Chapter 33.1

9.4K 325 16
                                    

Nagsimula na naman tumulo ang mga luhani Maureen habang pinagmamasdan ang tiyahin na nakahimlay.Napagdesisyunan niya na dito sa mansion iburol ang tiyahin upang maskontrolado nila ang mga taong makikiramay. Parang naninikip na namanang dibdib niya nang maalala ang sanhi ng pagkamatay ng kaniyang titaFely.


"Ma'am, magpahinga muna po kayo.Magmula kahapon wala na po kayong pahinga." Nag-aalalang inalalayanni Manang Azon si Maureen na makaupo.


"Tuwing ipipikit ko ang mga mata konagbabalik yung karahasan na ginawa ni Nicholai. Dito lang muna akosa tabi ni tita."


"Baka ikaw naman po ang magkasakit.Ayaw mong magpahinga tapos halos hindi ka rin kumakain. Mamayadarating na ang mga magulang mo, lalo silang mag-aalala kung patiikaw abutan nilang may sakit," pamimilit ni manang Azon.


"Mamayang pagdating Nathanpipilitin kong makaidlip kahit saglit lang," pagsang-ayon niMaureen sa matanda.


"Saan po pala nagpunta si sirNathan?" hindi na napigilang tanong ni manang Azon. Dahil sanangyari sa kaniyang amo ay parang may takot na rin siya sa kaniyangdibdib na kahit anong oras ay pwedeng maulit ang insidente lalo nagaling sa kinikilalang pamilya ang gumawa nito.


"Pinatawag siya sa presinto, parangmay resulta na ang imbestigasyon," maikling tugon ni Maureen.


"Salamat sa Diyos, sana pomaparusahan ang lahat ng may kinalaman sa pagkamatay ni ma'am Fely,"puno ng pag-asang turan ni manang Azon.


"Sisiguraduhin namin na mananagotsila sa ginawa nila." Natigilan si Maureen sa pagsasalita ngmatanaw niya ang mga dumating na bisita.


"Ma'am, ako na lang po angmag-asikaso sa kanila. Ang mabuti pa po magpahinga na muna kayo."Kinakabahan si manang Azon na magkagulo kaya hangga't maaari ayiiiwas niya si Maureen lalo na at wala ngayon ang asawa nito.


Tinapik ni Maureen ang braso nimanang Azon. Napansin niyang tensiyonado ito. "Don't worry, manang.Basta hindi sila manggugulo mananahimik ako."


"Maureen, hija. I'm sorry for whathappened," malungkot na bungad ni Mrs. Sanchez.


Mapait na ngiti ang tanging nagingtugon ni Maureen. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan angmag-asawang bisita.


"Alam namin na masyado langnasaktan si Nicholai sa ginawa ni Fely sa kaniya," turan ni Mr.Sanchez habang pinagmamasdan si Fely na nasa kabaong.


Hindi nagustuhan ni Maureen angnarinig. "But it doesn't give him the license to shot my aunt." Sinalubong niya ang mga mapanuring tingin ng ama ni Nicholai.


"Hija, kung nabubuhay lang ang titaFely mo sigurado akong hindi niya gugustuhin na makaladkad sakahihiyan ang pamilya natin. Kaya kung maaari sana na iatras mo naang kaso kay Nicholai," walang paligoy-ligoy na turan ni Mrs.Sanchez.


Napatayo si Maureen mula sa kaniyangkinauupuan at buong tapang na hinarap ang mag-asawa. Hindi rinnakaligtas sa kaniyang paningin ang bagong dating na mga bisita. "Dahil sa anak ninyo kung bakit nandiyan ang tita ngayon." Sabayturo sa nakahimlay niyang tiyahin.

Deal with the Millionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon