Chapter 2

165 30 0
                                    

Chapter 2: The Dead Father




Ice

Napanganga pa ako nang lampasan ako ng isang lalaking may itinutulak na wheelchair. A woman is sitting on the wheelchair, she looks very pale and weak. Lakas naman ng loob nilang lampasan ako. Sa ganda kong 'to? Kahit nagtataka ay naglakad-lakad ako sa loob ng hospital. I am so confused. Why am I here? How did I get here? Where's Javadd? Am I dreaming? Nakatulog ba ako habang hinahalungkat ang jewelry box? Papaano ako nakalabas ng kwarto ko?

I slapped my face. Heck? I really felt it. I slapped my face again, a little harder. Shit. This is not a dream! Totoo talaga. Napapatingala ako habang naglalakad. I don't think nakapunta na ako sa hospital na 'to. This is so not familiar to me. At hindi naman ako madalas nakakapunta sa mga hospitals because our family is healthy. And I don't go to hospital naman when I'm sick. Biglaan ay na-conscious ako. Hindi ba ako mukhang nakakatawa sa suot ko?

I'm wearing a silk peach pajama kasi. And pink pair of slippers. Tsk! Nakakahiya ito. Bakit ito ang suot ko?

Yumuko ako at para matakpan ng wavy hair ko ang face ko. I don't want to embarrass myself here. But I have to find out why am I here. Sinilip ko ang ibang taong nadadaanan ko. I can't help but feel confused again. Bakit hindi man lang sila tumitingin sa akin? Para kasing hangin lang akong dumadaan sa kanila. Weird.

"Aw!"

"Oh my God!" I shrieked!

There's a bata kasi! A little girl na nabitiwan ang coffee niya in a styro cup. Her hair is short, shoulder length, with bangs. Theres a Winnie The Pooh printed on her yellow shirt and leggings. She carries an orange backpack. And her pink flip-flops have Patrick Star on its elastic band. I cringed. When did Dora, Diego, Patrick and Pooh became allies? She's half a meter away from me and the coffee fell in our center, splashing on the tiled floor. Napaatras ako dahil natakot akong mapaso. I pushed my hair to the back and put my hands on my waist. Pinandilatan ko ang bata sa harapan ko.

"Ikaw na bata ka. Kapag hindi mo kayang dalhin ang isang bagay, huwag mong ipilit. Look what you did, napaso ka siguro. What if napaso ako? Anong gagawin mo, ha? And what are you doing here ba? Bawal ang bata sa hospital."

I rolled my eyes at her and flipped my hair. Lalampa-lampa! Like Cole before. I stilled. Eew! Duh! Get out of my head.

Kumunot ang noo ko nang hindi ako pinansin ng bata. Sa halip ay pinulot lamang nito ang styro cup na parang hindi ako narinig. Bingi? I crossed my arms on my chest at yumuko sa bata.

"Hey, are you deaf?"

I noticed her right hand had cotton that is sticked on it with the use of a surgical tape. My brow raised. So she's a patient? Discharged na?

"Helloooo!" I waved my hand at her face still has no reaction. Does her vision blur? This is getting weirder and weirder.

"Sofia! Ayos ka lang ba?" A guy, wearing yellow shorts and an orange hoodie paired with Spartan flip-flops, approached her. I think, hes older than me.

"Kuya, natapon. Sorry," The girl said honestly.

I rolled my eyes at them. "Yes. Almost hitting my feet. Hmp!" I flipped my hair.

Kumunot ang noo ko nang akayin lang ng lalaki ang bata at hindi ako pinansin. Another weirdo, like Cole. Ugh! Why am I thinking of him? Tinalikuran ko na lang ang dalawa at tinanong ang isang babaeng nakaupo sa hospital chair. Nasa 40s na siguro at may nakasimangot na mukha.

"Anong hospital po 'to?"

Tumaas ang kilay ko nang hindi ako nito pinansin. She wears paired mint green patients clothes. Napanganga ako sa pagtayo niya at dumiretso sa CR matapos akong lampas an na parang walang narinig. Bakit ang susuplada ng mga tao ngayon? Wanna compete with me, people? Nagdabog ako sa inis at naglakad-lakad na lang. Sumunod ako sa babaeng pumasok sa elevator. I didn't press anything. Kung saang floor bubukas, doon na din ako. I glared at the woman who wears office attires, spectacles, and carries a brown handbag.

"What? Nagagandahan ka sa akin?" Maldita kong tanong.

"Oo, maganda ka." She smiled.

"Hays! Salamat naman at may pumansin na sa akin!" I exclaimed while raising my brow.

Pero nanlaki na lang ang mata ko nang iangat nito ang kamay at akmang hahawakan ako. Umiwas ako dahil sa gulat.

"Eew! Baka may germs kamay mo! Mukha pa namang papel de liha."

But my jaw dropped when she touched her reflection on the elevator's wall. What the heck? I thoughtshe was aiming for my face.

"Ang ganda ganda mo, Mika. Maganda pa sa ate mo," ngumisi siya sa sariling repleksyon.

"Asa kang maganda ka! Loser!" buwelta ko. I dont care if she's older than me. Duh! Shes not the first naman na sinabihan ko ng ganiyan.

But she didn't react. Bahala na nga kayo! Nilagay ko ang mga braso sa dibdib at sumimangot. Akala ko ako ang sinabihang maganda. Iyon pala iyong loser na reflection niya. Sa inis ko ay tumingin na lang ako sa mahahaba kong nails na naka-manicure. Color peach din ang kulay. Nanlaki ang mata ko nang makita ang singsing sa pinky finger ko.

"Suot ko pa pala..." bulong ko.

Nakanguso ko itong sinuri matapos hubarin at hawakan na lang. Ang cute pala. Ang cute pala ng taste ko noong bata ako kahit cheap. Ang galing ni Papa. Mabuti at hindi niya ito nabenta. Palagi ko kasi itong suot noong bata ako. When I became grade four, sa ring finger ko na isinuot because hindi na fit sa middle finger ko. And now, sa pinky finger naman. Almost 10 years na hindi ko nakikita si Papa. I missed him. Pero wag naman niyang hilingin na magkasama na kami. Di ako ready pag ganon.

Naagaw ang atensyon ko nang tumunog ang elevator. Lumabas ang babae kaya sumunod ako palabas. I decided to hold my ring na lang. Napunta ang atensyon ko sa digital clock sa wall.

12:41 am.

My forehead creased. AM? Pero seven o'clock naman noong binuksan ko ang jewel box. Baka super advance lang? Tumingin-tingin ako sa mga kwarto. Female Ward. Male Ward. At kung ano-ano pang ward. I saw two men near a Female Ward door, talking. Nakatalikod sa akin ang mas matangkad, six footer ata. At nakaharap naman ang isa sa kanya. Sa direksyon ko.

"Maraming salamat, Neon. Sa pagliligtas sa asawa ko. Kung hindi dahil sa 'yo, baka kung ano na ang nangyari sa kanya." Sabi nung nakatalikod sa akin.

"Walang anuman, pare. Mabuti at nag-match kami ng asawa mo. Sa kwarentang pasahero na laman ng dalawang jeep para magpa-test ng dugo, ako lang ang ka-match ng misis mo."

Kumunot ang noo ko. Nakahinto ako malapit lang sa kanila at nakikinig. I'm not chismosa. Ngayon lang.

"Buti nga pumayag ang mga kaibigan natin na magpa-test para kay Liza, at syempre ikaw. Type B kasi siya at rare daw iyon. Sige, pare. Titingnan ko muna ang anak ko, ang nakatalikod sa akin ay tinapik ang balikat ng kasama.

Neon rin name niya? Neon rin kasi name ko. Neon Alaisa. Neon talaga nickname ko, but when I transferred to XU no'ng nag-Senior high ako, I told everyone to call me Ice or Alaisa. Ang pangit kasi ng Neon. Over two years ago ko lang nalaman. And everyone keeps calling me that nickname since I was little. Mas lalong ayaw ko dahil name talaga ng guy.

Nagpanggap akong hindi nakikinig. I avoided my gaze before the taller man can face me. Pero hindi ko na rin napigilan ang sarili, nang dumaan sa harapan ko ang lalaki, ay tiningnan ko ito. Ganoon na lang ang pag-awang ng labi ko nang masilayan ko ang kaniyang mukha. Nagsimulang magkarerahan ang tibok ng puso ko. My lips trembled and blinked many times. This isn't real!

Oh my God!

If it's unbelievable that I got here, what I am seeing right now is so fucking impossible! I clapped my hand on my mouth. H-how can it be? That denim jacket and maong pants. That moreno skin. That height. That body. That way of walking. Oh my God. This is impossible. It's been years...

My tears started to form on my eyes. "P-papa?"

Buwan ng September, it will be his 10th Death Anniversary. Why am I seeing him now? Please, can someone wake me up?

***

Astracelane | Almi

Gateway Of A Fancy Touch | CompletedWhere stories live. Discover now