CHAPTER EIGHTEEN💙

159 19 8
                                    

ZEIDEN'S POV

Napakasaya ko ngayon dahil makakasama ko na naman kumain si Cena. Sobrang ganda niya talaga, kapag tinitingnan ko siya parang kami dalawa lang ang tao sa mundo. Kapag kasama ko siya parang tumitigil ang pag ikot ng mundo. Kapag kausap ko siya parang mababaliw ako sa kanya.

Natatawa ako sa mga mga naiisip ko. Pero yung tawa na yon ay napalitan ng pagtataka nang makita ko na naman siya na nakasulyap doon sa fountain na iyon.

Tutok na tutok siya doon, nakapangalumbaba pa siya habang tinititigan ang fountain na nadoon sa dulo na nagpapatuloy lang sa paglabas ng tubig.

Napatingin din ako doon at gano'n na lang ang pagkamangha ko dito. Namangha ako nang makitang hugis puso ito. Napangiti ako.

Muli ko ulit binaling ang tingin ko kay Cena.

Pero gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nakatingin na siya sa akin. Bumilis kaagad ang tibok ng puso ko. Tibok ng puso na unti-unting bumibilis nang bigla siyang ngumiti.

Ang mga ngiti Cena.. Ang mga ngiti mo please...

"Sus ayaw mo pang pumunta don pero kung makangiti ka Tsk Tsk Tsk!" napapailing na sabi niya.

Umubo ako. "Bakit? Masama bang tingnan iyon?" tanong ko sa kanya.

"Wala namang masama"

"Oh wala naman pala eh" sabi ko. Tumawa siya.

"Oorder na ako ha" sabi ko tumango naman siya.

Tumayo ako saka pumunta sa line. Nilingon ko muna siya bago pumunta sa line.

"Sir what is your order sir?"

"2 pcs chicken with carbonara" nakangiting sabi ko.

"Okay po sir" sabi ng cashier girl. "Drink sir?" tanong niya.

"Iced tea" sagot ko.

"Okay po sir, wait for your order sir" sabi niya.

"Okay" sagot ko saka mabilis na tinalikuran siya saka pumunta sa pwesto namin ni Cena.

Nakangiting umupo ako sa kanya dahilan para inosenteng mapalingon siya sa akin. Natigilan ako.

"Bakit?" tanong ko.

Umiling siya. "Wala"

"Ahhh hehe"

"Mmm"

"Ayaw mo bang mag-rides?" tanong ko sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. "Mamaya na siguro" sagot niya.

Tumango ako. "Saan mo gusto sumakay?" nakangiting tanong ko sa kanya.

Ngumuso siya. "Saan ba pwede?"

Umangat ang gilid ng labi ko. "Lahhat yan ay pwede" natatawang sabi ko sa kanya.

"Kahit carousel?" tanong niya dahilan para matigilan ako.

"S-Sasakay ka sa carousel?" tanong ko.

"Diba sabi mo lahat pwede"

"Tss! Wala ka talagang sentido common" sabi ko.

"Sentido common?"

"Common sense!" asik ko sa kanya dahilan para matigilan siya.

Tumango-tango siya. "Ahhh sentido common" sabi niya sabay tawa.

Natigilan ako. Weird!

"Bakit? Anong nakakatawa sa sentido common?" tanong ko.

WITH A SMILE: Season 1 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon