Chapter 36

1K 46 12
                                    

#EmbracingDarknessCH36

Mrs. Tiangco

"Claudi, oh gosh, what's taking you so long ba?" pasok ni Tiara sa kwarto ko.

Hindi ko pinansin si Tiara at pinakatitigan ang dalawang outfit na pinagpipilian kong isuot. "Should I wear this short with the midriff top? Pero baka naman kasi masyadong revealing? Baka ayaw ni Dark? Or this jump–"

"Oh gosh, why do you have to choose pa? Manonood lang tayo ng movie sa condo ng Paradox."

Bago kami maghiwa-hiwalay after lunch, nag-aya si Wade kay Tiara na manood daw kaming movies sa condo nila. Nandoon din naman daw si Jillian kaya hindi lang kami ang babaeng dalawa.

Gusto daw muna nilang mag-chill ngayon bago mag-practice ng todo sa mga susunod na araw para sa nalalapit nilang first major concert.

Nginusuan ko si Tiara. Naiinis dahil hindi niya maintindihan ang gusto kong mangyari. Of course, I wanted to impress Dark–he's my boyfriend, now. Gusto ko lagi akong maganda sa harap niya.

"You know what I think you should wear?"

"What?" tanong ko sa kanya, ang tingin pa rin ay nasa damit na nasa kama ko.

Humagikhik si Tiara at narinig kong pinagbubuksan niya ang cabinet ko pagkatapos ay may ibinato siyang oversized t-shirt sa kama.

"Ayan, I'm sure Dark would like that more!" hagikhik ni Tiara at pinamulahan naman ng pisngi na pinulot ko 'yon.

Simple lang naman ang design ng t-shirt na 'yon.

Logo ng Paradox sa harap pero ang nasa likod no'n na imprenta ang makakatawag ng pansin.

You're mine, Dark Carter.

Mrs. Tiangco <3

Few months ago, we bought this unofficial merch from the Paradox fan club. Nakipag-unahan pa kami ni Tiara no'n sa online selling dahil mabilis naubos. Swertehan na na-purchase ko pa 'tong kay Dark dahil si Tiara ay naubusan ng kay Wade kaya kay Rex ang nakuha niya.

Hindi ko pa 'to nasusuot sa labas dahil baka hindi na talaga ako palabasin ng daddy ko kapag nakita niya 'to.

"I-I'm not going to wear that! A-are you crazy?" nauutal ko pang saad at maingat na tinupi 'yon.

Humalakhak siya. "Oh, someone's blushing. Bakit? Ayaw mong makita ng boyfriend mo kung gaano ka kapatay na patay sa kanya? Come on, Claudi, wear it na! I want to see his reaction!" pag-alog niya sa braso ko.

Inismiran ko siya pero nangingiti na. "I don't want to look like a diehard fan. I'm his girlfriend na nga hindi ba?"

Mahina niyang hinila ang buhok ko. "Don't be such a pabebe ah. Iniinis mo ko."

Tinawanan ko lang siya. "You know, I'll wear that if you wear the shirt you also bought–"

"Iyon lang pala eh. I'll wear it."

Nalaglag ang panga ko sa pagputol niya sa akin. "What?"

"Kay Rex ang nabili mo, hindi kay Wade–"

"And so?" irap niya at hinawi pa ang buhok niya't tinalikuran ako. "Isuot mo na 'yan at partneran mo na lang ng short so we could go na."

Hindi pa rin ako makapaniwala sa kaibigan ko. I mean, wala nga silang label ni Wade pero hindi ba parang ganoon na din iyon?

Sa huli'y naghubad na ako, muli kong pinag-isipan kung isusuot ko ang shirt na 'to pero nang marinig ang sigaw ni Tiara sa labas na tapos na siyang magpalit ay napapikit na sinuot ko na nga 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Embracing DarknessWhere stories live. Discover now