PROLOGUE:

163 136 9
                                    

  “Hoy!” tinig na naririnig niya mula sa di' kalayuan. Kung hindi siya nagkakamali nasa tambayan ang mga ito (bench).

Bagamat palakas nang palakas ang mga tinig. Pilit niya itong iniignora. Napakapit pa siya ng mahigpit sa suot na messenger bag na nakasukbit sa kaliwang balikat.

      “Mukhang walang narinig, Drench,” dinig niyang kantiyaw ng isa dahilan upang mas lalo siyang kabahan.

Papalapit nang papalapit ang mga yabag na kung saan mas nagpapakabog ng dibdib niya. Ayaw niya ng gulo pero mukhang ito ang lumalapit sa kaniya.  

     “Makakatikim talaga sa akin ang gagong ’yan!” sagot ng malapit-lapit ng boses.

Pilit niyang kinakalma ang sarili kahit pa anumang oras ay titiklop na ang kaniyang mga tuhod. Hindi sa takot sa mga ito kundi dahil ayaw niyang magkaroon ng kaaway.

Hangga't maari ay gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral na masaya at walang aberya. Iyong bang hindi siya kilala at walang nakakaalam sa personal niyang pamumuhay sa loob ng paaralan.

     “Sabi ko naman kasi sa ’yo huwag kang epal,” anang isa sabay hablot sa balikat niya. Ngunit wala ng nakakagulat pa sa kamaong sumalubong sa kaniya dahilan upang tumilapon at mapatihaya siya.

Ramdam niya ang kirot at sakit ng katawan sa nangyari. Parang MMA fighter siyang nasa loob ng ring. Hindi pa ito nakontento. Yumuko ito at itinamang muli ang nakahandang kamao.

Isa, dalawa, tatlo, apat at ilang beses pa. Bugbog ang nararamdaman niya. Kulang na lang mamanhid ang buong katawan niya sa tamang natatamo na walang kalaban-laban.

Bakit kailangan niyang maranasan ito. Ano bang kasalanan niya para tratuhin siyang nakakasukang nilalang. He don't deserve this. At walang sinuman ang deserving para maging punching bag ng mga bulliers.

      “Masyado akong mabait sa ’yo pero ginagalit mo ’ko. Kung may tumawag sa ’yo matuto kang makinig dahil kung hindi, baka mas malala pa riyan ang gagawin ko."

Mas malala pa? Ngiti ng utak niya. Hindi pa ba malala ang ginagawa nito sa kaniya? May susobra pa ba sa kagaguhang ginagawa ng mga ito? Nakakatawang lipunan.

 Isa pang tama ng kamao nito ang nagpatigil ng mga tanong sa isip niya. Matapos nito ay mabilisang tadyak naman ang nararamdaman niya sa tagiliran. Isa, dalawa, tatlo.

     “T-tama na. Maawa kayo,” panambitan niya. Blanko na ang katawan niya sa nararamdaman. Sobrang sakit at parang panaginip lang ang lahat ng nangyayari sa harapan niya.

     “Sabi ko naman kasi sa ’yo, huwag mo ’kong subukan ’di ba? Pero talagang matigas ka," anito na siyang kinaladkad siyang pabangon. Hinawakan naman siya ng kasama nito sa magkabilang balikat. 

      “T-tama na,” pagmamakaawa niya.
 Pilit niyang binabalanse ang nanghihina ng katawang-lupa.

      “Kay bago-bago mo, ang yabang-yabang mo. Akala mo kung sino kang makapagmatigas!” hiyaw nito bago siya pinatamaan ulit.

      “Ralph, easy lang,” pigil ng lalaking katamtaman ang pangangatawan na siyang malabo na sa kaniyang paningin.

      “Dapat lang sa kaniya iyan, Drench. Mang-aagaw ng pag-aari ng iba. Akalain mo iyon,” sang-ayon ng nasa kaliwang balikat niya.

      “M-maawa na kayo. Hindi ko alam ang sinasabi ninyo. Wala naman akong inaagaw na—”

      “Sumasagot ka pa talaga?” Isang tama ng kamao muli ang naramdaman niya dahilan upang tuluyang siyang bumagsak. Binitiwan na rin pala siya ng dalawang nasa likod.

      “Alam mo ang ayaw ko sa lahat iyong ginagago ako. Kitang-kita na nga, ayaw mo pang aminin." Tadyak naman ang naramdaman niya.

      “T-tama na po. W-wala akong ginagawa."

      “Gawin mo ang assignment namin at wala tayong magiging problema,” sigaw nito kasabay ang pagtama sa mukha niya ng makapal na notebook (Binder notes). Hindi lang isa kundi tatlo.

      “A-Ano ba? T-tama," salungat niya sa pagpipilit ng mga itong itayo siya kahit hinang-hina na. Bagamat nanlalabo na ang paningin niya. Isang imahe ang nagpalinaw niyon.

      “Huwag ninyo siyang saktan parang awa ninyo na!” pagpupumiglas niya. 

“Huwag!”

When a Man LovesΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα