Ang Alamat ng Mansanas (One shot story)

178 1 0
                                    


Noong unang panahon ay may dalawang pamilya ang kilala sa isang bayan na tinatawag na Hoyo bilang pinakamayayamang pamilya, ang mga pamilyang ito ay ang mga Valencia at Valle. Ang dalawang pamilyang ito ay maraming bagay na hindi pinagkakaunawaan na nagmula pa sa kanilang mga ninuno.

Isang araw ay sabay na nagsilang ng sanggol sina Mayumi na asawa ni Manolo Valle ng isang sanggol na lalaki at pinangalanan nila itong Manu at si Susanna na asawa ni Elias Valencia ng isang sanggol na babae na ang pinangalan nila ay Sanaz.

Napakaganda ng batang babae na si Sanaz, may makinis na balat, namumula-mulang mga pisngi at pulang labi. Habang lumalaki si Sanaz ay mas lalong nakikita ang kanyang angking ganda at ang kanyang kabutihang puso. Hindi lang ang ganda ni Sanaz ang nakikita ng lahat kung hindi pati na rin ang pagiging mabait, matulungin at malambing ito sa kanyang mga magulang.

Habang si Manu naman ay lumalaking isang matikas, matipuno, malakas at matalinong binata. Kakikitaan ito dahil kahit na lumaki sa isang prominenteng pamilya ay tumutulong ito sa kanilang mga tauhan sa hacienda.

Sa pagtungtong ni Sanaz sa pagiging dalaga ay maraming mga binata ang nabighani sa kanyang angking ganda at kabutihan ng loob.

Kasalukuyan ay may piyestahan sa bayan ng Hoyo kaya napag desisyunan ni Sanaz na pumunta para makita ang mga katuwaan ng tao lalo na at ang sabi ng isa sa kanilang tauhan ay may perya daw doon ngayon kaya siya ay nagtungo. Sa kabilang dako naman ay kasalukuyang nasa perya si Manu para tumingin ng mga kaganapan, minsan na niyang nakita ang perya pero sa kasamaang palad ay hindi niya ito napuntahan ng direkta dahil lulan sila ng karwahe patungo sa tahanan ng kaniyang tiyahin.

Habang nagliliwaliw si Sanaz sa kaniyang mga nakikita ay hindi niya nakita na may tao na pala sa kanyang harapan at nabunggo niya ito. Bago pa man siya matumba ay nahawakan na siya nito sa braso "Pasensya na ginoo kung ikaw ay hindi ko nakita, ako ay naaaliw sa aking nakikita ngayon sa perya na ito" sabi ni Sanaz nang siya ay makabitiw sa lalaking kanyang nabangga.

"Wala iyon binibini, naiintindihan ko dahil kahit ako man ay naaaliw sa tanawin na aking nakikita sa peryang ito, Ako nga pala si Manu. Ikaw, binibini ano ang iyon ngalan?" Tanong ni Manu sa binibining kanyang kaharap.

"Ako nga pala si Sanaz, kinagagalak kitang makilala." Nginitian ni Sanaz si Manu kaya naman ay napatulala panandalian si Manu at nginitian ang dalaga.

"Kinagagalak din kitang makilala magandang binibini, nais mo bang sabay na lamang tayong umikot dito sa peryahan at tingnan natin ang iba pa nilang mga nakaaliw na palaro at palabas" tumango naman si Sinaz sa inialok ni Manu.

Mula ng araw na nagkatagpo ang mga landas ni Manu at Sanaz ay madalas na magtagpo at lubos na magkakilanlan. Nalaman nilang pareho ang pamilyang pinagmulan ng bawat isa pero hindi pa rin ito naging hadlang sa pag-usbong ng kanilang pagkakaibigan na habang sa pagtagal ay inibig din nila ang isa't isa.

Napagdesisyunan ng mga magulang ni Sanaz na ipakasal siya kay Sulam na anak ng namumuno ng kanilang bayan sa edad na labing walong taon at ito ay anim na buwan na lang mula sa araw na iyon. Hindi sang ayon sa kasalan si Sanaz dahil mayroon na siyang ibang iniibig at iyon ay si Manu. Mag-iisang taon na rin nila inililihim ang kanilang relasyon sapaglat alam nilang pareho kung gaano kaayaw ng dalawang pamilya ang isa't isa kaya naman ay paniguradong parehong pamilya ang tututol sa kanilang relasyon.

Nang araw na magkita sina Manu at Sanaz ay agad na sinabi ni Sanaz ang kagustuhan ng mga magulang na labis niyang tinutulan. Hindi rin sang-ayon si Manu sa kagustuhan ng mga magulang ng kaniyang nobiya kaya naman ay napagdesisyunan na lamang nilang umalis na magkasama para makalayo sa pare-pareho nilang pamilya.

Sa araw ng kanilang pag-alis ay nalaman ito ni Sulam kaya naman agad siyang pumunta sa tahanan ng mga Valencia ngunit huli na siya sapagkat wala na doon si Sanaz. Nagtungo rin si Sulam sa tahanan ng mga Valle pero siya ay bigo rin dahil wala na din roon si Manu.

Ipinahananap ng lahat sina Manu at Sanaz, ilang linggo na ang nakakalipas ngunit bigo pa rin ang lahat na mahanap and dalawa hanggang sa isang araw ay may nakapagsabi kay Sulam ng kinaroroonan nina Manu at Sanaz. Agad siyang nagtungo sa kinaroronan nina Manu at Sulam

Nang makarating si Sulam ay nadatnan niya nga ang dalawa na masayang nag-uusap.

"Sanaz!" sigaw ni Sulam, agad na napatingin ang magkasintahan sa tumawag kay Sanaz. Napatayo si Sanaz ng makilala ang lalaking tumawag sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita na may dala dalang pana si Sulam at nakatutok ito kay Manu.

Agad na pinakawalan ni Sulam ang kanyang pana at tumama ito sa katawan ni Manu kaya naman ay mabilis na tumakbo sina Manu at Sanaz para takasan si Sulam ngunit nagpakawala pa ng isang pana si Sulam na tumama naman kay Sanaz.

Tumakbo ng tumakbo sina Manu at Sanaz kahit na pareho silang duguan at sugatan para makalayo kay Sulam hanggang makarating sila sa isang malayong burol. Nalaman ng mga Valencia at Valle ang nangyari kay na Manu at Sanaz kaya naman ay agad nilang ipinakulong si Sulam. Hinanap nila sina Manu at Sanaz pero hindi nila ito nahanap, nagtanong na rin sila sa mga taong posibleng nakakita sa dalawa. May mga nakapagsabi na nakita nila ang dalawa na tumatakbo pero matapos noon ay hindi na nila nakita.

Sa kanilang paghahanap ay napunta sila sa isang burol na may puno sa tuktok at puno ng mga pulang bunga. Nang sila ay makalapit ay may tao na lumapit sa kanila at sinabing "Ang hinahanap ninyong magkasintahan ay dito ko huling nakita, nakita ko and matatamis nilang ngiti habang nakatingin sa isa't isa."

Mula nang araw na iyon ay inaalala ng lahat ang puno sa burol na nagpapaalala sa magkasintahang sina Manu at Sanaz na tinawag nilang puno ng Mansanas.


****************************************************************

Hello guys! namiss niyo ba ako? Sobrang nabusy ako with online class ng kapatid ko. Mas stress pa ako kaysa sa kanya sa dami ng pinagagawa. Kasama na rin itong Alamat ng Mansanas dahil make your own alamat kaya ang ending ay ako na gumawa nito.


I decided na rin to post the story here. Just for fun since wala pa ako one shot story dito sa wattpad. I hope na nagustuhan niyo ito. I'll update soon. unti unti ko nang sinusulat ang Abandoned wife at Now and Forever.


Don't forget to like, share and follow me hre in wattpad guys.

Ang alamat ng Mansanas (One Shot Story)Where stories live. Discover now