Jealous Mike Samonte

204 5 0
                                    

Kahit ganitong oras palang ay tahimik na ang lugar namin lalo kapag weekdays. Wala masyado tao sa park na dinaanan namin.

Biglang huminto si kuya Macki. Sa tapat mismo ng poste ng ilaw sa tapat ng park. Nasa malayong parte ang mga tao.

Tiningala ko siya sa pagtataka. Mataas na ko pero dahil sa sobrang tangkad niya hanggang balikat lang niya ko.

"Kyla wala pa sana akong planong sabihin ito sayo ngayon pero hindi ko na kayang ilihim."

Umihip ang panggabing hangin. Hinawi ko ang buhok para hindi sumabog sa mukha ko. Nagtaka ako sa kaseryosohan niya.

"Plano kong hintayin ang birthday mo. Pero hindi ko na matiis."

"Ang alin?"

Lumapit siya sakin. Sobrang lapit na gahibla na lang ang layo ng mga paa namin. I met his gaze.

"I like you Kyla. Ever since your in high school may gusto na ko sayo. Gusto kong magtapat sayo kapag 18 ka na pero biglang dumating si Zander sa buhay mo. Hindi mo alam kung gano ako nagwala nung nalaman ko yun."

Bigla akong napaurong. Nakita ko ang pagkabigo sa mukha niya. Binulsa niya ang dalawang kamay.

"I don't want to pressure you now. Sinabi ko lang sayo ngayon para makapila na ko." Natawa siya ng malakas. "But you answer me on your 18th birthday okay?"

My birthday is still on December. Four months from now. Tumango na lang ako.

Mariin ang titig niya sakin na napaurong pa ko. Nagulat na lang ako ng bigla niya kong hilahin. Napasubsob ako sa dibdib niya.

"Sawa ka na ba sa buhay mo gusto mo tapusin ko?" Binalingan ni Macki ang naka-bike na bata. Muntik na pala akong mabangga ng bike kaka-urong ko. Kung hindi niya ko nahila ay baka nabangga na nga ako ng tuluyan. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Sorry po kuya. Kyla sorry. " Matapos ay umalis na ang nakabike.

Pinilit kong kumalma. "It's okay kuya. Thank you for saving me." Lumayo ako sa kanya. Nag-iinit ang mga pisngi ko. Hindi ako maka get over sa sobrang lapit namin kami. He's hand on my wrist.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi parin siya bumibitiw sa pala pulsuhan ko. Hindi ko rin magawang kumawala sa hawak niya kase ayokong makita ulit ang pagkabigo sa mukha niya. Walang bumasag sa katahimikan namin. Manaka-naka lang kaming tumitingin sa isa't-isa. Gusto kong mangiti. Hindi ko alam ang dahilan. Pilit kong tinatago ang nagbabadyang ngiti. Natigilan ako ng ilang hakbang na lang patungong gate namin ay dumulas ang hawak niya sakin. From my wrist to my palm. Magaan ang hawak niya sa kamay ko. Sa ginawa niya ay kumalabog ang puso ko.

Magkahawak kamay kami hanggang sa makalapit sa gate. Nakayuko lang ako. Natigilan siya kaya napatingin ako sa kanya. Diretso ang tingin niya. Maging ako ay natigilan din ng makitang kay Mike Samonte nakatutok ang paningin niya. Dumoble ata ang kabog ng dibdib ko.

He was leaning in our gate. Ng makita kami ay tumayo siya ng maayos. Ang mga mata'y nasa magkahawak naming kamay ni Macki. Napapasong bumitiw ako kay kuya Macki. Dinungaw ako ng mapanuring mga mata niya.

"Anong ginagawa mo dito Samonte? Mainit pa ang ulo ko sa mga Samonte dapat ay di ka nagpapakita sakin."

Dinungaw ni Mike ang gate namin. Sarado ang ilaw sa buong bahay. Sa terrace lang may ang bukas. Wala pa si Mommy.

"Bakit sayo ba ang lugar na ito?" Iritableng lumapit si Mike.

Nag-aalangan akong pumagitna. Sa galit ni kuya Macki kanina nagkaka trauma na lang ako. Natigilan si Mike sa paglapit at napatingin sakin. Kalmado naman si Macki na pinasok sa bulsa ang mga kamay.

Sweetest Karma SERIES 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now