"Why are you here?" Curious na tanong ko.

"Hello to you, too." Natatawang sagot niya.

Inirapan ko lang siya as a response.

"Ah.. magaling ka na nga. Maldita ka na ulit e." Sabi nito.

"Whatever. Pumasok ka na lang sa room ko if you want. I'll go up na." Sabi ko sa kaniya.

Hindi ko naman inaasahan na susundan niya talaga ako. Ang kapal talaga ng mukha nito. Crush yata ako. Charot.

Pinaupo ko siya sa sofa, akala niya ba mararanasan niya yung kama ko? Tsaka na lang.

Magkaharap na kami ngayon, sa kama ako nakaupo.

"Bakit ka nga nandito? Wala na ko sa hospital, bumibisita ka pa rin?" Tanong ko ulit.

"Okay nga yun e. Wala ng nurse, wala ng psychiatrist na mas baliw pa sa pasyente." Bulong nito.

"What?" Kunwari ay hindi ko narinig yung pinagsasabi niya.

"Wala. I came here to check if you're really fine now. E masungit ka na, so siguro nga okay na okay ka na." Sabi nito.

Natahimik naman ako bigla. Bakit naman kailangan niya pa ako i-check? Doktor ko ba siya?

Nung hindi na ako sumagot, natahimik na lang kaming dalawa. Ginagala niya lang tingin niya sa loob ng kwarto ko. Tumatango-tango pa nga siya.

"Are you here to talk about something?" Maingat kong tanong.

Biglang huminto yung pag iikot niya ng tingin sa kwarto at tumitig sa akin. Ngumiti muna siya bago magsalita.

"We will have that talk kapag magaling na magaling ka na talaga. I don't want to stress you out. Our talk can wait, I can wait. But I want to let you know that I am very thankful for what you did." Sincere niyang sabi.

Ngumiti lang ako bilang sagot. Mukha kasing may gusto pa siya sabihin.

"Wag mo sana isipin na ginagawa ko lang yung pag aalaga sayo kasi nao-obliga ako or something like that. Ginagawa ko 'to kasi gusto ko lang." Dagdag niya.

"Jana, magaling naman na ako. Nakapag pahinga na rin ako ng matagal-tagal. Besides, I think I owe you this talk." Sincere ko ring sabi.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Hindi ko inaasahan yung susunod niyang ginawa.

She kissed the top of my head, and then my forehead. After that, tinitigan niya ako bago magsalita ulit.

"I-save mo muna 'yan, I can wait nga. Sige na, you should rest more. Uuwi na ako." Sabi nito at aalis na sana pero pinigilan ko.

Niyakap ko siya habang nakaupo ako at nakatayo siya sa harap ko, 'di ko rin alam kung bakit ko 'to ginagawa. Baka side effect nung pagka-hospital ko.

Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik. Hinatak ko siya para umupo sa tabi ko.

"Bakit?" Naguguluhang tanong niya. Nagulat siguro sa kinilos ko at sa paghatak ko sa kaniya.

Tinitigan ko lang siya, ngumiti ako ng pagkatamis-tamis pagkatapos ay sinampal ko siya. Charot. I kissed her. Hinalikan ko ulit siya sa labi. Pero smack lang, wag nga kayo.

Gulat na gulat siya, kitang-kita naman sa reaction niya. Halos 2 minutes na nga nakalipas mula nung magkahiwalay yung mga labi namin pero hindi pa siya nagsasalita.

Nag-alala tuloy ako.

"Hey.." tawag ko rito habang tinatapik yung pisngi niya.

Tumingin siya sa akin na parang nabalik siya sa reality, bago nagsalita.

"Wow." Yun lang ang nasabi niya.

Ngumiti ulit ako. Hindi ko na matago yung tuwa dahil sa reaction niya.

"You know what? Let's have that talk." Mabilis niyang pagbawi sa mga sinabi niya kanina.

Tumango ako habang tumatawa bilang sagot.

The AntagonistWhere stories live. Discover now