Chapter 32.1

9.6K 311 13
                                    


"Ma'am, puwede po bang iwan ko munakayo rito? Pupunta lang po ako sa chapel para maipagdasal si ma'amFely," alanganing paalam ni manang Azon. Alam niya na may personalna pag-uusapan ang mag-asawa.


Parang biglang natauhan si Maureen.Kailangan muna niyang pagtuunan ang pansin ang kalagayan ng tiyahinang personal na problema nila ni Nathan ay makakapaghintay. "Sasamapo ako sa inyo, manang. Okay lang ba na mamaya na lang natinpag-usapan ang tungkol kay mama?" nagpapaunawang tanong ni Maureen.


"Marami tayong oras para pag-usapaniyun, sweetheart. Ako na ang bahalang makikipag-usap sa mga magulangmo. Ang mahalaga ngayon ay ang tita Fely. She really need our prayer.Susunod na ako sa inyo may importate lang akong tatawagan."Masuyong hinalikan ni Nathan sa kanang pisngi ang asawa bago itotumalikod kasama si manag Azon.


Tahimik na nakasunod lamang siMaureen kay manang Azon. Habang taimtim siyang nagdarasal aynamalayan na lamang niyang umiiyak siya at hindi na niya napigilanang mga hikbi na kanina pa gustong kumawala. Ang bigat nanararamdaman niya ay tuluyan na niyang inilabas sa pamamagitan ngpag-iyak sa Diyos.


"Ma'am, alam ko po na malalampasanpo natin ang pagsubok na ito," turan ni manang Azon habanghinahagod niya ang likod ni Maureen.


"Manang, hindi ko akalain namagagawa ito ni Nicholai. Pinagkatiwalaan siya ni tita Fely."


"At itinuring din siya na parangisang anak. Iyun naman pala may masamang balak sa tita mo. Alam moayaw kong mag-isip ng masama sa kapwa ko pero sa tingin ko intresadodin ang Nicholai na iyan sa kayamanan ni ma'am Fely. Panginoonpatawarin po ninyo ako." Mabilis na pa antanda si Manang Azon atiniyang lumabas ng chapel si Maureen. Dinala niya ang pamangkin ngamo sa cafeteria ng hospital.


"Manang, bakit naman po ninyonasabi na intresado si Nicholai sa kayamanan ni tita?" hindi nanapigilan na itanong ni Maureen habang nakatitig sa kape na inordernila.


Puno nang pag-aatubili si manang Azonkung sasabihin niya rito ang mga narinig niya noong huling magtaloang dalawa. Ang unang-unang patakaran ng kaniyang amo ay wala silangkarapatan na makialam sa personal na buhay nito. Natatakot siya namawalan ng trabaho.


"Manang, sabihin po ninyo kung anoang nalalaman ninyo. Lagi po bang nagtatalo si tita Fely atNicholai?" muling tanong ni Maureen sa matanda nang mapansin niyaang pananahimik nito.


Pinagsalikop ng matanda ang kaniyangmga kamay sa ibabaw ng mesa bago nagsalita. "Ma'am, ang nagingmatinding pagtatalo po nila ay nang malaman ni sir Nicholai napinapauwi kayo dito sa Palawan. Ayaw po niya na makipag-communicatepa si ma'am Fely sa pamilya ninyo at ang narinig ko po niyangsinasabi kay ma'am na kasusuklaman siya ng kapatid nito kapag nalamanang katotohana."


Napailing si Maureen. "He's usingthe situation to manipulate my aunt," bulong niya sa sarili. Sakabila ng mga nalaman niya na ginawa ng tiyahin na pagsabotahe sakanilang mga negosyo ay may awa pa rin siyang nararamdaman para rito.


"Ma'am, sana po mabigyan nghustisya ang nangyari kay ma'am Fely. Isa po ang pamilya nila angpinakamayaman dito sa Palawan baka po mabayaran nila ang humahawak ngkaso niya." May pag-aalala ang tinig ng matandang katiwala.


"Hindi po papayag si Nathan nahindi pagbabayaran ni Nicholai ang ginawa niya kay tita." Malungkotna muling napailing si Maureen. Hindi siya makapaniwala na sa ganitomagtatapos ang pagkakaibigan nila ng binata.


Napangiti si manang Azon sa magandangamo. "Alam mo ma'am ang suwerte mo sa asawa mo. Ang bait na atmahal na mahal ka pa niya."


"Sa totoo lang manang nagdadalawangisip pa rin ako kung totoo bang mahal ako ni Nathan."


"Naku, huwag po ninyong isipin nahindi kayo mahal ni sir Nathan hindi ka naman po niya pakakasalankung hindi ka niya mahal." Nakakunot ang noo ni manang Azon habangnagsasalita.


Mapait na nginitian lang ni Maureenang matanda.


Nang mga sandaling iyun ay kausap niNathan ang kaniyang ina. "Mommy, hindi ko palalampasin ang ginawani Grace. Nakipagsabwatan siya kay Nicholai para gawan ng masama angasawa ko."


"Hijo, sigurado ka bang si Graceang kasabwat ng Nicholai na iyan?" tanong ni Marian sa anak.


"Galit na galit siya sa akin at siMaureen ang ginagamit niya para makaganti. May mga imbestigador narin naman akong kausap para lalo siyang madiin sa kalokohan niya naito."


Napabuntong hininga si Mairan. "Kungsi Grace nga ang nag-utos kay Nicholai imposible na masampahan natinsiya ng kaso."


"Mommy, what do you mean?"Nagulat si Nathan sa sinabi ng ina.


"Kausap ko kanina si Althea atibinalita niya na nasa mental health institution na si Grace. She wasdiagnosed with schizophrenia. Nathaniel, ipaimbestiga mong mabutiiyang insidente diyan at siguraduhin mo ang kaligtasan ng asawa mo,"mahigpit na bilin ni Marian.


Napatuwid sa pagkakatayo si Nathan.Talagang nagulat siya sa ibinalita ng ina.


"Nathaniel, nakausap ko na rin palaang mama ni Maureen sinabi ko na ang tungkol sa pagpapakasal ninyo,"muling turan ni Marian ng biglang nanahimik ang anak sa kabilanglinya.


"Oh god! Why did you do that?Nakialam na naman kayo sa personal kong problema." Bigla siyangnakaramdam ng inis sa ina.


"Huwag mo akong pagtataasan ngboses, Nathaniel! Alam kong may pinaplano kayo ni Maureen para hindiito malaman ng mga magulang niya. Marami akong mga nagawangpagkakamali noon at ayoko ng maulit sa inyong mga anak ko."


Napabuntong hininga na lamang siNathan. Ayaw na niyang makipagtalo sa ina dahil lalo lang hahaba angpanenermon nito sa kaniya.


____________________

A.N.

Enjoy reading guys :D 


Deal with the Millionaire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon