Chapter 3: Coincidence

6 1 0
                                    

"Do you think the universe fights for souls to be together? Some things are too strange and strong to be coincidences."
-Emery Allen

Dear Carla,

I have been shouting my lungs out, have my voice finally reached you? I cried, Carla. I really did. Do my tears still mean anything now as it did before?

Oh god! How I really miss you. The day you left, you tore a big damn hole in my chest and I wonder if anyone could fill it. I'm starting to be afraid that no matter how loud I call your name you won't answer and I'm afraid that no one can take your place.

I'm still waiting, Carla. Please hear me out.

-Specs Martin

Deina folded the letter delicately again before placing it back in the envelop. She laid her head in the table where her notebooks and different books are scattered.

Magdadalawang oras na rin siyang gumagawa ng assignment kaya naman napagpasyahan niyang magpahinga muna sandali. Iidlip sana siya nang mahagip ng mga mata niya ang mga sulat, kaya naman imbes na ipikit sandali ang mga mata ay nagbasa na lang siya.

Mas malakas na ang dating ng mga sulat ngayon kaysa noon. Nabigyan na niya ng mukha ang humabi ng mga pangungusap na tagos na tagos sa puso ang mga dulot na emosyon. Alam na niya ngayon ang tunog ng tinig nito. Kung paano ito magsalita at magalit. Ang mga maliliit na pagbabago sa mukha nito ayon sa kung ano ang kasalukuyan nitong nararamdaman. Mas malinaw na niya itong nailalarawan sa kanyang diwa habang binabasa ang mga sulat.

Ipinikit ni Deina ang mga mata. It's been a week since she first saw him. Sa isang linggong 'yon ay may mga bagay naman siyang natuklasan patungkol dito.

Hindi ito palangiti at palagi ring seryoso. Lagi lang ding si Mark at Jaden ang kasama nito. Isang bagay pa na nalaman niya, marami rin pala talaga ang may gusto rito. Hindi man ito ang pinaka-gwapo sa college nila maging sa buong university, masasabi niyang hindi ito nagpapahuli. Malakas kasi talaga ang dating nito. Matangkad. Hindi man ganoon kalaki ang katawan ngunit matikas, halatang naaalagaan. Mestiso at bilugan ang mga mata kaya't kitang kita ang ganda noon. Para itong isang napakagandang tanawin. Nakakabusog itong pagmasdan.

Ganoon pa man, wala siyang nakitang mga babae na naglakas-loob lumapit dito. Nagkakasya ang mga itong pagmasdan si Specs mula sa malayo. Isang bagay na ipinagtataka niya.

Ni-reject niya na kaya ang mga ito tulad ng ginawa niya sa akin?

"Deina!" Napamulat siya ng mga mata nang marinig ang kanyang pangalan, kasabay ng malumanay na pagkatok sa pinto ng kanyang silid. "Hija, bumaba ka na d'yan at nakahanda na ang lamesa. Kumain ka na."

"Opo! Bababa na po," magalang niyang sagot.

Nadatnan niyang nagsasalin ito ng tubig sa baso pagkasok niya sa dining area.

"Salamat, Manang," aniya pagkaupo. "Umuwi na po ba si kuya Duke?"

Isang iling ang sinagot nito. Sa bagay na 'yon ay hindi na siya nagtataka. Palagi naman 'tong hindi umuuwi. Kung hindi overtime sa office ay laging nasa labas ito kasama ang mga kaibigan. Kung nasa bahay man ito, hindi rin naman siya gustong kasabay nito kumain, maging kausapin man lang.

Siyam na taon ang tanda nito sa kanya. Ito ang nagma-manage ng isa sa branch ng textile business ng family nila. Magkaiba sila ng ina, kaya siguro malayo ang loob nito sa kanya.

Pitong taon ito nang binawi ng langit dito ang mommy nito. One year after his mother's death, nakilala ng ama nito ang kanyang ina and after a year naman ay isinilang na siya.

