Chapter 39

668 29 1
                                    

JANA

Grabe naman 'tong si Ada. Sana sinabihan niya kong ikikiss niya ako. Hindi pa naman ako nakapag toothbrush bago pumunta rito. Charot.

"So.. back in the hospital, I know gusto mo na makipag-usap. I can feel that. Well, because of the way you look at me." Panimula ni Ada.

Tumango lang ako bilang sagot dahil parang may gusto pa siyang sabihin.

"I didn't save you because I am obliged to, due to what happened before I left without saying goodbye. I did that because.." Napahinto siya na parang nabigla rin sa sinasabi niya.

"Because.. uhm.." Para niyang hinahanap sa kawalan yung susunod na salitang dapat niyang sabihin.

"Because?" Maingat kong tanong.

"Because it was the right thing to do." Parang siya mismo ay hindi kumbinsido sa sinabi niya.

"Yeah, and gaya nga ng sabi ko, sobrang thank you sa ginawa mo. Baka kung ako talaga yung nabaril, sa puso diretso yon at patay na ko ngayon. I'm really thankful na sa balikat ka natamaan. Kung may nangyari pang mas masama sayo, hindi ko mapapatawad yung sarili ko." Sagot ko sa kanya.

"Hey.. it wasn't your fault naman. We didn't even know yet who's behind this." Pagko-convince niya sa akin.

Ngumiti lang ako ng tipid. Mahal kasi bayad sa ngiti ko e. Mga isang kiss pa ulit, hehe.

"I don't know how and where to start but.. I-I'm sorry.. for uhm.. what I did. For leaving without saying anything." Nag-aalangan niyang sabi. Parang hiyang-hiya siya at sising-sisi sa nagawa niya.

"Nangyari na yun e. Hayaan mo na. Isa pa, 'di naman ako galit sa'yo, hindi ako nagalit sa'yo kahit saglit. I guess, nagulat ka lang talaga sa nangyari nung araw na 'yon. But honestly speaking, wala talaga ako sa sarili from that day forward." Seryoso kong sabi sa kaniya.

"I'm really s-sorry.." Hiyang-hiya niyang sabi.

"May nagawa naman yatang maganda yung pag-alis mo. You were able to finish your dream course, ganon din sa akin. I also realized a lot of things when you're not around, I hope ikaw rin." I honestly said.

"It did.. I did.." Pagtapos niyang magsalita ay natahimik nanaman kami.

Gustong-gusto ko tanungin kung bakit niya ba ako hinalikan nung araw na 'yon. Pero appropriate bang itanong yun ngayon? Tapos ito nanaman, hinalikan nanaman niya ako. Baka umalis nanaman 'to. Hay nako, Ada Gaile. 'Di na ko papayag.

"Do you.. really hate me back then?" Nag-aalangang tanong niya.

"Oo. Pero nagbago naman yun e." Sagot ko.

"Why do you hate me?" Tanong niya.

"E kasi nga napaka arte mo tapos maldita. Ikaw si kontra noon e. Lahat na lang ng desisyon ko, kokontrahin mo. Feeling ko nga sinasadya mo yon kasi mapa-work, mapa-school, kontra ka pa rin. Sakit mo sa ulo noon." Natatawa kong sabi sa kaniya.

Nakita ko sa reaksyon niya na parang gusto niyang kumontra nanaman sa sinabi ko, gusto niyang i-defend yung sarili niya pero mas pinili niya na lang na manahimik.

"Tsaka.. uhm.." Maingat kong sabi. Dapat ko bang ituloy 'to? Baka maging dragon nanaman siya.

"And?" Tanong niya.

"Ano.. crush ko kasi kuya mo noon e. Kala ko siya yung gustong ipa-train ni tito, yun pala ikaw." Nahihiya kong sabi habang napakamot sa batok.

"What the heck?!" Sigaw niya.

Jusko, ito na nga ba sinasabi ko e.

"Dati lang naman yun ah. Hindi na ngayon." Paliwanag ko.

Inirapan niya ako at tumalikod sa akin.

Aba, attitude tong babaeng 'to. Akala ko ba she owe me this talk? Kotongan ko 'to e.

"Hoy, kasi dati nga lang 'yon. E ikaw nga dyan di ko alam bakit naka-kontra ka sakin lagi. Baka ikaw yung may ayaw sa akin." Sabi ko rito pagtapos kalabitin siya sa balikat.

"Ka-kontra kontra naman talaga mga desisyon mo noon. If I know, napapa-isip ka rin bigla kapag kumontra na ako." Mayabang na sabi niya.

Aba't tignan mo talaga kakapalan ng mukha ng babae na 'to. Inirapan ko na lang siya, wala na kong masagot e. Iniisip ko kasing itanong na sa kaniya bakit niya ba ako kiniss, pati ngayon. Alam ko namang kissable yung lips ko pero 'wag naman siya halik ng halik. HAHAHA.

"So, Ada.. if you don't mind, gusto kong malaman kung bakit mo ako.. hinalikan noon?" Maingat at nag-aalangan kong tanong.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa gulat. Parang hindi niya rin alam kung anong isasagot sa tanong ko.

"I.. I actually didn't know why.. biglang kilos na lang rin ng katawan ko 'yon." Hesitant niyang sagot.

"Pati yung ngayon?" Tanong ko.

"Syempre hindi. Ayon na nga, after I left, I realized why I did that. And I know why I did it again today." Nakangiti niyang sagot.

"Oh bakit nga? Baka trip trip mo lang ako halikan." Pang-aasar ko sa kaniya.

"Hoy, ang kapal pa rin ng mukha mo.." Sabi nito sabay irap. "I did that because I felt something for you. Siguro yung point na nasa kwarto tayo is a way for me to have the courage to do that." Sabi niya.

"Felt something? Ano? Natatae ka ba noon?" Tanong ko.

"My gosh, Sherry. Dugyot ka pa rin." Disgusted niyang sabi.

"E ano pala?" Tanong ko.

Aba, malay ko ba kung anong naramdaman niyan.

"I stopped wanting to be your friend when I felt it. That's why I took that chance to maybe.. give you a hint. I got my hopes high rin kasi nung sinama mo ako sa bahay niyo. So maybe that's why." Sagot niya.

"Give me a hint on what?" Tanong ko ulit.

"Hay nako naman." Naiinis niyang sabi.

"Saan nga kasi? Hindi ko nga alam." Sabi ko sa kaniya. Totoo naman, di ko talaga alam. Hehe.

"I kissed you because I.. oh my gosh, do I really have to say this?" Tanong niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay as a sign na ituloy niya yung sasabihin niya.

Napa-facepalm siya at ilang beses na hinilamos yung kamay niya sa mukha niya bago sumagot.

"I love you, Sherry." Ada said while looking at my eyes.

The AntagonistWhere stories live. Discover now