugali,” hindi papaawat ng nakapusod na babae.

     “Anya Clarisse, huwag kang mag-iskandalo rito. Utang na loob, umalis na tayo,” pigil pa rin ng babaeng blonde.

      Hindi naman siya naka-imik sa mga nangyari, parang may nakabara sa lalamunan niya upang mawalan ng sasabihin sa mga narinig. Lalo na ng banggitin ng babaeng blonde ang pangalan ng kapatid niyang si Adreen.

     “Clarisse, pagpasensiyahan muna si Sir Hierry, pero kung maari bumalik na lang kayo sa susunod kapag mahinahon na ang isip mo. Baka kasi maabutan kayong nagtatalo ni Sir, at mas madagdagan pa ang gulo,” pakiusap ni Manang Fee na siyang ikinatulala niya lang. Wala siyang masabi kundi pagkagitla. Napipi rin ang labi niya at pawang ang kapatid lang ang naiisip.

     “Pasensiya na talaga, Manang Fee,” hinging paumanhin ng babaeng blonde.

     “Pasensiya ka na rin, Anie. Sa susunod na lang,” sagot ni Manang Fee sabay tapik sa balikat ng babaeng blonde.

     “Oho, Manang, pasensiya na po talaga. Hierry, pasensiya na,” baling sa kaniya ng babaeng blonde, ngunit nananatili lang siyang nakatulala at hindi pa rin makapagsalita.

     “Ate Anie—”

     “Halika na, huwag kang mag-iskandalo rito.” Tuluyan na nitong nahatak ang nakapusod na babae pero nananatili pa rin siyang nakatulala.

      “S-Sir Hierry—”naputol na tawag sa kaniya ni Manang Fee.

      “Good evening, Manang Fee, anong niluto ninyo?” sulpot ng ina dahilan upang napalingon siya sa dako nito.

      “Oh, Hierry, kumusta, mabuti naman at bumaba ka na, sumabay ka ng kumain,” seryosong anito sabay salin ng tubig sa baso.

      “Mom, iyong kape—”sulpot ng ama sa pinto dahilan upang magkatinginan silang dalawa.

     “Oh, Dad, dumating ka na pala. Yes, titimplahan kita. Sandali lang—by the way, nandito naman na kayong dalawa, sabay-sabay na tayong kumain,” basag ng ina sa katahimikang pansamantalang namayani; dahilan din upang mapalingon siya sa dako nito.

     “Nope, Mom, busog pa ako,” aniya bago tuluyang  nilagpasan ang ama.

      “Heirry?” tawag ng ina pero tuloy-tuloy lang siya sa pag-akyat.

      “Balita ko, pumunta rito si Anie, kung nandito lang sana si Adreen mas magiging masaya sana ang dalawang iyon,” anang ama na ’di nakaligtas sa pandinig niya; na siyang panandalian niyang pagtigil sa paghakbang, ngunit nang mahimasmasan agad na siyang nagpatuloy sa pag-akyat.

       “Miguel—” nagbabantang turan ng ina.

       Narinig pa niyang nagsalita ang ama ngunit wala na siyang naintindihan sa mga sinasabi nito, liban na lang sa paulit-ulit na pagpapaalala ng bagay na  isinisisi sa kaniya.

       Muli’t muli ay may bumabaon na namang masakit na alaala sa puso niya na kahit anong gawin, hindi kayang baguhin ng kasalukuyang kaganapan sa buhay niya at ng mga magulang. Hindi siya ang tunay na anak at hinding-hindi siya magugustuhan ng ama bilang parte ng buhay nito.

       “Adreen—kung nasa’n ka man ngayon? Tulungan mo naman ako. Hindi ko na alam kung maayos pa ang lahat sa pagitan namin ni Dad.”

When a Man LovesWhere stories live. Discover now