Chapter 41

619 26 0
                                    

JANA

A week after mula nung naging official kami ni Ada, hindi pa kami nakapag date sa labas. Gawa nung insidenteng nangyari, hindi pa rin safe na makita kaming magkasama dahil maaaring may mga kasabwat ang gunman na hawak ng mga pulis.

Patuloy naman yung investigation, nahihirapan lang dahil ayaw magsalita nung gunman. At dahil nga hindi naman kami makapag date sa labas, edi sa loob na lang kami nagde-date. Hehe. Home date kami palagi, pero parang mas okay pa nga yun kesa sa date sa labas.

"Let's go." Hatak sakin ni Ada palabas ng bahay nila.

"Saan ba tayo pupunta? Bawal nga tayo mag date sa labas." Naiinis kong sabi.

Ang kulit niya kasi, parang bata. Pag sinabing hindi o bawal, yun yung gagawin.

"We're not going on a date. I'm just going home." Pag hinto nito sa paglalakad ay umirap pa sa akin. Maldita talaga.

"Nasa loob ka na nga ng bahay mo kanina, ngayon nasa labas na tayo. Anong pinagsasabi mong 'going home'?" Tanong ko sa kaniya. Kasing kulot ng buhok ko sa kili-kili yung utak nitong babae na 'to. Girlfriend ko ba 'to?

"I'm talking about MY home. Our home." Malumanay na sagot niya.

"Hoy Ada Gaile, kaka-isang linggo lang mula ng maging tayo. Nagpatayo ka na agad ng bahay natin? Ganiyan ka ka-patay na patay sa akin?" Natatawa kong tanong.

Umirap si gaga at binatukan pa ako bago mag walkout at sumakay sa kotse.

Wala naman na akong nagawa kundi ang sundan siya sa kotse. Nagpa-drive na lang kami para rin may iba kaming kasama, for safety purposes.

Habang nasa daan ay tahimik lang si Ada habang nakatutok sa phone. Minsan ay napapangiti o tumatawa bigla.

Na-curious nga ako e, akala ko nag cheat na sa akin. Pero nagba-browse lang pala ss FB feed at puro memes nakikita.

Hinayaan ko na lang siya at tumingin sa daanan, hindi niya kasi sinabi saan kami pupunta. At parang na-orient yung driver dahil hindi na kinailangan sabihin ni Ada sa kaniya ang daan.

Nagtataka naman ako kung bakit familiar ang highway na dinadaanan namin. Papunta 'yon sa center ng city kung saan nakatayo ang mga malalaking kumpanya, mga negosyo, mga University, at iba pang malalaking infrastructure.

Dito rin yung daan papunta sa condo. Teka, doon ba kami pupunta? Hindi ko pa nasabi kay Ada na binenta ko na yung unit ko. Sure rin ako na wala na siyang unit doon, malaki yung possibility na binenta na yun ng Daddy niya habang nasa San Diego pa siya.

Gusto ko sana sabihin sa kanya yon bago pa kami makarating, pero ayaw kong mawala yung excitement sa mukha niya nung malapit na kami. Nakakaloka naman, bili na lang kaya ako ng fully-furnished na unit agad-agad? Charot. Baka kasi mapahiya lang kami pagdating doon sa building dahil hindi naman na kami resident doon.

Yun ang alam ko.

~*~

ADA

Habang naghahanap ng parking space ay mas lalo akong na-excite na ipakita kay Jana yung Condo.

Pagkababa ng sasakyan ay hinatak ko agad siya sa elevator. Pinaiwan ko na yung driver sa sasakyan at sinabing hintayin na lang kami dahil sasaglit lang naman kami.

The AntagonistWhere stories live. Discover now