Hinilig ko ang sarili ko kay Dark nang magsimula siyang maglakad. Pumikit ako at hindi ko namalayang nilamon na ako nang isipin na hindi ko napansin ang paghinto ni Dark sa paglalakad. Ibinaba niya ako pero hindi ko pa rin inalis ang pangungunyapit ko sa leeg niya.

Is this really love?

I still don't know him...but why am I feeling this way? I never thought that a simple admiration could turn into this emotion...

Tila nabalik ako sa reyalidad nang makita sa mga mata niya ang panandaliang gulat na napalitan ng kawalan ng emosyon sa mga mata. Napunta ang tingin ko sa minamasdan niya.

Sa harap namin ay nakatayo ang dalawang taong nakita namin kanina. Nilinga ko ang paligid at kahit paano ay nakahinga nang maluwag nang makitang kami lang halos ang tao at nasa madilim kaming parte ng parking lot ng bar.

"Let's go, Helene," akag ni Landon sa girlfriend niyang tila nawala ang pagkalasing at maluha-luha ang mga matang nakatingin sa amin partikular sa akin. Napalunok ako nang kunin ni Dark ang kamay ko mula sa leeg niya. Inaakala kong bibitiwan niya iyon pero nanlaki ang mga mata ko nang ipagsalikop niya ang mga kamay namin.

Don't keep your hopes up, girl...he's just using you...

May pinong kurot na pumisil sa puso ko sa naisip pero pinalis ko iyon at mas lalong idinikit ang sarili kay Dark hindi alintana ang paa kong narurumihan sa lupa.

"S-Siya ba iyong sumagot kanina? Who is she? Is she really your girlfriend—"

"I said let's go Helene! You're drunk, let's go home," pigil ang sigaw na putol ni Landon kay Helene.

"No! I'm not going anywhere! I don't even have that so-called home! All I have is a f*cked up life!" Umiling-iling siya at kumawala sa kapit ng boyfriend niya at napatili ako nang itulak niya ako palayo kay Dark dahilan para bumagsak ako sa lupa. Napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi sa palad ko.

"Goddamn it, Helene!" sigaw ni Dark na lalapitan na sana ako nang yakapin siya ni Helene mula sa likod.

Napapangiwing tumayo ako at muntik pa muling bumagsak kung hindi lang may umalalay sa akin.

"Are you okay?"

Do I look like I'm okay? Kaw kaya itulak ko?

Pero imbes na sabihin iyon ay pilit na lang akong ngumiti kay Landon na siyang umalalay sa akin.

"C-Carter, go back with me! Let's runaway! Payag na ko sa gusto mo—"

"That proposal was two years ago, Helene. May sarili na tayong buhay ngayon, don't do this in front of my girlfriend and your boyfriend!"

"Wala na kami ni Landon!" sigaw ni Helene dahilan para mapatingin ako sa katabi kong nakita ko ang sakit sa mga mata. "P-Pinilit ko ang sarili kong mahalin siya! Pinilit kong kalimutan ka p-pero hindi ko kaya! Hanggang ngayon, mahal pa rin kita, Carter! Handa na akong talikuran ang lahat para sa 'yo—"

Hindi natapos ni Helene ang sasabihin niya nang marahas na alisin ni Dark ang braso niya sa bewang ng huli dahilan para mawalan ng balanse ang babae at mapaupo sa lupa.

Nakita ko ang paghakbang ni Dark na tila nagulat sa nagawa niya pero umatras nang mabilis na nagtungo si Landon at akagin patayo si Helene. Pero ang bruhang babae ay marahas na inalis ang pagkakapit sa kanya ng ex-boyfriend niya na pala.

"Tapos na lahat, Helene. It's been two years, move on. Kahit anong gawin mo o sabihin mo, hindi na natin maibabalik pa ang meron tayo noon dahil ang dami nang nagbago. Hindi na tayo puwede. Tanggap ko na 'yon at inakala kong natanggap mo na rin dahil sa ating dalawa ikaw ang unang bumitaw..." Tumingala si Dark at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagtakas ng mga luha sa gilid ng mga mata niya. "...and you made a good decision for doing that. I owe you that decision, Helene."

"No...p-pinagsisisihan ko 'yon—"

"Aren't you even sorry to Uncle Ed for saying that? How can you still love me knowing that I am the son of the man who ruined your family? Your mother had an affair with my father dahilan para magpakamatay—"

"No! No!" histerikal na nagsisigaw si Helene at ako naman ay tila naestatwa sa kinatatayuan ko sa mga narinig ko.

"Face the truth, Helene and move on...we will never be together again," ani Dark sabay lapit sa akin at hila patungo sa kotse niya.

Hanggang sa makapasok kami sa loob ay dinig na dinig ko ang tangis ng babaeng naiwan sa labas.

Kung inis ang nararamdaman ko para sa kanya kanina, hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para sa kanya.

They're like modern Romeo and Juliet...

How about me? Ano ako sa storyang ito?

Binalingan ko si Dark na mahigpit na nakakapit sa manibela. Saglit na sumulyap sa labas at matuling pinaandar ang kotse.

"You're crying..." nasabi ko nang makita ang pumapatak na luha mula sa mga mata niya. Kinuha ko ang chocolate na nahagip ng tingin ko sa ibabaw ng dashboard.

Walang sali-salitang iniumang ko iyon sa bibig niya. Inasahan kong papalisin niya ang kamay ko pero magkakasunod niyang kinagatan ang chocolate at wala pang ilang minuto nang maubos niya iyon.

Bumuntong-hininga ako at minasdan si Dark feeling sorry about what happened to his relationship with the woman he loves.

TBC

Embracing DarknessWhere stories live. Discover now