"E, ang mommy at daddy naman? Umuwi na po ba sila?" tanong niyang muli bago sumubo ng pagkain.

Malungkot naman na muling umuling ang matandang kasambahay. "Hija, ang mommy mo nasa Cebu pa rin e. Ang daddy mo naman lumipad na kanina papuntang Davao."

"Ganoon po ba?" Imbes na ipakita ang lungkot ay ngumiti siya. "Solo na naman pala natin ang bahay. Pa-party kaya tayo, Manang?" Biro niya na tinawanan naman nito.

Ano pa nga bang bago. Lagi naman siya mag-isa e. Wala lagi ang mga magulang niya. Laging busy ito sa business nila. Si Manang Tess lang ang lagi niyang kasama. Ito na rin halos ang nagpalaki sa kanya. Mas marami pa nga siyang memories na kasama ito kaysa ang pamilya.

Deina stared at the empty seats in front of her. How long has it been since they all dined together? Hindi na niya maalala, ganoon na katagal.

Bigla ay nawalan na siya ng gana.

****

"Deina, hija. Nagpaalam si Jose na hindi siya makakapasok ngayon dahil may lagnat ang bunso niyang anak. Paano 'yan walang maghahatid sa 'yo papasok?" Pagbibigay alam sa kanya ni Manang Tess habang nag-aagahan siya.

"Ganoon po ba? Naku, tama lang po na samahan niya muna ang anak niya. Kaya ko naman po pumasok mag-isa. Sakay na lang po ako ng tren."

At dahil walang maghahatid sa kanya, mas binilisan ni Deina ang kilos. Maaga pa naman ang klase nila ngayon at medyo masungit din ang professor nila kaya hindi siya pwedeng ma-late.

Pagkababa niya sa dyip na sinakyan ay tinakbo niya agad ang entrance ng train station para abutan sana ang unang byahe nito. Sakto namang pagdating niya sa loob ay nakahinto pa ang tren. Agad na pinasok niya ang unang bagon na nakita niyang may mga babae ring pumapasok. Hingal na hingal siya pero ganoon pa man ay masaya na rin dahil at least umabot.

Agad niyang sinuri ang paligid. Tsaka niya lang napansin na halo ang sakay nito sa loob. Babae at lalaki. Wala na ring bakanteng upuan kaya naman mas sumiksik siya sa loob upang humanap ng poste na pwede niyang hawakan.

Nang magsimula nang umabante ang tren ay medyo natataranta na siya. Nakakahiya kung mawalan siya ng balanse bigla. Medyo may kaiklian din kasi ang skirt ng uniform nila kaya tiyak na makikita ang 'di dapat makita kung matumba siya.

Lord 'wag po please! Luma na po 'yong suot ko na shorts. Medyo nakakahiya po sa makakakita. Ang alam ko rin po, may maliit na butas po 'to banda sa pwet. Lord, mahal niyo naman po ako 'di ba?

'Di na alam ni Deina ang gagawin kaya nang medyo bumilis ang takbo ng tren ay kumapit siya sa braso na nakalambitin sa bandang uluhan niya.

"Sorry. Pasensya na," aniyang nakayuko. Bibitaw na sana siya pero biglang umalog ulit sa loob kaya mas humigpit pa ang kapit niya rito. "Sorry po talaga."

Mommy. Daddy. Bakit po kasi ang liit ko? 'Di ko po abot yung hawakan. Bakit lahat ng height kay kuya niyo binigay? Mahinang tanong niya sa kawalan.

Hindi siya nakarinig ng reklamo sa may-ari ng braso kaya nilingon niya ito at ganoon na lang ang kaba at gulat niya nang mapagsino kung kaninong braso ito.

"Specs!?" She uttered his name in shock.

The boy's forehead knotted in annoyance as recognition hits him.

Regards, Specs MartinWhere stories live. Discover now