"Damn it! I fucking love you Vera! Please... just tell me what's wrong, please. I love you. So, please... don't do this to me." at hinawakan nya na naman ang mga kamay ko.

I don't know what to feel right now ang alam ko lang ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon lalo na't ang lapit niya sa akin.

Naalala ko na naman ang pinag-usapan namin ng daddy niya. And this is not right.

Tinulak ko naman siya. "I already told you Jethro, there is nothing wrong with me and to tell you wala kang nagawang sa akin, naiintindihan mo ba ako?"

"Then... why, Vera? Why? Hindi mo ba alam na nasasaktan na ako sa pag-iwas mo?" at nagbago naman ang boses niya.

Parang nanlambot ang mga tuhod ko. Parang gusto kong mapaupo.

My lips are tembling. "I'm sorry..." tanging nasabi ko sa kanya.

I'm so sorry, Jethro. Hindi ko man lang naisip na masasaktan kita ng ganito.

Patawad kung hindi ko man lang natupad ang pangako ko sayo. I can't be with you... I can't.

"No, Vera. Just tell me what's going on. "

Tinignan ko siya. "I already told you, Jethro. There's nothing wrong."

"Fuck it!" at nagulat ako ng bigla niyang sinapa ang upuan sa tabi niya.

Lumundag naman ang puso ko sa kaba. Mabuti na lang at kami-kami na lang ang natira dito kasi nagsilabasan na ang iba naming kaklase sa tulong ni Theo.

"Hey... bro. That's enough." at akmang lalapit pa sana si Theo pero pinigilan siya ni Jethro.

"Don't come any closer." at napasigaw na naman siya at pinagkakagulo ang mga upuan namin.

Natatakot na ako para sa kanya. He's so furious. Galit na galit ito ngayon. At namumula na ang mga mata niya na para bang iniiwasan niyang mapaiyak.

"Jethro! That's enough!" sigaw ko pero hindi siya nakinig. Patuloy pa rin siyang nagwawala at binubuhos ang galit nito dito.

"Jethro!" at napalingon na ito sa akin.

"That's enough! You are already destroying our classroom."

Napangisi naman siya. "Am I?"

"Tumigil kana nga. This is the reason why I can't like you!" sigaw ko sa kanya.

Natigilan ito sa sinabi ko. "W-what do you mean?" at nabasag ang boses niya. Alam kong nasasaktan na siya ngayon.

I need to do this. "Tigilan muna ang panliligaw mo sakin." I bluntly said.

"What? No!"

"Hindi mo ba nakikita? O baka nagbubulag-bulagan ka lang? Hindi kita gusto Jethro! Hindi ikaw ang lalaki na gusto kong makasama!" sa sinabi kong iyon ay natuod siya.

Pero nakita kong nasaktan na naman siya sa sinabi ko. Pati sina Lanny at Theo ay nakatingin lang sa akin.

"No... you don't meant it." at lumapit siya sa akin.

No... Don't look at me like that. Kasi parang nasasaktan din ako.

"I do... Jethro."

Nagulat ako ng napaluhod ito ngayon sa harapan ko. Pati na rin silang lahat.

"What are you doing!" sigaw ko sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko. At nanginginig din siya. May sugat din ito siguro dahil ito sa pagwawala niya kanina.

"Please... no. Gagawin ko ang lahat para sayo Vera. Huwag mo lang 'tong gawin. Maawa ka sakin. You're the only one I have right now... please. Give me another chance please." pagmamakaawa niya. Kaya napaluhod na rin ako hindi ko na rin kasi kaya ang sakit sa dibdib na nararamdaman ko.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon