"Maymay halika na baka maiwan na tayo!" Sigaw ni Andrea sa labas nang bahay. Sabi ko kasi sa kanya magpapaalam Lang ako kila Nanay at Tatay bago kami umalis patungong maynila.
"Nay,Tay.Alis na po ako." Nag mano ako kay Nanay na maluha-luha na sa harap ko.Pagkatapos ay bahagya kong ginulo ang buhok ni JP na naka upo lang sa may papag na hinihigaan ni Tatay ngayon.
Hindi na nakaka tayo si Tatay simula nang atakihin sya nang sakit nya. Na paralyze ang kalahating katawan nya kaya hindi narin sya makaka pag trabaho para sa amin. Kaya kailangan kong tumigil sa pag aaral. Second year College ako nang mahinto sa pag aaral.Sinubukan kong mag trabaho dito para maka tulong kila Nanay at Tatay pero,hindi kaya ang sahod sobrang baba.Sa pang bayad nalang sa kuryente at tubig kinakapos na kami samahan pa nang mga gastusin ni JP sa school.Elementary na kasi sya grade 2.
"Anak,mag iingat ka doon ah,pag may problema ka,tumawag ka agad ha,"Si Nanay.
"Opo Nay," binalingan ko na si Tatay nang tingin at nag mano rin ako. " Tay,pagaling po kayo,padadalhan ko kayo dito pag naka pag trabaho na ako doon," tangin tango lang ang ginawa ni Tatay.
"May!!!" Tawag muli ni Andrea. Napaka tinis nang boses nya,ang liit na babae pero daig pa ang mega phone sa lakas nang boses.
"Sige na anak," Ihinatid ako ni Nanay sa may pintuan.Sumunod din ang bunso kong kapatid.
"Babye ate,balik ka ah," maluha-luha pa sya bago humalik sa aking pisngi.Mamimiss ko ang matambok nyang pisngi.Pati narin ang kakulitan nya.
Habang nasa Jeep kami ni Anding patungo sa estasyon nang bus hindi ko maiwasan ang hindi mahikbi pa minsan-minsan,paano naman kasi unang beses kong mawawalay sa mga magulang ko at kapatid.
Habang nag mumuni-muni ako,si Anding naman na katabi ko ay may inilabas sa kanyang bag na mp4 at headset nya.
"May oh,makinig tayo nang music para hindi ka mainip,malayo parin ang byahe natin eh." Tumango Lang ako. Isinuot nya sa isang tenga ko ang headset yung isa naman ay sa kanya.
Hindi ko rin lubos maisip na,magiging kanito kami ka close ni Anding.Ang pagkaka alala ko,Second year high school ako nang nag transfer sya sa school namin.Hindi ko sya masyadong pinapansin noon kasi nga ang Ingay nya. Naka usap ko Lang sya nung 3rd year na ako.Yung time na pinahiram nya ako nang cellphone para maka text ko si Dodong.Simula noon lagi na kaming nag kukwentuhan.
Nalungkot din sya noong isinauli ko na sa kanya ang cellphone.Ang sabi ko,ayaw ko na mag text na papabayaan ko na si JP.Pero dinahilan ko lang yun.Hindi nya alam na broken hearted ako noon.Hayst! napapailing nalang ako pag naiisip ko ang nakaraan.
Kamusta na nga kaya sya? Wala na akong balita sa kanya simula nung araw na sinuli ko ang cellphone ni Andrea,hindi narin kami nag susulatan.
Napalingon ako sa gawi ni Anding,naka hilig na ang ulo nya sa balikat ko. Ganito kami palagi simula nang maging close kami.Akala nga nang ibang nakaka kita sa amin ay may relasyon kami.Paano ba naman,para kasi akong lalaki manamit ngayon,mahilig ako sa malalaking t-shirt at hanggang tuhod na short.Hindi rin ako pala ayos,di katulad nya na mahilig sa dress,palagi syang naka palda na hanggang tuhod nya at sleeveless.Mahilig din sya mag make-up.Yung mag pupulbo sya at mag lalagay nang lipgloss bago umuwi.
Kikay kung tawagin nang karamihan si Anding.Suportado naman sya nang ate nya na nasa abroad kaya,wala namang problema kung mag kikay sya.Bagay din naman sa kanya,maputi at may pagka matangos ang ilong nya,mahaba ang buhok na bagsak at makintab.Alagang Rejoice daw sabi nya.Yun nga kinulang sya sa height hanggang balikat ko lang si Anding.Pero ayos lang naman yon sya lang talaga ang na I-insecure sa mga mataas katulad ko gusto nya daw kasi ng pang model na height.
