Chapter 23

2.5K 75 1
                                    

JANA

Tatlong buwan na ang lumipas. Naging abala ang buong TIPTOP Corp. dahil sa project na ilalabas sa nalalapit ng founding anniversary.

Tatlong buwan din ang lumipas kaya ngayon sawang-sawa na ako sa pagmumukha ni Ada. I'm sure nagsasawa na rin 'yon sa mukha ko. 24/7 ba naman kaming nagkikita e.

Ang set up namin ay sabay na papasok sa office, sabay na uuwi sa condo, at kapag rest day, imbes na mag pahinga, pinag aaralan namin yung modules namin.

Ewan ko na lang talaga, kapag nagkasabay ang Founding Anniversary at Final Exam, papatayin ko si Ada. Charot.

Isipin niyo 'yon? Three months tapos 24/7 kaming nagkikita? Sige nga, tignan natin kung di pa kami maging magka-close. Palagay ko nga, magtatampo si Sha 'pag nalaman niyang close na close na kami ni Ada. Baka isipin noon may bago na kong bessywap.

Sa loob ng tatlong buwan kasi para kaming nagliligawan na nasa "getting to know each other stage ". Yun nga lang, hindi naman kami nagliligawan.

Malapit na nga yata naming makabisado ang isa't isa e. At sa sobrang close namin, minsan nag o-overnight siya sa unit ko, or minsan ako naman yung dumadayo sa unit niya. Kala mo ang layo ng units namin sa isa't isa e.

Nahawa na nga rin yata ako sa kabaliwan ni Ada. At in fairness, straight na siya... Straight ng mag tagalog. Haha. Kaso minsan nag ko-code switch pa rin e.

At sa tatlong buwan na mas lalo kong nakilala si Ada, doon ko narealize na... Kaya pala bilang lang sa daliri yung kaibigan niya sa San Diego ay dahil napaka mean niya. Charot. Ayaw niya kasi sa mga taong fake.

Hmm, siguro may iba kayong ine-expect na narealize ko noh?

Pero oo, may isa pa akong narealize. Hindi mahirap mahalin si Ada... hindi mahirap mahalin bilang isang matalik na kaibigan. Kayo talaga oh. Haha.

Napaka fragile kasi ni Ada to the point na ayaw mong ma-attached siya sayo kasi baka pag nangyari 'yon, isang maling bagay lang magawa mo, mababasag na siya.

At oo, ayokong ma-attached si Ada sa akin. Kung noon ngang hindi pa kami close, grabe na siyang masaktan dahil sa mga sinasabi ko, ano pa kaya sa ngayon diba? Kaya ayoko talaga. Ayoko. SANA...

Kaso lang ako yata yung attached na sa kaniya. Kasi I can't imagine a day without her annoying me. 'Wag nga kayong ma-issue. Haha. Nasanay lang talaga siguro ako na palaging may Ada na naninira ng araw ko, na kumokontra sa lahat ng aspeto sa buhay ko. Sobrang kontrabida kasi ni gaga.

"Hoy Sherry, anuena? Natulala ka nanaman sa kagandahan ko. Hays." Nag iinarteng sabi ni Ada.

Opo, magkasama nanaman kami. Nag aaral kami ngayon dahil rest day.

"Bobo nag mo-monologue ako." Sagot ko.

"May nalalaman ka pang monologue monologue. Umamin ka na kasi. Nababakla ka na sa'kin noh?" Pataas-baba pa ang mga kilay niya habang sinasabi ito.

"Bobo totoo nga, may monologue ako kaso bigla kang nagsalita. Ang daldal mo talaga. Ang haba nga sana non e. Basahin mo pa. Title non The Antagonist, Chapter 23. Author non si KyreenCaela_"

"Nge, bakit nasa libro yung monologue mo? Character ka ba doon? Bobo." Nag roll eyes pa si gaga.

Naging lambingan na namin bilang mag kaibigan ang salitang Bobo. Haha.

"Wala, trip ko lang na ilagay doon yung monologue ko. Bakit ba?!"

"Ay napaka bobo talaga. Hindi mo pwedeng gawin 'yon lalo pa isang libro 'yon at hindi ka naman character doon." Nanghahampas na po siya ng papel mga kaibigan.

Dinidiktahan niya nanaman ako. May komento nanaman siya. Lahat na lang talaga ng bagay. Hay. Hindi lang siya kontra-bida. Isa rin siyang sadistang diktador. Huwag niyo po siyang iboto sa darating na eleksyon.

"Alam mo, Gaile, imbes na nag-aaral ka dyan, nakuha mo pang mangealam. Kahit kelan ka talaga!"

"E hindi ko nga maintindihan 'tong inaaral natin. Pucha naman oh. Bakit kasi may Filipino subject pa rin tayo e 4th year college na tayo tapos course natin business related pa." Nagreklamo nanaman siya.

"Hindi yan Filipino subject, gaga! For activity na yang binabasa mo e. Naka translate sa tagalog yung isang situation. Ayon yung challenge doon. Hay napaka bobo." Napa-roll eyes kong sabi.

"Ay ganon ba 'yon? Hehehe. Gutom na yata ako kaya hindi na nagpa-process ng maayos yung mind ko." Palusot niya.

"May nalalaman ka pang "yata". Lagi ka namang gutom. Naubos na nga laman ng kitchen ko dahil sa'yo e. Sampid na 'to, patabaing baboy ka lang sa unit ko lintik ka!" Binato ko siya ng unan matapos kong sabihin ito.

"Hoy, just so you know, year of the pig ngayon kaya keep me, swerte ako. Tsaka meron naman mga foods sa unit ko e. Pwede mo 'yon kuhain, sayo na lang. " Pagmamayabang niya.

"Puro pagkain ng babaeng baboy yung nasa unit mo. Baboy ka kasi!" Singhal ko rito sabay bato sa kanya ng hawak kong crumpled paper ball, sabay takbo.

"Mapanglait ka talagang pangit ka!!" Sigaw niya habang hinahabol ako.

The AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon